i stalked my ex linaksan ko lang loob ko, btw mag one year na sila ng wife niya di ko pa ba nakwento dito na last jan 18 2025 nanaginip ako. parang dun ko na nakuha yung closure sa panaginip ko he is riding his motorcycle sa batangas and i was walking sa side as i remember, theres an intersection and he said babye sa panaginip ko naka smile sya sakin. and inintay ko makaalis yung motor niya hinabol ko ng tingin yung pag alis niya. nagising ako non sobrang bigat ng pakiramdam ko umiiyak ako pagka gising, like i didn't say a word sa panaginip na yon. pahiwatig na siguro ng Diyos yon na iwan ko na yung baggage yung bigat na nararamdaman ko. and nung ma stalk ko sa soc med. prep na ng wedding nila iyak na naman ako non pero sobrang na amaze ako sa nangyare na sa time na date ng panaginip ko na yun e malapit sa date na namanhikan na sila. tapos nung kinasal sila alam ko yung date ng kasal nila e, march 6 haha umiyak din ako non haha. parang grabe lang tinabunan niya talaga pati special date namin noon. pero parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib unti unti natatanggap ko na hindi ako yung pinili at hindi ako yung minahal.. literal na parang nawala yung bigat nung kinasal sya nawala yung bigat nung march 6,2025 like dun na talaga natapos.
jamil is on my side that time nung mga panahong hindi ko kilala ang sarili ko na panahong nawawala ako. sinabi ko sa kanya yung takot ko na baka maulitan ako at parang di ko kakayanin pag nangyari yun ulit, yung panahon na kinakailangan ko ng kakampi, hingahan pag napapagod nako, sa kanya ko natutunan yung mga bagay na di tinuro ni pj sakin sa loob ng 7 years. sobrang lambing ni jamil, mahinahon na tao, soft spoken palagi niya ko tinatawagan sa gabi, nakakatulugan niya ko palagi ako yung huli niyang nakakausap sa gabi non bago sya matulog, yearner sya hinihiling ko na nun na sana sakin na lang sya mapunta habambuhay kong pagbabayaran yung pagmamahal na binibigay niya sakin nun natutunan ko mahalin ang dagat dahil ni jamil, nawala ang takot ko sa dagat dahil niya inexplore ko ang dagat dahil niya, natutunan ko magfreedive dahil sya yung inspirasyon ko 🥹 pangarap niya maging instructor and saksi ako kung pano niya na lampasan yung exam sa renewal for satefy, natutunan kong pagsilbihan si jamil na para bang asawa ko. ganon yung atake, totoo na may mga bagay na mararamdaman mo sa bagong love na di pinaramdam sayo ng 7 years. na di ko din naman akalain na mas masakit pa sa 7 years yung mangyayare sakin ngayon na lahat ng love na pinakita ni jamil sakin hindi pala yun totoo..
naiwan ako ulit.. unti unti syang nagdedetach sakin non di na niya ko tinatawagan wala na syang message sakin masaklap pa di nagpaalam ng maayos. basta na lang ako iniwan..
naalala ko na naman si Pj nung gumuho yung mundo ko for the second time grabe sobrang sakit wala akong mapagsabihan blessed ako sa friends tinawagan ako ni charles tinawagan ako ni ariane daming nagcomfort sakin and jona never left me. una pa lang alam niya na lahat. pero she never left me, lagi niya ko pinapayuhan na parang bunsong kapatid bunsong kapatid na matigas ang ulo, na saka natauhan nung malala na alam na niya kahihinatnan ko sa dulo pero hindi niya ko iniwan 😭 like tama yung naramdaman ko na alisin yung galit kay pj kasi kahit papano nagpaalam si pj sakin though alam ko na may ipapalit na sya sakin pagkatapos non
kahit paalam man lang ipakita man lang sakin na naging part ako ng buhay niya in a short span. wala akong nakuha. ang masaklap pa sa panahon na sya yung minamahal ko may kasabay pa pala ko.. ❤️🩹
pasabog yung 2024 ko tapos yung 2025 ko plot twist
its been almost 6 months, 6 months ko na syang di nakakausap and i just knew na hindi lahat ng ginawa niya sakin at sinabi niya e totoo. nung nasa time na naiipit na kami parehas lalo na sya, nilalaglag na niya ko. kung na felt niya na nabetray ko sya mas ramdam na ramdam ko yung betrayal. makokonsensya na sana ako sa nangyare samin nung december pero pag naaalala ko na dalawa pala kami. hindi ko na dapat pang alalahanin sya. kitang kita ng kawork ko kung gano ko kamahal si jamil na kahit kita na nila yung nangyare sakin love ko pa din sya 😭 alam mo yung pakiramdam na naaawa na sila sakin, ganon. ganon katindi.
at dahil wala akong makuhang maayos na closure it haunts me again.. like the first time siguro matatapos lang to pag kinasal na sya o meron tutulong sakin na makabangon ulit. yung assurance na matagal ko na gustong maramdaman. sana sa sunod na tao na makikilala ko ayain na ko magpakasal 🥹😭💕 pangarap ko yun Lord. sabi nga magpasakop sa asawang lalaki. gagawin ko na yun. ibigay lang sakin pagsisilbihan ko at mamahalin ng buo yung taong magpaparamdam sakin na mahal na mahal ako. 😭💕 if di man kaloob ng Diyos please sana tanggalin na niya sakin yung desire na magkaron ng partner
be straightforward para walang masayang na panahon . wag mag beg sa atention
no reply is a message to leave.
if mabilis ka niyang nakuha mabilis din syang mawawala.
di lahat ng may ka longterm iiwan ang kalongterm para sa iba. in short wag icompare ang ex sa present.
pag inutangan ka ng pera di ka niya gusto convenient ka lang pero di ka mahal.
wag masyadong matagal sa relationship 7 years is really long to be a gf and bf may magsasawa may mag chicheat na sa ganyang years
thankful pa din ako sabi nga nila sa pagkadapa mo pa saka ka matututo ayoko na maulitan kaya pag may pattern na dont entertain ⚠️‼️