Sana ako nalang. Sana ako nlg. 😭💔
Kisses

seen from United States
seen from China

seen from Germany

seen from United States
seen from Canada
seen from United States

seen from Hong Kong SAR China
seen from Netherlands
seen from Australia

seen from Türkiye
seen from China

seen from United States
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from Hong Kong SAR China
seen from United States
seen from United States
seen from Netherlands
seen from Yemen
seen from Morocco
Sana ako nalang. Sana ako nlg. 😭💔
Kisses
PBB Teens
Sa gitna ng panonood ng TV, bigla mong nakita ‘yung mga teens ng PBB. Ayun, naglalandian. Yung kinse-anyos na lalaki, nagke-kwento dun sa isa pang kinse-anyos na babae. Di daw niya alam ang nararamdaman niya “pero I get jealous when I see you with someone else”, nahihiyang sabi nung kinse-anyos na lalaki, english pa. “Pag wala tayong ginagawa, naaalala ko ‘yung tsinelas mo, tapos naiisip ko kung nasaan ka kaya.” Kilig naman yung babae, na hindi mapakali kung susubo ba ng kanin na kinakain o kikiligin na lang hanggang mabusog.
Ikaw naman ‘tong bente-dos anyos na nanonood, natawa bigla, ‘yung parang masusuka. Dahil kelan pa nga ba naging romantic ang tsinelas? Bigla kang comment: “Hay. As expected”, sabi mo, “lagi namang ganito ang PBB Teens. Puro crush-crush.”. Tapos, inis na inis ka kung pa’nong pinapalabas nila sa TV ang mga kwentong hindi naman kapupulutan ng aral, lalo na ng kabataan. Naks, pag-asa ng bayan ang linyahan mo. Pagtingin mo sa Twitter, tulad kayo ng mga komento. Di nga raw magandng ehemplo ‘yung pinapalabas. Aba, sigurado ako, kung buhay pa si Dr. Jose Rizal, matutuwa ‘yun sa inyo dahil mabuting kabataan kayo.
“Akala ko ba sabi ng tagline ng PBB, ‘kwento ng totoong buhay’”, dagdag mo pa.
Tapos, biglang napa-isip ka.
Naalala mo ‘yung crush mo nung high school. At kung paanong ilang araw kang hindi makamove-on dahil habang nagva-Valentine’s Party kayo sa gym, hiningi niya ‘yung hawak mong lollipop na kulay pula na hugis bulaklak at may mahabang stick na binebenta nung mga officer ng student council para may pondo sila sa susunod na party.
Tapos, biglang natawa ka. Na-realize mo: kelan pa ba naging romantic ang lollipop?
Biglang sabi mo sa sarili mo:
Ay, tama nga ang PBB, kwento nga siya ng totoong buhay.
***
Hope!
I auditioned for PBB Teens Edition which I know the biggest load of shit that existed in philippine TV, but who knows I might get in. Anyways if I ever get in I know I’ll be the first to be evicted.
Shttt ayun na naman yung Kimerald movie huhu.