I (almost) left my heart in Dumangas
Full Story Coming Soon
Alisa U Zemlji Chuda
Game of Thrones Daily

Kiana Khansmith

Origami Around

shark vs the universe
Cosimo Galluzzi

Discoholic 🪩
Sweet Seals For You, Always
RMH

pixel skylines
tumblr dot com
TVSTRANGERTHINGS
Mike Driver
Three Goblin Art
DEAR READER
Today's Document
Stranger Things
Keni
macklin celebrini has autism
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Australia

seen from Singapore
seen from United States
seen from South Africa

seen from South Africa
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Singapore

seen from United States

seen from Malaysia
seen from South Africa

seen from North Macedonia
@warningratedspjhe-blog
I (almost) left my heart in Dumangas
Full Story Coming Soon
Tatlong Hakbang
Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong.
Di mapigilan ang pagkabog ng dibdib sa bawat yapak na kanyang ginagawa. Lumilibot ang kanyang paningin sa paligid. Siya ay isang estranghero sa lugar na ito. Habang nagtatakbuhan ang mga tao sa paligid nya tila bang malulunod siya sa ingay at komusyon. Napatigil siya sa harap ng higanteng trangkahan, napatitig, tulala, tila wala na siyang ibang marinig kundi ang kabog ng kanyang dibdib. Tatlong hakbang na lang papasok. Papasok sa kanilang sinasabing lagusan sa katuparan ng mga pangarap.
Dahan dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata…
Matagal na niyang pinaghandaan ito. Dalawang buwan siyang hindi makatulog simula nung marinig niya ang balita mula sa nanay niya. Labindalawang taon siyang nasa loob lang ng bahay. Nagtago sa mundo, nahihiya sa kanyang sitwasyon – ikinubli niya ang sarili mula sa mapanghusgang lipunan. Ngunit biglang nagbago ang lahat simula nang gabing iyon noong sabihin sa kanya na siya ay papasok na sa isang normal na paaralan. Wala ng personal tutor, wala nang home school.
Inilabas ng Senado ng Pilipinas ang isang proklamasyon na nagtatalaga ng inclusive education sa lahat ng paaralan sa buong bansa. Ito ay isang batas na nagsasabi na lahat ay may karapatan sa pantay na edukasyon, ikaw man ay may kapansanan o normal. Ito ay Itinalaga para makahalubilo sa lahat ang bawat bata at magkaroon ng pagkakataon sa normal na kabataan ang mga mayroong kapansanan.
Ito ay parte rin ng pakikipag-ugnayan ng bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ipinaglalaban ng ASEAN na ang edukasyon ay para sa lahat at dapat walang diskriminasyon. Layunin nito na bawat bata sa mga karatigbansa ay magkapag-aral sa isang institusyong hindi mapanghusga at magbibigay kahalagan sa lahat ng mag-aaral anuman ang lahi, kasarian o katayuan sa buhay.
Huminga siya ng malalim at binuksan ang kanyang mga mata. Linakasan ang loob, iniangat niya ang kanyang kanang paa. Isa. Sunod niyang iniangat ang saklay na hawak ng kanyang kaliwang kamay. Dalawa. At huli niyang inihakbang muli ang kanang paa. Tatlo. At siya’y nakapasok na siya sa loob ng trangkahan. Muli niyang inilibot ang kanyang mga mata. Siya ay napangiti, ito pala ang mundo.
Handa na siyang harapin ang bagong hamon sa buhay. Napatawa na lamang siya. Napaisip, kinaya niya nga ang labindalawang taon na walang kaliwang paa. Kaya niya na ang lahat.
Naalala niya ang mga salitang iniwan sa kanya ng kanyang ina, tayo ay nakatira sa isang dagat ng dugo na tinabunan ng alikabok; ang mundo ay mapanghusga at mapagpanggap. Huwag kang papatalo.
Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong hakbang. – Tatlong hakbang patungo sa mundo.
Ako’y manunulat, tungkulin kong ipaalam ang kanyang kwento.