Sabi mo kapag 50 years old na tayo,
saka tayo magboboyfriend at maggigirlfriend.
Sabi mo madali na lang yun kasi cute naman tau…
Pero ako nga pala yung hindi tumupad sa pangako.
Siguro nainip ako sa paghihintay sa iyo araw-araw…
Siguro natakot ako na baka hindi naman tayo umabot ng 50.
O natakot na baka hindi ka naman talaga maghihintay ng 50. Na baka sa paliko likong daan sa mundong ito, hindi mo na ako mahahanap at mahuhulog ka na lang sa iba.
Pero alam mo, iningatan kita, sa pagitan ng disi sais at cuarenta.











