MAHAL PA YATA KITA -spoken poetry
Kamusta ka na? Sana masaya ka na. Sana hindi mo na ako naaalala. Sana buo ka na ulit katulad nung unang nakilala kita.
Kamusta na? May iba ka na ba? Mahal, alam kong nasaktan kita, alam kong hindi dapat nangyari yun sayo. Mahal, mahal parin kita. Kahit may gustong pumasok sa mundo ko, Ikaw, ako, tayong dalawa.
Tayong dalawa parin yung nakikita kong masaya sa mundong binuo nating dalawa. Mahal kita, mahal parin kita kahit anong pagpapanggap ang gawin ko alam ko sa sarili kong ikaw parin talaga.
Pagod na. Pagod na kong umasa, umasang babalikan moko sa tagpuan kung san tayo unang nagkita, pagod nakong umasang ako parin ang pipiliin mo kesa sa kanya, dahil oo, alam ko. Alam kong takot ka na, na baka saktan kita ulit mahal, alam kong ayaw mo na.
Ayaw mo nang balikan ang mga alaala na sumira sa masayang tayo, tayong dalawa. Ngunit, pano ba?
Pano ko ba tuturuan ang puso kong mapagod na. Mapagod na sanang isipan ka, na baka sa huli tayo parin talaga.
Pano ba, pano ko ba paglalaban itong mag-isa, pano nga ba tumakbong magisa dahil nasanay ako na sa bawat pagtakbo ko magkahawak ang kamay nating dalawa.
Mahal kita. Mahal na mahal parin kita at Putang ina hindi ko alam paano magsisimula ulit, dahil ubos na. Ubos na ang pag-asang natitira, tinapos ko na.
Dahil akala ko eto ang makakabuti sating dalawa, pero bakit habang tumatagal, humihirap, bumibigat ang dala dala. Dalang lungkot, nung sinabe kong tama na.
Dala dala, dala dala ko parin ang saya mula sa puntong to’ na kahit gabi gabi umiiyak ako kapag naaalala kita.
Naaalala kung gaano tayo kasaya sa piling ng isat isa, umiiyak parin ako dahil alam kong mahal kita. Mahal pa kita. Kahit na alam kong masaya ka na, pero mahal kilala kita.
Alam kong nagkukunwari ka lang na masaya, pero wala akong magagawa kung ayaw mo na talaga.
Ako eto, Tila nakikipagpatintero ako sa pag-asang magiging tayo pa at sa katotohanang wala na talaga.
Na kapag nakatawid ako sa kabilang linya mahahawakan kita pero matataya ako at maaalala kong wala na.
Wala na talagang pag-asa. Malapit na sana sa dulo pero nataya na. Wala na. Wala nang pag-asa na makatawid at matapos ang patinterong sinimulan nating dalawa.
Na sa bawat pagtakbo ko papunta sa'yo. Ako'y hinahatid mo na pala ng mga mata mo. Palayo, palayo sa mundo mo.
Binilisan ko, hinabol ko ang pag-asa. Pero sa huli hindi ko rin kinaya. Pinilit kong maging buo at itama ang mga mali ko para maging karapat-dapat para sayo.
Pero sa bawat hakbang ko patungo sa pinaroroonan mo, nakikita ko. Nakatitig ka walang laman. Walang luha sa mga mata mo. Tila’ pinaparamdam mong wala na. Wala nang nararamdaman ang puso.
Puso mong, naging bato dahil sa mga nagawa ko. Patawad Mahal, di ko alam bakit umabot sa ganito.
Ang dating buo at masayang tayo ngayo'y nakikipagpatintero sa paulit ulit na tayo parin hanggang dulo at sa pagod na ko’ hanggang dito nalang talaga tayo.