Sandali lang... bago ako tuluyang magmove on, pwede bang magmuni muni muna. Wait lang, ang saya ko pa kasi. Kaso malungkot din. Wala e, kahit anong sabi ko na enjoyin nalang, ang hirap pa ring hindi umasa. Lalo na pag halos lahat nabibigyan mo dahilan, lalo kung sinasabi rin niyang gusto ka din niya. Gusto nga e ano gagawin ko sa gusto niya kung hanggang dun nalang yun. Ganun talaga, minsan may gusto ka. Gusto mo lang. Ako naman si nandyan, si bigay, si sakay, si tago ng feelings na lagi lumilitaw pa rin kahit anong tago. Grabe, pano nga ba magmove on kung araw araw mo katabi sa office, kasama kumain at tumambay hanggang maghating gabi. Magkakantahan pa kayo, duet ganun, feeling mo ikaw kinakantahan habang all the time, iba nasa isip niya. Shet, sakit ng one sided love ah. Unrequited love. Hindi ko alam pero antagal ko na kasi nagmahal ng totoo. Parang papayag na akong maramdaman yun sakanya kahit di niya masusuklian. Wala e, pinapasaya ba naman ako araw araw. Lakas din magparamdam na mahalaga ako kahit di ko alam paano niya napapakita yun kahit iba talaga gusto niya. Ayan, sa ganyan hindi ka ba naman aasa. Yun pala, para lang din sa sarili niya. O kaya kasi nga gusto ka niya dahil gusto ka lang niya. Bakit ganun, kahit gaano ko ilaban, talo. Alam ko naman simula palang taken na siya pero akala ko kaya kong mawalan ng feelings. Kasalanan din niya e. Pafall kasi. Hay pabebe masyado akala niya nakahanap siya instant gf sa office. Ako naman f n f pota. Kawawa. So moving forward, sige sasama pa rin ako sa mga pilit niyang breakfast, merienda, early dinner, gym, inom o ano pa. Sasakyan ko pa rin pagiging clingy niya. Papatulan ko pa rin mga pangaasar at panghaharot niya. Magsstay pa ako ng late sa office kahit tambay lang para makasama siya o kaya magantay galing basketball. Pipilitin pa rin namin maging magkasama sa mga training at people tasks. Mamahalin ko nalang sige hanggang sa sobrang natanga na ako at masanay at matuto na hindi siya mahalin sa kabila ng lahat yan. Ganun talaga strong girl ang peg. Ako lang din naman malulungkot pag umiwas. Either way masakit e. So sige yolo pa rin. Makakabawi rin ako. Masaya ako para sakanya syempre. Sana alam niya yun kahit alam niyang gusto ko siya. Nakakainis nga lang, naisip ko pa na wish na sana katulad niya maging bf ko. Talo e. In the end, siya pa rin gusto ko. Pero sa ngayon lang to. Pag nagtagal at nabalikan ko post na to, may mahal na akong iba. At yung siguradong mahal na rin ako. Hindi naman ako nagsisisi. Nagenjoy naman ako. Okay na yun lessons din sa buhay. Better things are coming. At alam ko magbabago rin ang lahat. Pati set up namin sa office. Tanggap tanggap lang. Pinapalala ko lang emotion ko dahil sa post na to.