Hi Chie! Kamusta na? Ang daya mo, di mo man lang ako gnreet nung birthday ko. 😢 pero ayos lang! Alam mo bang ang dami kong gusto itanong at sabihin sayo. Kaso di ko kaya. At wala ako sa posisyon para itanong. Wala akong lakas ng loob. Kaso tingin ko, kailangan ko gawin to. La ako ineexpect. Gusto ko lang malabas to. Wala lang. Para tahimik na din ako. Hirap pala ng may hindi masabi. Drama ko no? Hahaha!!! Ang totoo, alam ko naman na di mko type. Yung "Hindi pa ko ready sa relationship" thingy mo. Naintindihan ko naman yun Naintindihan ko yun at alam ko ibig sabihin nun. Wala naman nagpilit diba? Pero sana di ka biglang nawala. Biglang nagbago. Kasi nakakalungkot. Ay hindi. Masakit pala. Seryoso! Yung bigla ka na lang naging cold. Nakakapraning pala yun no? Lalo na nasanay ako na kachat ka all day. Tapos sa gabi, kausap ka bago matulog. Kaso biglang nagbago. Naintindihan ko naman na ayaw mo sakin. Kaso, nakakabuild pala yun ng insecurities no? Lagi ko iniisip, ano kayang wala sakin? Ano kayang pangit sakin? Ano kayang mali ginagawa ko? Pero syempre, di ko na dapat alamin pa yun. Kasi "wala lang" naman yun diba? 😂💔 Alam mo naman na gusto kita diba?Tarages minahal na nga ata kita e. Pero ayos lang. Nung sinabi mo na busy ka lang sa training at babawi ka kapag natanggap ka at naging regular, Naintindihan ko din yun. Ang dating sakin nun " wag kang makuliy jan, ayoko sayo!" Hahahaha!!! Akala mo ba madali lang na iwasan ka? Akala mo ba madali na hindi ka kausapin? Putcha! Ilang bwan ba tayo lagi magkausap? Naging part ka na nga ng sistema ko. Tapos biglang nawala. E ganun talaga e. Ano magagawa ko? Alam mo ba, sobrang hirap na hirap ako nung di na tayo nagpansinan. Umiiyak ako kay cha, sa mga friends ko, at kahit nga sa kapatid ko. Haha Daig ko pa nakipag break. Char! Aminin ko, nag expect ako. Kaya nasaktan ako. Kaya sarili ko sinisisi ko. Pero in the end, gusto ko mag thank you! Thank you sa lahat. Sa time para kausapin ako. Sa effort. Sa pasensya. Hahah! Goodluck sa career at lovelife mo Balita ko ume-Ella ka na ngayon. Nice! Haha. Congrats and goodluck naman jan! Ps. Di ako nag eexpect ng reply. Pasensya na. Gusto ko lang talaga ilabas to. Delete mo na lang. Hahaha! Ingat ka. Thank you! 😢😂😉☺💩