osamutober part 2 / sunaosa week
※ DO NOT REPOST

tannertan36
I'd rather be in outer space 🛸
Mike Driver

Discoholic 🪩

No title available
ojovivo

titsay
No title available

roma★
i don't do bad sauce passes
Cosimo Galluzzi
Peter Solarz

No title available
Lint Roller? I Barely Know Her

No title available
Not today Justin
tumblr dot com

PR's Tumblrdome
AnasAbdin
One Nice Bug Per Day
seen from Türkiye

seen from United States

seen from United States

seen from Malaysia
seen from Ecuador
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Malaysia

seen from United States

seen from United States

seen from Australia

seen from United States
@armipey
osamutober part 2 / sunaosa week
※ DO NOT REPOST
My favorite scene from liminal spaces, by hhatsuna NEW SHIP SAKUATSU RIGHTS MIYA ATSUMU RIGHTS
HALAAAAAAAAAAAA OHMYTFOGJFVOGFODOOD
sakusa those are ILLEGAL they are TOO CUTE you must put on more immediately
the big fat jerk and the too-blunt jerk
Gawa nina Theo Allen T. Nacu at Armhie Fhey C. Sacramento
Bata pa lamang ako ay interesado na akong makapunta sa iba’t ibang lugar upang malaman ang mga pangyayaring naganap doon at ang mga masasarap na pagkain na natatangi sa bawat lugar. Noon pa man, gusto ko nang lakbayin ang bawat sulok ng Ilocos Sur upang malaman ko kung ano ang mga mahahalagang nangyari roon at kung anu-ano ba ang aking makikita roon na talagang makakapagpagalak sa akin.
Naaalala ko pa noong panahon na litong-lito ako kung saan nga bang parte ng Pilipinas nakapwesto ang Ilocos Sur, tinawanan pa nga ako ng aking ina noong sinabi ko sa kanya na ito ay nasa bandang Visayas. Ang Ilocos Sur ay isang probinsya na matatagpuan sa lungsod ng Vigan na makikita naman sa rehiyon ng Ilocos na nasa isla ng Luzon. Ang Ilocos Sur ay may kabuuang 2,579.60 kilometro kwadrado at mahigit kumulang 20% ang sakop ng probinsyang ito sa buong rehiyon ng Ilocos. Ang dayalektong kalimitang ginagamit ng mga taong naririhan rito ay Ilocano. Ngunit mayroon pa rin naming ibang lengguwahe o dayalekto na ginagamit ng mga tao rito. Ang mga ito ay English, Tagalog, Chinese, Pangasinense, Kankanai, Tinggian, Muslim, at Visaya.
Dahil nga ang Vigan sa Ilocos Sur ay naging parte na ng Unesco World Heritage List, napakarami ng mga bagay at lugar na maaaring mapuntahan upang makita ang mga natatanging kultura rito. Noong kami ay nagpunta rito, hindi mapagkakaila na talagang inalagaan ang mga bagay na makakapagpaalala sa pagsakop ng Espanya sa lugar na ito. Ang kasaysayan ay talagang naroon pa rin, hindi ito nawala at kitang-kita ito sa mga monumento at mga pagkakatayo ng mga bahay at gusali.
Noong pag-apak ko sa lupa ng Vigan, isa sa pinakamasaysayang lugar sa Ilocos Sur, hindi ako magkamayaw dahil sa aking galak. Tila bang ako’y namumuhay pa sa nakaraang panahon. May mga kalesa, ang mga gusali ay hindi ganoon kamoderno at makikta mong may halo talagang kultura ng Espanya rito. Ang lugar na aming pinuntahan ay ang Calle Crisologo, na tinatawag ding Cobblestone Street, dito makikita ang makukulay na heritage houses na talagang nakatatag na rito mula pa noon. Ito ay inalagaang mabuti kung kaya’t napakaayos pa ng itsura