Pangarap sa PBB..
Plano ko talagang magaudition sa PBB teen edition kasi halos everyday napapanaginipan ko na nasa loob ako ng bahay ni kuya. Sabi ko sa sarili ko "Ipupush ko to... Makapasok o hindi, Dabest parin ang magiging EXPERIENCE ko" Tapos nung January 9, 2014, nagaayos ako kami ng mga papers para maayos yung birth certificate ko. (Kasi male ako sa birth certificate ko. pero di ako bakla ha! nagkamali lang sa paglimbag. hahaha). Ayun, nung kukuha na ko ng police clearance, tinanong ako nung mga workers dun, "Ano gagawin mo sa police clearance? Sasali ka sa PBB ano?" (Sabay isip, Kailangan ba ng police clearance sa PBB?? Omaaay a sign! Hahaha) sabi ko, "Huh? Kuya PBB agad? Kailangan ko po pagpapaayos ng Birth certificate ko... Pero magaaudition din po ko sa PBB, pano mo nalaman? Hehe" Tapos pagkatapos maayos ng clearance ko, sabi nila "Galingan mo sa PBB ha! Tapos balikan mo kami dito, kami nagayos ng police clearance mo! *sabay smile sila"Â Edi mas nabuhayan ako ng loob.. Haaay :))
Tapos pinalabas na na ang Audition sa Luzon ay sa PBB Hall.. Feb 1, SATURDAY!!! Omaaaay.. May Major ako ng Saturday :( and then sabi ko "Sige isang araw lang naman e, sayang.. AABSENT NALANG AKO" AT!!!! NAG ANNOUNCE prof namin na WALANG PASOK SA FEB 1, SATURDAY!!! Grabe na to.. Thank you Lord!! :') Naiiyak na ko nun.. sabi ko eto na yun, makakapagaudition talaga ko..Â
Eto yung Post ng prof namin.. hihih! (Mascom student nga pala ako :))
Yung nakalagay na magsshoot kami sa Feb 1. sabi ng prod team ko, "okay lang Arn! MAGAUDITION KA! before Feb.1 nalang natin tapusin yung video" aww.. sweet :') Hehehe :)
Ayun! edi sinabi ko na sa parents ko na magaaudition ako.. Sabi nila sige lang! magaudition ka lang ng magaudition.. (Nagaudition din kasi ako sa Eat Bulaga noon para sa "Kavoice" pero waiting list lang kami at wala ng Kavoice waiting list parin.. Haha!) Edi sabi ko sa parents ko na gabi palang pipila na ko para makasama sa first 5000. Sabi nila "Wag ka na magaudition dyan. bawal ka ngang gabihin, aalis ka pa ng gabi.." Haaay.. yun lang, HUHUHU :(
AT!!!! Ngayon ngayon lang, nabalitaan ko na sa Marikina Sports Complex na ang Audition!! Mas malapit sa amin kaya papayagan na ko. Grabe na tooo!!!
Tumatalon sa saya yung puso ko di pa man nagaaudition.. Para sakin ba talaga to? ang mapili sa 1/5000.. Walang masamang mangarap! Walang masamang subukan!!
PBB HOUSE!! PARATING NA KO! Hehehe :)







