Pag-ugnay ng unemployment at Reaksyon sa dokumentaryo
Sa aking napanood na dalawang bidyong dokumentaryo na pinamagatang I-Witness: 'Kapit sa Patalim at Reporter's Notebook: Kayod Sa Kalsada. Ito ay tungkol sa mga taong nakikipag sapalaran upang makaahon sa kahirapan at mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya.
Sa aking napanood na dokyumentaryo ni Atom Araullo na pinamagatang Kapit sa Patalim. Ako’y nalulungkot at natatakot dahil may mga Pilipino na kailangan magtrabaho sa ibang bansa dahil nahihirapan sila maghanap ng trabaho sa sariling bansa at dahil mababa ang sweldong natatanggap nila sa trabaho . Kailangan din nila magtrabaho sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya. Sila’y nagagalak parin makapag trabaho sa ibang bansa kahit alam nilang dalikado ito dahil sa mga nababalitang pang-aabuso ng amo, Kahit malayo sila sa kanilang pamilya dahil ito lang ang tanging paraan upang makahanap ng disenteng trabaho para maitaguyod ang pamilya. Handa nilang gawin lahat para lang maitaguyod ang kanilang pamilya at mabigyan ng magandang kinabukasan. Mau-ugnay ko ito sa unemployment dahil sa kakulangan sa kasanayan o magkaibang kurso sa hangaring trabaho, dahil sa paghahanap ng mas mataaas na sahod o kawalang ng kasanayan at dahil sa diskriminasyon batay sa kanilang lahi, edad, o kasarian. Maraming Pilipino ang naeepktuhan tulad ng kinabukasan ng mga Filipino. Sana’y mabigyan ng hustisya ang mga nasaktan o namatay o inabuso at sana’y dumating ang araw na hindi na nila kailangan makipag sapalaran sa ibang bansa.
Sa dokyumentaryo na pinamagatang Kayod sa kalsada sa Reporter’s Notebook, Ako’y namamangha ngunit nalulungkot dahil kailangan nila kumayod sa kalsada kahit sila’y may nararamdamang sakit at may edad na. Kahit sila’y may sakit o hirap na. Kahit nasa gitna ng pandemic, kailangan padin nila magtrabaho upang mabuhay at mapakain ang pamilya, Nakakalungkot lang isipin na sila’y matatanda na ngunit sila’y nagtatrabaho padin, sabi nga ni mang Charlie at lolo Frank Hanggat kaya, hanggat malakas, tuloy padin ang buhay. Dahil kung hindi sila kakayod, wala silang mapapakain sa kanilang pamilya. Maiuugnay ko ito sa unemployment dahil sa epekto ng antas na buhay, epekto sa dignidad ng iang tao at dahil sa pagpapalit ng teknolohiya. Sa panahon ngayon, tanging diskarte nalang kung paano mo maitataguyod ang pamilya mo.
Ang reaksyon ko sa dalawang bidyong aking napanood, nalulungkot ako kasi kailangan nila gawin iyon dahil hindi sapat ang kinikita nila sa pang araw-araw kahit mahirap para sakanila na mapapalayo sila sa kanilang pamilya at natatakot dahil sa nababalitaan nila sa ibang bansa.Gagawin parin nila lahat ng magagwa nila upang makapaghanap ng trabaho.