nito. Ngunit bago pa man maging Calle Crisologo ang pangalan ng kalyeng ito, tinawag muna itong Escolta de Vigan nang matagpuan ito ni Juan de Salcedo noong 1572. Ayon sa ilang mga mamamayan na nakasalamuha namin sa kalyeng ito, noong panahon pa raw ng mga Espanyol, ang lugar na ito ay naging sentro ng kalakan ng mga tiga ibang lugar. Mayroon pa nga silang nababanggit na istorya na tila ba teleserye dahil sa nangyari. May mga Pilipina at Hapon na nagkaibigan sa kasagsagan ng pananakop. Ito raw ay mahigpit na ipinagbabawal ngunit matindi raw talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Hindi ko ito makalimutan dahil na rin siguro sa aking galak na marinig kong may love story palang nabuo noong mga panahong iyon habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pangdaigdig.
Makikita rin sa Calle Crisologo ang mga tindahan ng mga pasalubong na pagkain at kagamitan. Napakaganda ng mga tinda rito, ngunit naaalala kong may kamahalan ang mga ito kaya iilan lamang ang pasalubong na nabili namin mula sa tindahang ito. Mayroon pang hanay ng nagtitinda sa kahabaan ng kalyeng ito ngunit halos pare-pareho lamang ang aking nakikitang tinitinda nila.
Hindi ko na rin pinalagpas ang pagkakataon na makasay sa kalesa. Tuwing naaalala ko ang pangyayaring ito, nakakaramdam ako ng awa para sa mga kabayong naamasada roon. Napakaganda ng ideya na sumakay sa kalesa, magpanggap na nasa sinaunang taon ka pa; ngunit pag naiisip ko na ang mga kabayo ay nasa ilalim na sobrang init na sikat ng araw at mabibigat pa ang mga pasaherong sinasakay nito. Pero napapaisip din ako dahil ang kalesa ang nagsisilbing pamumuhay ng ilang mamamayang tiga-Ilocos Sur. May kamahalan din ang pagsakay sa kalesa ngunit masasabi ko na sulit naman ito dahil iba ang pakiramdam kapag naranasan mong sumakay sa isang kalesa. Talagang iba ang nabibigay na kaligayahan ng pagsakay dito.
Pagkatapos ng aming maikling pagsakay sa kalesa, dinala naman kami ng aming mga nahihiwagaang isipan sa isa pa sa mga kilalang atraksyon sa Vigan, ito ay ang kanilang mga liit-liit na mga museong naglalahad ng mga buhay ng mga prominenteng tao at kasaysayan ng kani-kaniyang lugar tulad na lamang ng tanyag na bahay ni Padre Burgos.
Ang bahay na ito ay kilala sa pagiging ancestral house ng mga Burgos at ang lugar ng kapanganakan ng Padre. Ito ay isang dalawang palapag na museo na naglalaman ng kultura ng Ilocos, Kankanay, at Itneg. Sa pagpapakita ng kanilang mga sari-saring kagamitan tulad ng mga platong kahoy, kabaong na yari sa nara, burial chairs, tambur o mga kasangkapang pangmusika, at marami pang iba, naipaparating ang makulay ng kultura hindi lamang ng mga Ilocano kung hindi pati na rin ang mga Pilipino. Ang museo ay mayroon ring lamang dioramas na nagpapakita ng mga local na pagtitipon, litrato ng mga indibidwal na may malaking ambag sa sosyo-kultural na paglago ng rehiyon. At syempre, hindi mawawala ang mga memorabilia ni Padre Burgos at ng kanyang pamilya na nanirahan sa tahanan.
