Kasi hindi ka nya minahal sa paraang gusto mo. Minahal ka nya sa paraang alam nya. Pero hindi umabot sa standards mo. Hindi nya naabot yung gusto mo, kaya nagagalit ka. Pakiramdam mo may kulang. Pakiramdam mo nalugi ka, nagsayang ng oras, niloko at hindi pinahalagahan. Kasi meron kang sariling setup ng pagmamahal sa isip mo, na kailan man hindi nya magagawa. Hindi sya yung taong pinapangarap mo, pero baka sya yung taong kailangan mo. Sya pala yung taong hindi bubuo ng mga kulang sayo, pero ang gagawa ng mga bago sa buhay mo. Pero hindi nangyari, kasi hindi sya yung taong nasa isip mo. Yung mga ginagawa nya para sayo, hindi pala pabor sa gusto mo. Bakit palaging gusto mo? Hindi mo ba alam na sa mga oras na ginagawa nya yung mga bagay na hindi pala pumapabor sa gusto mo, ikaw lang ang naisaip isp nya. Ang nasa puso nya. Mapasaya ka. Mahalin ka. At alagaan ka sa paraang alam nya.