siguro tayo yung...
Siguro tayo yung sinasabi nilang “Pinag-tagpo pero hindi itinadhana” Galit ako sayo. Sobra. Sa panlolokong ginawa mo. Hindi ko kasi akalain na magagawa mo yun.
Akala ko iba ka.
Akala ko sa pagpasok ko ng 1st year high school at sa pagtatapos ko ng college ikaw ang makakasama ko. Yun pala hanggang 1st year HS - 1st year College lang.
Akala ko ikaw na.
Akala ko Ikaw na ang lalake na makakapagpatunay sakin na ikaw na yung “the one.” pero hindi pala.
Marami akong dahilan nuon kung bakit gusto kitang iwan. Hindi dahil sa hindi na kita mahal. Mahal kita. Sobra. At alam yan ng kaibigan at pamilya ko. Kaya kita gusto iwan nun, kase pagod na ako. Pagod na kong intindihin ka. Ako nalang lagi ang umuunawa sayo. Lagi ako yung mag-aadjust para satin. Hindi ko naman sinabi na wala kang nagawa para sa relasyon natin. Alam ko naman na minahal mo ko. Alam ko naman na nageeffort ka din.
At sa 4 years nating pagsasama, tinapos mo ang relasyon natin sa anim salita; “Ayoko na. Hindi na kita mahal.”
Hindi ako makapaniwala na sa anim na salitang yun, natapos tayo. Pinaglaban ko. Ayaw kitang bitawan nun, kasi nga yun lang ang sinabi mo, hindi mo na ko mahal. Inisip ko nun, may nagsasabi sayong makipaghiwalay sakin. Grabe ang iyak ko. 1 week akong iyak ng iyak. Di makatulog ng maayos. Di makakain. Grabe, pero unti-onti ko din natanggap na, siguro nga may mahal ka na talagang iba. At syempre nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko at pinsan ko na tumulong sakin sa pag-momove on.
Siguro, kaya mo din ako iniwan dahil hindi mo naramdaman ang pagmamahal ko sayo. Pero believe me, minahal kita.
I’m thankful na meron nang babae na makakaparamdam sayo ng love na di mo naramdaman sakin. Though alam ko naiinis si Ateng gurl sakin, like ANONG GINAGAWA KO SAINYONG DALAWA. WALA NA KO PAKE SAINYO. Sana lang sa lalaking sinaktan ako ng todo, kung nabasa mo to, WAG MONG GAWIN KAY ATENG JOWA MO na magsinungaling. Wag ka na maghanap ng iba. Alam ko naman na mahal na mahal ka ni ateng gurl, kaya please, wag mong gawing tanga. Magpakatatag kayo. Wag kayo basta basta susuko. Ipaglaban niyo ang isa’t isa. Masaya ako para sainyong dalawa. 💕
Para sa lalaking sinaktan ako, salamat sayo. Salamat sa magagandang alaala. Sa masasayang alaala. Sa mga surprises mo. At sorry kung hindi ko nabigay/naparamdam sayo yung pagmamahal na gusto mo. Nandiyan na si Ateng gurl para sayo, para iparamdam sayo yun. ❤️ Thank you sa lahat ❤️
PS: NAKA-MOVE ON NA KO, KAYA KO GINAWA TO.
PSS: WALA AKONG BALAK GULUHIN YUNG DALAWANG MAGJOWA.