Ilang liko lamang mula sa kilalang museo ay dinala naman kami ng kutsero ng kalesa sa isa pa sa mga tanyag na museo sa loob ng Ilocos Sur, ang Museo ng Crisologo. Ang Museo ng Crisologo ay isa ring ancestral house ng kilalang dating kinatawan ng Ilocos Sur na si Floro Crisologo at ng kanyang pamilya. Ang mga Crisologo ay isa sa mga pinaka tanyag na political family sa probinsya ng kanilang panahon. Ngayon, ang bahay ay nagsisilbing daan upang bisitahin ang nakaraan gamit, memorabilia, kasangkapan, at ang bahay na minsang tinirahan ng mga Crisologo. Sa dinami-dami ng mga kagamitan sa museo, ang pumukaw ng aking pansin ay ang pulang sasakyang ito. Si Gobernador Carmeling Crisologo ay tinambangan sa pulang Chevrolet na ito noong Mayo 10, 1961 sa Bacsil, San Juan, Ilocos Sur. Sa kabutihang palad, siya ay nakaligtas mula sa nabanggit na insidente.
Sa totoo lamang, ito ay isang nakakapangilabot na memorabilia para sa akin. Hindi ko pa rin lubos isipin na kahit sila ay mga kilalang tao, nakasabit pa rin ang kani-kaniyang mga memorabilia na naiwan sa mga nagdaang taon tulad na lamang ng pantalong sinuot ng kinatawan noong siya ay barilin sa simbahan, sasakyang ginamit noong ang gobernadora ay tinambangan. Ngunit ito ay mga bagay na may makukulay na nakaraan at kwentong marahil hindi alam ng karamihan, ito pa rin ay isang karanasang nagbukas sa aking isipan sa ‘lakbay-nakaraang’ ito.
Hindi lamang mga museyo at mga kalyeng puno ng istoryang pang-kasaysayan ang mayroon ang Ilocos, matatagpuan rin dito ang nagsasarapang mga pagkain tulad na lamang ang kanilang empanada at longganisa. Ang empanada ay isang sikat na street food na kalimitang makikita sa mga kalye ng Vigan, Ilocos Sur. Ito ay may dough na gawa sa dinurog na kanin at atsuete para sa kilala nitong kahel na kulay, luntian o hindi pa hinog na papaya, vigan longanissa, at isang itlog na inilagay sa gitna ng filling at isinalang sa kumukulong mantika upang maging malutong. Sa pag kagat mo ng empanada ay siguradong malalasahan ang malutong na dough, malasang Vigan longganisa, at sariwang-sariwang murang papaya na magdadagdag ng “freshness” sa naturang pagkain.
Sa kabilang banda naman, ang Vigan longganisa, tulad ng mga kilala nating longanissa ay mayroon palaman na baboy na mayroong kasamang pampalasa at maraming bawang na nagdadala ng kilala nitong lasa at amoy. Napakasarap nito mag-isa ngunit hindi dapat ito palagpasin ng hindi nalalagyan ng sukang Iloko. Unang kagat pa lamang ay malalasahan mo na ang bawang at siguradong susundan ito ng iba’t iba pang panlasa na ginamit sa baboy sa loob ng longanissa. Tunay ngang napakasarap ng empanada at longganisa sa kahabaan ng kalye at kung papaanong hindi lamang masarap na pagkain ang dala nito kung hindi pati na rin ang kwento ng mga cobblestone pathways sa klaye.
Nang tumagal-tagal ang aming paglalakad sa kahabaan ng Calle Crisologo, napunta naman kami sa isa pa sa mga tanyag na pagkain pinasikat ng Ilocos Sur, ang kilalang Pinakbet Pizza. Aming pinuntahan ang orihinal na gumagawa ng tinaguriang “vegetarian pizza”, ang Café Leona. Ang pizza ang may lamang kamatis, talong, sitaw, bulaklak at mismong bunga ng kalabasa, at higit sa lahat, ampalaya. Kung kaya’t bagamat hindi ako mahilig sa mga gulay, ako pa rin ay magiliw na naghintay sa pizza dahil interesado akong matikman ito at kung tunay nga bang nabago nito ang lasa ng gulay at ito ay napasarap. Tunay nga! Ng aking tikman ang isang slice ng pizza ay napatunayan ko na ito ay hindi lamang masarap kundi masustansya rin.
