tulay
Ang tulang ito ay para sa lahat ng taong nasaktan
Para sa hindi inaasahang iniwan
Para sa hindi sigurado sa kanilang nararamdaman
Para sa hindi alam na dapat silang pinapahalagahan
Ang tulang ito ay para sa'yong pilit na lumalaban
Para sa pagpapakamartyr mo't pagtatapang-tapangan
Para sa luha mong kapiling lagi ng iyong unan
Para sa gabing itutulog mo nalang, inilagi mo pa sa piling nyang imahinasyon mo na lamang
Ang tulang ito ay parang ikaw na kinakain na ng sistema ng buhay
Na pinagsisiksikan ang sarili kahit na ramdam ang pagkatamlay
Na ayaw bumitiw kahit Siya'y may iba nang nilalakbay
Na parang tulang ito na wala namang kinalaman sa “tulay”














