Prom
February 14.
Date ng halos lahat ng JS prom.
Isang oras bago lumubog yung araw. Nagsimula na kong mag ayos ng sarili. Di ako interersado sa pagpapaparlor or salon. Okay na ko na ako lang mag aayos sa sarili ko.
Simpleng light makeup. Dark blue na dress. Beige heels. Tapos onting ayos lang ng buhok. Walang kulot kulot, plantsa plantsa. Suklay langg~
Sa pagbaba ko ng kotse sa tapat ng venue, makikita mong naghanda ang lahat para sa gabing tohh. Napatingin ang lahat, kasi di naman sila sanay sa gaanong itsura ko.
Sabi ko sa sarili ko, Kahit wala gaanong mangyari sa prom, basta siya yung first and last dance ko for the night.
Nung nakaupo na ko, napansin kong papalapit siya.
Biglang tumunog yung kantang So Close.
Nilagay niya yung mga kamay ko sa balikat at kamay niya.
Yung warmth, feeling ko sobrang saya ko.
Kasabay ng pag galaw ng mga paa namin ang pag uusap namen. Kamustahan, at kung ano ano pa.
Pagdating ng chorus, di ko napigilan yung emosyon. Kaya habang kumakanta ako, bigla nalang nagsituluan yung mga luha ko.
Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong gustong gawin. Gusto ko siya yakapin, Gusto ko mag confess. pero di ko magawa.
Parang sabi sa kanta,
We're so close to reaching that famous happy end, And almost believing, this one's not pretend. Let's go on dreaming for we know we are... so close, so close and still so far...
Sa pagtatapos ng kanta, umalis nalang ako agad~