Tila hindi pa nakuntento ang aming mga kalamnan sa naturang pizza kung kaya’t naghanap pa kami ng kakainin sa kilalang Vigan at natagpuan naman naming ang miki noodles. Ang miki ay isang kilalang sabaw sa Ilocos na may lamang pancit na gawa sa itlog, chicken stock, at para sa kaniyang kilalang kahel na kulay ay mayroon rin itong dinurog na atsuete. Sinangkapan rin ito ng bagnet na nagpalasa at nagbigay ng lutong sa sabaw kung kaya’t mas masarap at mas malasa ito. Napakasarap ng sabaw na ito ay perfect na kasabay ng Vigan longganisa at empanada habang ikaw ay nakaupo sa cobblestone cafes ng kilalang kalye.
Bagaman marami dito ay sa kahabaan lamang ng Calle Crisologo matatagpuan, sigurado naman akong mabubusog ang iyong tiyan at mapupuno pa ito ng makukulay na kwento mula sa mga tindera ng mga kainan at karinderya. Halos lahat ng aming natikman mula sa paglalakbay na ito ay nirekomenda sa amin ng mga nakatira roon ang pinagmamalaking empanada at longganisa ang Ilocos Sur. Talaga nga namang hindi ka magsisisi at babalik-balikan mo ang mga ito. Naaalala ko pa na nagbilin ako sa aking ina na bumili siya ng sariwang longganisa para mayroon kaming iuuwi at iluluto sa bahay.
Sa aming paglalakbay sa loob ng tatlong araw, tila napakaraming kwentong, karanasan, at panlasa ang nagbalik sa akin sa aking kabataan sa Ilocos at nakapagbukas ng aking isipan hindi lamang sa nakaraang mga nangyari dala ng kilalang Calle Crisologo at Museo ng Burgos at Crisologo ngunit pati na rin ang aking pinagmulan. Bagamat lingid sa inyong kaalaman, ako ay isang Ilokano kung kaya’t habang nararamdaman ko na tila ba ako ay isang dayuhan sa aking sariling bayan ay hindi pa rin maalis ang aking pagmamalaki sa aking pinagmulan. Sapagkat sa bawat sulok, kalye, at hapagkainan ng Ilocos Sur ay mayroon kang bagong malalaman hindi lamang mula sa kasaysayan ng mga Ilokano kung hindi pati na rin ang kanilang mga kasanayan kung bakit isa ang Ilocos at Ilocano sa mga tanyag na rehiyon sa Pilipinas. Hindi nga ako nagkamali sa pagpili ng aming paglalakbay patungo sa Vigan, Ilocos Sur kung kaya’t sa aking pagbabalik sa aming tahanan ay may bitbit akong mga bagong kwento, karanasan, panlasa, at mga natutunan na kumilala sa aking nakaraan at patuloy na huhubugin ako sa kasalukuyan at kinabukasan.
Mga Sanggunian:
https://www.lakwatserangligaw.com/2015/10/what-to-see-in-ilocos-sur.html
http://tourism-philippines.com/ilocos-sur/
http://laoag.china-consulate.org/eng/lqjs/gsgk_1/t315270.html
https://www.phbus.com/blog/tourist-spots-vigan-city-2021/
https://www.zenrooms.com/blog/post/calle-crisologo/
https://www.ivanhenares.com/2009/06/longganisa-vigan.html
http://tourism-philippines.com/ilocos-sur/
https://tinyurl.com/4666xajp
https://tinyurl.com/29cg97gj
https://tinyurl.com/w63c4psj
https://tinyurl.com/4vskqu79
https://tinyurl.com/156svrse
https://tinyurl.com/12gl66qd
https://tinyurl.com/5fzxk5jy
https://tinyurl.com/ik4qrewg
Them 👀