Pagbilang kong Sampu
Tagu taguan maliwanag ang buwan Ang sarap mag laro ng tanga tangahan. Pagbiling ko ng sampu Naka move on na ko sayo. Pangako yan At tutuparin ko
Isa. Isang pag iibigang nabuo Nang dahil sakin at sayo Pinagisang mga puso Ngayon ay gumuho.
Dalawa. Bakit ka nag sawa? Ginawa ko ang lahat pati na ang mag maka awa Ngunit hindi mo padin pinakinggan Ang pagsusumamo ko’t iniwan mo ng tuluyan
Tatlo. Bakit kita iniyakan eh isa ka lang din nilalang? Para akong kampanang tumutunog ng “tangalang tangalang” Oo tangalang, ginawa akong tanga ng pagibig ko sayo At heto naman ako’t nagpaka dakilang gago.
Apat. Bakit kailangan mo ulit bumalik? Para lamang ihatid ang balitang ang sarap niyang humalik? Bumalik ka ba para umalis lang din ulit? At para puso ko'y muling mapunit?
Lima. Kailan ka ba aalis sa puso ko? Pusong pangalan mo lang ang sinisigaw nito. Bakit mahal padin kita?
Anim. Sa pang anim na ito unti unti na akong nalulunod, Bakit? Dahil pinangako kong pag dating ng sampu'y kakalimutan na kita. Kakalimutan ko na ang ating alaala At tatanggaping wala na talaga.
Pito. Tuluyan na akong nalulunod sa mga salitang hindi ko nasabi noon. At hindi ko na to kayang simulan ngayon. Mahal padin kita At di mo alam kung gano ako nasasaktang may iba ka na.
Walo. Napaka sakit ng pag tapak natin sa numerong ito, Palapit na tayo sa pamamaalam ng puso ko sayo. At hindi ko alam kung ano nang gagawin ko. Dalawang taon akong tapat sa pag ibig natin, payat.
Siyam. Oo dalawang taon na pala ang nakalipas ng tayo'y magkasakitan Sapagkat heto padin ako’t nahihirapan. Pangalan mo ngayo'y naririnig Tila ba'y mundo ko'y biglang yumanig.
Siyam. Hindi ko padin pala kaya. Kayang bumitaw sa pagmamahal ko sayo,
Siyam. Tangina tama na. Ako'y nahihirapan pa.
Siyam. Baka sa susunod kong tula Na malamang ikaw uli ang paksa Baka sakaling makayanan ko na. Makayanang tumuntong sa pagpapalaya ko sayo, Mahal padin kita. Kahit sobrang sakit na.












