The truth behind those lies
Dito ko na lang ikkwento ang mga katotohanan. Di ko alam kung may mag babasa ba nito na taga school pero kung meron man at ipakalat to then it's a good thing.
Let's get straight to the point no. Hindi kami nag susumbong sa mga teachers. Una malay ba namin na may tweet na ganon si Lapina? Oo tara name drop na tyo para malinaw na. Una walang active smin sa twitter bukod sakin and tbh di ko sya finafollow so di ko alam ung tweey niyang yon. Pangalawa ang mga teachers may mga secret twitter accounts yan, nalaman ko yan nung gr9 pa lng. Isang teacher ang nag sabi sakin non. Akala ng students walang nakakaalam ng mga tweets nila na teacher pero meron at meron pa din. Pangatlo umaga pa lng topic na sa faculty yon. Akala ko pa nga away teacher lng yun pala student pala yung pinag uusapan. Gusto nyo malaman exact words na sinbi ni Ms. Biology?
"Tanggap ko naman na late akong pumasok pero the fact na murahin ako na maraming nakakabasa aba grabe naman yon. Mali na."
So basically walang my idea kung ano yon. So naikwento ko yon kela renz at macu at almira. Tapos may mga kaklase akong narinig ko na napag usapan yon at na confirm na student nga. Nag tanong pa kme ni renz kay joel kung saan at sino taga alcaraz daw at lalaki. Tapos nung after ilang mins naisipan kong pumunta sa faculty to ask what time kame mag lolong quiz sa Bio. Pag dating ko don kausap ni Ms. BIO si Macu at si Byron and yes She's crying. Habang nag ccheck non sila byron at macu. Nung monday pa kmi nag ccheck ng papers ng GRADE 12 kse nakiusap si Miss kse di nya kaya sa dami. Tapos inuutusan din kme ng ibang teachers humihingi ng help edi ayos lng naman pampalipas oras.
So habang nag ccheck kme ng papel ng alcaraz nag uusap kme ng mga random stuffs. Ung topic about sa post thingy teachers ang nag bbring up di kami kse nag ccheck lng kmi. Tpos nag aasaran lng sa loob about immersion and stuffs. Tapos sumakto lng na ung topic eh about dun sa tweet kse sobrang nasasaktan sila Ms. Bio kaya comfort na lang.
Tapos ang sabi may nag record daw taga Rizal well taga rizal din naman ang nag sabi kay Renz na nag susumbomg daw kme at recorded at pinapakinggan sa rizal. Wag na natin i name drop. Dalawang tao lng naman ang pumasok don sa naalala namin.
Ang masasabi ko lang kaya di kmi nag rereact kse alam namin na mali yon na patulan namin kayo. Kaya ito kina clarify ko kayo na walang nag susumbong and kahit mag sumbong kmi anong ma ge gain namin don? Grades? Di kami uhaw sa grades mga kapatid. Wala nga kaming pake kung anong grade ang ibigay samin basta ginagawa lng namin ang part namin bilang students na hindi bumabagsak.
Kahit saan angle natin tignan ang murahin ang mas nakakatanda satin or kapwa natin eh mali. Natural lng sa students na mahirapan. Kung tutuusin sa panahon noon mas mahirap mag aral kesa ngyon na isang click lng natin eh andyan na ung sagot.
Opinyon nyo yon sige ayon naman ang gustong iparating ng lahat. Pero kung ilalagay nyo ung sarili nyo sa pwesto nung tao anong mafifeel nyo?
Ang kultura kse ng tao eh ung what they hear is what they believe. RECORDED VOICE ung narinig nyo. Alam nyo ba ang storya? Matatalino tayo pero minsan kulang tayo sa pang unawa.
"practice what you preach" at kung ano anong tweets pa na nababasa namin. Bakit ayaw nyo kaming kausapin ng harapan? Bakit dinadamay nyo si Lord sa mga pinag sasabi nyo? Akala nyo ba kme ang kinakalaban nyo? Mga kapatid hinde. Si Lord ang binabangga nyo. Makapangyarihan ang bibig tandaan yan.
At para sa nag record salamat dahil sa ginagawa nyo mas nasusubukan ang faith namin kay Lord. Salamat dahil nadagdagan ulit ang troubles at challenges sa buhay namin na someday gagawin namin na testimony sa mga kabataan na gustong mag serve kay Lord.
Lastly, gusto kong sabihin sa buong batch ng grade 12 na salamat sa hate. Dahil kahit ganyan kayo samin, mahal pa din namin kayo. Di to kadramahan ayon naman talaga ang dapat. Mahalin mo ang kapwa mo kahit ginagawan ka ng masama. :)