Minsan
Minsan nagiisip sa mga nangyayari.Galing sa mga bagay na hindi akalain mawawalang bigla.Matagal tagal din nung akoy huling sumulat.Madaming nangyari sa ilang taong nagdaan.Nakakagulat na yung mga ngiti ay naging tingi.Ngunit sumasagi sa isip na ano ang aking gagawin.Kapalaran na ikaw ang tinalo ng mga tao.Pero sa kabilang banda nito may nakilala na mga bagong tao.May mga kaibigang hindi na dapat ilaban.Dahil hindi ka man lamang binigyan ng kahit singkong pagpapahalaga.Ako’y natutuwa sa mga bagong nilalang na pumalit.May mga taong bagong nakangiti.Meron namang dalagang humahampas ng salapi.Kakaibang likha na ngayong ko lang nakita.Pinaglumaan na ng panahon ang iba ngunit nananatiling makinang para sa iba.Minsan nais kong mas makilala mo.Makita ang halaga ng nais ko.Ako lamang ba ang nakkaramdam nito.Kahit minsan naman sana ako ay pansinin mo.Nagsimula tuloy na magisip ano ba ang plano ni Bathala sa aking kinabukasan.Tutuloy ba sa laban na aking pinagdadaanan.Maraming mga balbas ang sadyang mapangahas.Maraming naglalalimlaliman pero walang tira at banda.Kaya ako’y patuloy na nagdarasal.Na sa kabila ng ating magkabilang oras tayo ay magtagpo sa iisang tahanan.













