Ang Aking Inspirasyon
Ang pamilya ay isa sa mga biyaya na binigay sa atin ng Diyos. Simula noong ipinanganak ako ay nandiyan na sila. Ipinaramdam nila sa akin ang kanilang pagmamahal at pag-aaruga. Handa silang magsakripisyo para mabigyan ako ng magandang buhay at lumaki ng maayos.
Ang nanay at tatay ko ang nagbibigay sa mga pangangailangan ko sa araw-araw. Sila ang aking lakas at gabay. Ang aking mga kapatid naman ang tumutulong sa akin sa pag-aaral ko kapag nahihirapan ako. Kasama ko rin sila minsan sa paglalaro ng online games at pag-bibike. At ang aking lolo naman ang palaging nagpapaalala sa akin na mag-aral ako ng mabuti para maabot ko ang aking mga pangarap. Siya rin ang aking tagapagtanggol. Bilang isang anak, tumutulong ako sa mga gawaing bahay. Minsan nagsisimba kami tuwing Linggo. Napapagalitan din ako minsan dahil pasaway ako at matigas ang aking ulo. Pero kahit anong mangyari, mahal na mahal ko ang aking pamilya. Sila ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Palagi silang nandiyan kapag may problema ako at kapag kailangan ko ng tulong.
Ang aking pamilya ang aking inspirasyon. Marami man ang dumating na problema sa aming buhay, alam kong malalagpasan namin ito. Masaya ako na buo ang aking pamilya at maswerte ako dahil nandiyan sila palagi. Pahalagahan natin ang ating mga pamilya.












