#62
sabay sa pag agos ng ulan papunta kung saan
ay siya ring pag sabay ng luha kong kanina pang pinipigilan
malungkot at umiiyak ang kalangitan
para bang ito’y nakikidalamhati sa sakit na aking nararamdaman
Sade Olutola

Andulka

No title available

shark vs the universe
he wasn't even looking at me and he found me
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

izzy's playlists!

Origami Around
h

JVL
dirt enthusiast
occasionally subtle
Three Goblin Art
Claire Keane
Keni
cherry valley forever
Sweet Seals For You, Always
Lint Roller? I Barely Know Her
Not today Justin
art blog(derogatory)
seen from Morocco

seen from Colombia
seen from Argentina
seen from Türkiye
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from Puerto Rico
seen from United States

seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from Germany
@yahjustplainboring
#62
sabay sa pag agos ng ulan papunta kung saan
ay siya ring pag sabay ng luha kong kanina pang pinipigilan
malungkot at umiiyak ang kalangitan
para bang ito’y nakikidalamhati sa sakit na aking nararamdaman
#61
pumikit lang ako saglit, sinta
at pag mulat ng aking mga mata
bakit sa isang iglap ay napaka layo mo na?
saan ba ang iyong punta?
ang TAYO ba'y iyong nilisan na?
#60
mahigit dalawang taon na ang lumipas
masayang alaala at magandang samahan ay tila isa na lang bakas
dati-rati ika’y palaging andyan upang sa lungkot ako’y iligtas
kasa-kasama sa saya at sa pag lutas ng mga problemang para bang walang wakas
puso ko ay pangalan mo ang paulit-ulit binibigkas
ang dating ikaw at ako, tayo…ngayon ay mag-isa na lang madalas
sama ng loob at hinanakit ay hirap na hirap ilabas
hinaharap ang hamon mag-isa at sa’yo ay iwas na iwas
tayo ba’y malapit na sa wakas?
kung oo, sakit na nadarama sana’y lumipas
#59
kailangan ko pa bang sabihin bago mo maramdaman?
manhid ka ba o nag mamaang-maangan?
naisip o iniisip mo ba aking nararamdaman?
labis akong nalulungkot dahil sa ganitong kaganapan.
#58
ang dali na ngumiti
at sabihin na okay ka
subalit sa tuwing mag-isa
hindi mo maiwasan na
manghina at lumuha
sa lungkot na nadarama
#57
sa mga panahong kailangan mo ng kasama
at pakiramdam mo’y nag-iisa ka
sana huwang kang mag dalawang isip pa
na humingi ng tulong sa iba
#56
hindi na ako makahinga
sa bigat at sakit na nadarama
pag patak ng mga luha’y ‘di na mapigilan pa
ako ay pagod na pagod na
itong bigat sa puso na nadarama
ay hanggang kailan ba?
dahil ako’y sawang sawa na
#55
dumating ka sa buhay ko ng hindi inaasahan
dulot ng pagdating mo’y labis na kasiyahan
dito lang ako lagi, handang subukan
pangitiin ka at mahalin nang lubusan
palaging ikaw ay handang samahan
hindi lang sa saya pati na rin sa bawat araw na magulo ang iyong isipan
bawat oras, minuto at segundo na sa akin ay nilalaan
ito ay laging papahalagahan
asahan mong sa buhay mo, ako’y hindi na lilisan
#54
bakit ba tila palagi na lamang nasasaktan?
bakit pag tulo ng luha ay ‘di mapigilan?
palagi na lamang binibisita ng kalungkutan
pagod na pagod na sa bigat na nararamdaman
#53
natatakot ako, sobrang natatakot ako
sa dahilang hinahanap hanap kana ng sistema ko
ang bigat sa pakiramdam nito
hindi ko alam ano ba dapat gawin ko
ayoko ng ganito
#52
gusto ko pang makausap ka
pero alam ko namang hindi mo na ako gustong makausap pa
gusto kong sabihin na sobrang namiss at namimiss pa rin kita
pero alam ko namang hindi iyan ang gustong marinig ng iyong mga tenga
gusto ko iparamdam sayo aking nadarama
pero alam ko namang sakin ay ayaw mo na
gusto kong sabihin sayo na mahal kita
pero naduduwag ako sa magiging sagot mo, sinta
#51
lasing na naman ako
at hindi ka pa rin mawala wala sa isip ko
‘Di alam ano ba ang dapat gawin ko
Para kahit isang minuto o segundo
Ay maalis ka sa isip ko
i just want friends on acnh 🥺
Yo you can come say hi. DM for code.
I fubd it us easier to meet acnh people on Facebook or discord
Hi! @that-hologram-girl
here's my friend code SW-1985-2567-0881 , i just started playing yesterday. 😅
#50
madaling araw na
pero sa isip ko’y andito ka pa
kamusta ka na
ako ba’y naalala mo pa?
kahit ilang segundo o minuto ba
ay pumasok ako sa isip mo, sinta?
i just want friends on acnh 🥺
#49
bakit lahat sila masaya na?
bakit heto ako, umiiyak mag isa?
bakit kahit anong subok kong maging masaya,
hindi ko kaya?
Kalungkutan na nadarama
Ay hanggang kailan ba?
#48
hindi ko alam paano simulan
pero aking nararamdaman
ay labis na kalungkutan
kung bakit, ay hindi alam