Pony Tail
(Selfish part 2)
Anong pakiramdam na ang pinakaiingat- ingatan mong bagay, eh iwawala na lang ng isang taong pinahiram mo nito na ayaw mo naman talagang pahiramin kasi ayaw mo ngang mawala? Ang sakit diba?
Kahit isang hamak lang na Pony Tail yun, ilang buwan ko din yun iningatan! Ni hindi nga ko sanay na wala yun sa braso ko tapos iwawala nya lang. Tapos sinabihan pa kong selfish kahapon eh gami-gamit niya pala yung pony tail ko! Langya.
Hindi ko mapigilang mainis dahil ang arte-arte nya, gandang ganda sa sarili, tapos masyadong FC sa lahat porket maganda sya. tss oo na.
Tapos ang hilig pang mangbara. Yung moment na kinakausap mo ng maayos tapos babarahin ka. Sarap tadjakan sa muka. Kala mo nakakatuwa.
Okaaay. Tama na nga. Masyado na kong naiinis sa kaartehan mo. Hindi ko lang kasi mapigilang magpost ng tungkol sayo dahil inis na inis talaga ako!
Much better kung ganito na lang, private. Baka kasi pag minention pa kita sa facebook o twitter, sumikat pa ko at magmaganda ka nanaman ng todo.












