Mahal, kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin Malupit ang mundo at mamahalin ko lahat ng kakampi mo. Kaya hayaan mong dumating ang mga bagyo. Hayaan mong malusaw ako ng mga araw. Hayaan mo akong kumbinsihin ka na kakampi rin ako. Ikaw na hantungang inaasam, Ikaw na kwentong hindi pagsasawaan, Ikaw na sandaling parating inaalala, Ikaw ang kailangan kong pahinga. Ikaw ang paghinga. --Juan Miguel Severo














