bakit ka bumitaw?
Bakit ka bumitaw?
Iyan ang tanong na patuloy na bumabagabag saaking isipan
gabi-gabi, araw araw, minu-minuto.segu-segundo.
nasa hayskul palang ako kasama na kita
sabi ko nga walang iwanan, pero wala ka namang binuga.
okay lang ramdam ko ako paborito mong kasama
pero hindi ko naisip hangang kelan ba?
nasa kolehiyo na ako, kasama pa rin kita
ni kilos, galaw, salita kuhang kuha ko na
ikaw na ikaw na.
akala ko din. ako na
Akala ko, ako na ang pinaka maswerte
akala ko kapag kasama kita ayos lahat
naging kampante ako
naging dependent sayo
di ko naisip magdesisyon para sa sarili ko
ayoko kasing nagagalit ka, takot ako na mawala ka
ngunit sa takot ko, nakalimutan ko maaari rin pala akong mawala.
bakit bumitaw ka?
gayong lahat ng sinabi mo nagawa ko na
gayong lahat ng gusto mo pinilit ko pa
gayong pati kasiyahan ko, ipinalit ko na
gayong ulti mo yung”ako” nawala na?
bakit bumitaw ka?
dahil ba, meron n akong iba?
at akala mo’y ipapalit kita?
pwede naman na akong maging masaya di ba?
kasi hindi naman tayo habang buhay pwede magsama
pero kahit meron akong iba, ikaw pa rin naman talaga
hindi ko lang kasi talaga kaya
na mawala yung ako para maging masaya ka
kasi ni minsan di ko pinaramdam sayo na balewala ka
ni minsan, hindi kita pinagpalit sa iba
pero pinaramdam mo sakin na wala akong kwenta
pati saiyong mga barkada
na ikaw ay inalipusta
at ako yung dumupa
ako rin yung bumunganga
pero ako rin yung naging tanga
kasi pinagtangol mo sila
pinagpalit mo ako ng basta.
ngunit kahit ganun, gusto ko maging masaya ka
inintindi pa rin kita. kahit ang sakit sakit na.
at kahit hiyang hiya akong talaga.
Pero kailangan kong dumistansya, para malaman mo aking importansya
sana mamulat ka. kahit alam kong bumitaw ka.
nandito pa rin ako. hhharap at magtatangol sayo pag nadapa ka
dahil kahit lumayo ako, kaya ko ulit mawala ang AKO
maging masaya ka lang talaga
ATE, sana masaya ka.


















