Ngayon lang nasolidify sa brain ko kung anong similarities ng MAGAs at DDS dahil sa pagbabasa ng Yesteryear. Both are just misinformed. Glorified lang natin masyado ang US because andami talagang opportunities but the system is broken as shit parang dito din. Dati akala ko nga mas okay kasi at least informed sila at baka siguro marami lang talaga silang choices kaya sila entitled na Karens kaso kakaiba talaga sila mag-isip eh. Parang allergic sa critical thinking. Tas pinag-uusapan namin sa Book Talk na channel namin ng TGs na karamihan di rin nag-college sa US. Don ko narealize na oo nga no? Kasi mahal magcollege don dahil pipilayin ka sa student loans for that diploma. Miski ako nga na migrant worker may student loan na babayaran makaalis lang at makapunta don. Malala din cases ng pagiging uneducated siguro. Dami pang religion na parang INC kaya nakakalorkey. Kasi ginagamit din talaga ang religion for gaining power nung mga conservative.
Pag nanonood ako ng The Pitt di ko maiwasang isipin jusq parang dito lang rin ang problema nila. Kahit pano medyo mas maayos nang isang angat lang sa kanila kasi first world country naman sila. Pero nakakasuka rin yung sistema. Maganda ang buhay oo pero nakakatakot yung blatant racism na matatakot ka para sa buhay mo as a migrant worker. Yung hate crimes palang eh tapos yung capitalistic ventures sa ospital kaya sobrang lugi rin sa kanila ang middle class.
Anyway, sa tingin ko rin malaking bagay yung media literacy for developing critical thinking skills saka ang magtravel o meet people from different walks of life. Ewan parang kahit empathy skill na rin for some reason kapag nasa survival mode ka.











