Pabalik-balik
Natakot na nagwander ako sa panaginip ko kanina. Labas pasok daw ako sa church namin tapos walang pumapansin sa akin kahit isa maliban kay mama. Yung tipong lalabas ako ng church tapos maghahanap ako ng bibihisan tapos pagbalik ko ganun pa rin ang suot ko. Nakita ko pa na nakangiti lahat ng mga tao sa loob ng church pero hindi nila ako napapansin. Yung nasa isip ko gusto ko maging sentro ng atensyon nila pero hindi ko magawa. Isa pa akyat-baba ako sa hagdanan minsan naman sa elevator. Yung mga oras na yon nagmamadali ako dahil magpeperform kami yung tipong labas pasok ka, umuuwi sa bahay tapos naghihintay ka ng performance ninyo pero hindi nangyayari. Hanggang sa nagising na lang ako dahil sa malakas na kulog. Ano kaya ibig sabihin nun?














