Ihip Ng Pag-ibig
Pakiramdam ko’y isa akong hangin
Hangin lamang sa iyong paningin
Naghihintay kung may pag-asa ba
O pag-asang tatangayin mo lang.
Panalangin ko sa tuwing gab
Sanay sa dulo’y ay maging tayo
Ngunit sa pagdating ng bawat bukas
Ang pag-asang aking inaasam ay tila ba napaparam.
Sa bawat pagkakataon na aking ikay makita
Isang pagkakataon rin na ang aking puso ay dinudurog
Kapag nakikita ko na ika’y mas masaya sa piling ng iba
At ito’y pumukaw sa diwa ko na ang katotohanan ay katotohanan.
Dumaan ang mga araw pilit kong sinusubukan
Ang aking sarili na turuan
Turuang tanggapin ang isang bagay
Na kahit kailan ay wala ng saysay.
Isang bagay na sa tingin ko ay kailangan ng wakasan
Isang bagay na kahit anong aking gawin
Ay hindi na kaya pang balikan
At hindi na kayang buuin.













