Monterey Bay Aquarium

❣ Chile in a Photography ❣
NASA

tannertan36

PR's Tumblrdome
Stranger Things
official daine visual archive
art blog(derogatory)
Xuebing Du

JVL

No title available

Discoholic 🪩

@theartofmadeline
𓃗
Misplaced Lens Cap
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

oozey mess

blake kathryn
Sweet Seals For You, Always
No title available
seen from Belgium

seen from Brazil
seen from South Africa

seen from France

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Saudi Arabia

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
@callme-kai
Gagiiiiiii! :D
I Was Once the Teen Who Questioned My Gender… (Part 2)
Kasabay ng mga panahong nasa emo era ako, eto rin yung panahon na na-catfish ako.
Hanggang ngayon, halos wala pa ring nakakaalam ng kwentong 'to.
High school pa lang ako nung nakilala ko siya sa Facebook. Siyempre, lalaki ang pakilala niya. To be honest, wala talaga akong naging dahilan para magduda. Lalaki yung boses niya kapag magkausap kami sa call, lalaki rin yung mga pictures niya. Yung account niya looked really legit. Ang daming pictures, ang daming friends, active sa Facebook. Hindi siya yung tipong mukhang fake account. As in, never sumagi sa isip ko na poser pala siya.
Araw-araw kaming magka-chat at halos gabi-gabi kaming magkausap sa tawag. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nahulog na pala ako.
Back then, pakiramdam ko finally may taong totoong nakakaintindi sa'kin. Yung tipong kahit ang dami kong iniisip, basta makausap ko lang siya, gumagaan na yung pakiramdam ko. Siya yung naging takbuhan ko sa mga problema ko, at siya rin yung unang taong gusto kong sabihan kapag may nangyayari sa buhay ko.
Hanggang sa naging kami.
Mahal ko siya. Yun lang talaga yung alam ko noon. Kaya pinaniwalaan ko lahat ng sinasabi niya. He was three years older than me, so feeling ko mas mature siya, kalmado mag-isip, witty, at parang alam na niya kung ano yung gusto niya sa buhay. Isa pa, nag-aaral daw siya sa La Salle Dasmariñas. Looking back, ang babaw pakinggan, pero sobrang naive ko noon. Parang proud na proud pa ako sa sarili ko kasi ang boyfriend ko, Lasallian.
So paano naging kami ng halos three years nang hindi man lang nagkita?
Simple lang.
Una, sobrang strict ng mama ko. Hindi ako pwedeng basta gumala o lumabas unless pamilya ang kasama ko.
Pangalawa, sabi ko sa sarili ko, gusto ko kapag dumating yung araw na magkikita kami, kaya ko na rin siyang ipakilala sa pamilya ko. Ayokong patagong relasyon habang-buhay.
At pangatlo, taga-Bulacan ako habang siya naman, sabi niya, taga-Cavite. Around that time, kakahinto ko lang din ng pag-aaral dahil hindi na talaga kaya ng mama ko. Nagbabantay ako noon sa isang computer shop habang nag-iipon para makabalik ulit sa school. Siya naman, lagi niyang sinasabi na sobrang bantay-sarado rin siya ng parents at mga kapatid niya. So every time napag-uusapan namin yung pagkikita, laging nauuwi sa, "Soon."
Kaya naghintay kami.
O mas tamang sabihin...
Ako yung naghintay.
Three years.
Tatlong taon akong naniwalang siya talaga yung nasa mga pictures.
Tatlong taon akong naniwalang yung lalaking yun yung kausap ko gabi-gabi.
Tatlong taon akong naniwalang totoo lahat ng meron kami.
Kasi ako...
Nagpakatotoo ako.
Hanggang sa dumating yung araw na parang may gustong ipakita sa'kin ang universe.
Hindi ko na honestly maalala exactly paano ko nalaman. Hindi ko rin alam kung may algorithm na ba ang Facebook noon o pure coincidence lang talaga.
Ang naaalala ko lang, may friend ako sa Facebook na may na-tag na ibang tao sa isang post. Out of curiosity, inistalk ko yung profile. Tapos habang pa-click ako nang pa-click ng iba't ibang profiles, may isang familiar na mukha ang biglang lumitaw.
Napahinto ako.
Parang may kumabog sa dibdib ko.
"Sandali... hindi ba siya 'to?"
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinutuban.
So I kept digging.
Click dito.
Click doon.
Hanggang sa...
Boom!!
Nakita ko yung totoong account nung lalaking nasa pictures.
At dun unti-unting nag-connect lahat.
Hindi pala siya yung kausap ko.
Magkaiba pati yung pangalan.
Ginagamit lang pala ng taong nagpapanggap na boyfriend ko yung pictures ng lalaking yun.
Parang biglang nag-freeze yung utak ko.
Hindi ko alam kung anong unang mararamdaman.
Shock.
Confused.
Galit.
Lungkot.
Halo-halo.
Paulit-ulit kong chineck yung profile kasi baka nagkakamali lang ako.
Pero habang mas lalo akong naghuhukay...
Mas lalo ring lumalabas yung katotohanan.
At yung pinaka-hindi ko talaga in-expect...
Hindi lang pala siya poser.
Hindi rin pala siya lalaki.
Babae pala siya.
To be continued...
If life were a customer service line, I'd like to speak to the manager.
The universe has a great sense of humor. I'm the punchline sometimes.
Almost weekend. Almost myself again.
- Meet me half way...
Do you really think they even care?
Growth starts where excuses end. Take the first step.
“If you’re brave enough to say “goodbye” life will reward you with a new “hello”.”
— Paulo Coelho
Forever grateful for this beautiful country that I proudly call my second home. ❤️ 🇦🇪 🏠
I Was Once the Teen Who Questioned My Gender… (Part 1)
Habang nakatitig ako sa desktop ko ngayon, naka-log in ang Tumblr account ko habang nasa work. Hindi naman ako busy, kaya napaisip ako.
"Paano nga ba ako napunta sa Tumblr? Saan ba nagsimula ang lahat?"
Then it hit me.
I was only 17 years old back then. Kakagraduate ko lang ng high school at sobrang excited akong mag-college. Ang dami kong pangarap. Akala ko tuloy-tuloy na ang buhay ko.
Pero hindi pala.
Hindi kami mayaman. Hindi kayang bayaran ng mama ko ang tuition fee ko, kaya napilitan akong huminto sa pag-aaral. Habang yung mga classmates ko nagsisimula na ng college life nila, ako naman, naging tagabantay ng computer shop.
At that age, sobrang emotional ko. Pakiramdam ko ang dami kong nararamdaman pero wala akong mapagsabihan. Kaya ang naging libangan ko noon, mag-search ng mga quotes. Mga salitang kahit hindi ako ang sumulat, parang ako ang kinakausap.
Hanggang sa isang araw, napadpad ako sa Tumblr.
At doon ko na-discover na may isang buong mundo pala ng mga taong nagsusulat ng mga bagay na hindi nila kayang sabihin nang harapan. Parang bawat blog, diary ng isang stranger. Walang filter. Walang pretension. Totoong emosyon lang. To be continued…
Sa dami kong travel fantasy, parang kailangan ko ng lifetime leave at unlimited funds.
“My main goal in life right now is to be happy.. thats all”
— Unknown
“I am a different person to different people. Annoying to one. Talented to another. Quiet to a few. Unknown to a lot. But who am I, to me?”
— Unknown
“and at some point I thought to myself: ‘no person deserves this,’ and I realized that includes even me.”
— Unknown