All Star Gang Battle One Shot
Ngayon na ang pinakahihintay na All-Star Gang Battle sa XZQ. Marami-rami na ring tao sa loob ng battle ground. Pansin nila kung sino-sino ang magkaka-gang. Sino-sino ang magkaka-kampi. Sino-sino ang mukhang tatagal sa laban.
Makikita ang liwanag ng buwan sa itaas dahil may parte ang bubong ng lugar na walang takip. Para silang pumasok sa isang luma at pinabayaang bodega at lamang ang amoy ng alikabok sa paligid.
Umupo ang grupo ni Labyrinth, Armida at Josef sa isang sementong upuan na nasa gilid at inobserbahan ang lahat ng naroon.
"Mukhang malakas yung naka-pigtail dun sa dulong kaliwa. Yung may tatttoo sa binti," sabi ni Josef habang tinitignan ang isang babaeng nakikipag-usap sa mga kasama nito.
"That's Jeanalyn Ladores aka Jade. Leader ng Night Archs gang. 4th placer sila sa Top 25s."
"Teka, pamilyar yung kausap nya..." sabi ni Armida.
"Natural pamilyar sayo... Jayrone Jette Holloway aka Jet. Member ng Night Archs. Estudyante ng Byeloruss Class 4-F."
Tumango na lang si Armida dahil hindi niya inaasahan na makikita niya roon ang isa sa mga estudyante niya.
"Yung nandun at nilalaro yung butterfly knife sa gilid. Yung nakasampa sa stage, sino yun?" tanong ni Josef.
"That's Cristy Lavarias aka Mystica. Leader ng Revenge gang. Sila yung bagong 5th placer ng Top 25s"
"Cristy Lavarias?" tinignan agad ni Armida yung pinag-uusapan nila Josef.
"Estudyante din yan ng 4-F."
"Ayos..." Hindi niya inaasahan na madami rin palang susulpot na estudyante niya sa battle na iyon.
"O! Yun yung mokong na--" Itinuro pa ni Josef si Ran na lumapit kay Cristy.
"Xiao Ran Li aka Tricker. Member ng Revenge gang."
"Talaga lang ha..." Mukhang wala pang tiwala si Josef na kayang lumaban ni Ran dahil sa itsura at pangangatawan nitong masyadong patpatin para isabak sa bugbugan.
"Laby, sino yung nandun at kinukwelyuhan yung naka-brown na lalaki..." tanong ni Armida habang tinuturo yung tinutukoy niya.
"That's Jessie Young aka Yaku. Leader ng Sweet Viper gang. Bagong 9th placer."
Tumango naman si Armida dahil mukhang malakas yung Jessie na yun, "Eh yung katabi nung grupo niya, yung tahimik at mukhang nakikiramdam lang."
"Ah, that's the Deity Genesis gang. Ang leader nila ay si Jeivenne Elizalde aka Princess Genesis. Bagong 10th placer."
"Andaming babaeng nandito ah," sabi ni Josef.
"Sinabi mo pa..." dagdag ni Armida.
"Isa pa yon. Bata pa yun ah," Itinuro naman ni Josef yung bagong dating na grupo.
"Jenelene Guevarra aka Dark Princess. Dark Sorrority ang pangalan ng grupo nya. Nasa 11th placer sila..." Napansin niyang may sunod pang dumating kaya inunahan na niya sila Josef bago pa magtanong. "Syntax Error. Leader: Sofiah Siervo aka Sofi."
Pagkalipas ng kalahating oras, napuno na ang buong XZQ ng iba't ibang grupo na nag-aasam makapasok sa Top 25. Mga gang na magtatangkang talunin ang mga nasa Top 10. O kung suswertehin, mga nagbabalak matalo ang Dark King.
Sunod na pumasok ang isang grupo na puro babae ang member.
Napataas ang kilay ni Josef nang makita ang Lavander Rose Gang.
"Are you gonna fight those kids again?" tanong ni Josef kay Armida
"I'll try to stop them from getting close to us. That's all I can do for this battle," walang ganang sinabi ni Armida habang nakatingin sa kabilang direksyon.
Lumalakas na ang ingay sa loob ng XZQ.
Natahimik lang ang lahat nang biglang pumasok sa magkabilang entrance ang Top 2 at Top 1 gang sa area.
Parang hinawi ang gitna dahil lahat tumabi para padaanin ang dalawang grupo.
"Teka, yun ba si--" Itinuro ni Armida yung grupo na nasa kabilang entrance.
"Silver Outlaw Fox gang. Ang nasa Top 2. Leader: Shiza Yoshikawa aka Flame," sabi ni Laby.
"Yung katabi niyang babae, 'di ba 'yon yung nagbuhos sa'yo ng tubig sa cafeteria?" tanong ni Armida.
"Yeah, Alexandrei Rachelle Harrison aka Cloud. Vice Leader ng Silver Outlaw Fox."
"Ayos din," sabi ni Armida habang tumatango.
"Yun yung isa sa mga candidate as Superior, right?" tanong ni Josef habang tinuturo ng tingin ang grupo nila King.
"Dark Orion Cards gang. Ang Top Gang sa area. Leader: King Ace Havenstein aka Dark King. Yung katabi niya sa kanan, si Davi Brent Kesley aka Spade. Yung nasa kaliwa, si Chief Andrew Mikaliev aka Clubs. Mga estudyante ni Armida," sabi ni Laby.
"Sana pala dinala ko ang RN ko. Kumpleto sa attendance yung Class 4-F dito eh," sabi ni Armida.
Napansin nilang lahat ang isang binatang humahangos papalapit sa DOC. Napatayo na lang si Josef nang makita ang kapatid na lumapit kila King.
"Riggs Javin Malavega aka Diamond. Bagong member ng Dark Orion Cards," sabi ni Laby habang sinusundan ng tingin si Riggs. "As long as hindi tayo kakantihin ng DOC, walang laban na magaganap."
Tinignan ni Josef si Laby na nakatingin sa DOC. Umupo na lang siya at hinintay ang susunod na magaganap.
Napalingon sila pare-pareho sa entrance/exit ng XZQ nang bigla itong isara mula sa labas.
Pagkatapos ng ilang sandali, nagpakiramdaman na ang lahat.
Si Armida, pinulot ang maliliit na tipak ng semento sa paanan nya. Si Josef, nag-cross arms at nag-dekwatro sa inuupuan. Si Laby, nagsuot lang ng earphone at na-focus na naman sa Gameboy niya.
Makalipas ang ilang titigan at sukatan ng tingin, umalingawngaw na ang ingay at sigawan. Hudyat na simula na ng laban.
Kanya-kanya nang labas ng baseball bat. Mga dos por dos. Mga kutsilyo at kung ano-ano pang magagamit para makapanakit ang mga naroon.
May mga nagtangkang sugurin ang mga myembro ng Legendary Superiors gang pero bagsak na agad sila bago pa nila mapasok ang teritoryong sinukat ni Armida. Wala man lang lumagpas sa dalawang metrong tinakda niya.
Mga mahihinang grupo ang tumatarget sa kanilang tatlo. Pero yung mga pasok sa Top 25s, ang tunay na target ay ang Top 2 at Top 1 gang.
Pinapanood nilang tatlo na magpatayan ang mga gang na nandoon habang sila, sitting pretty lang at hinihintay na matapos ang laban na iyon. Basta si Armida, titira lang at pipigilang makalapit ang magtatangkang sugurin sila. Hindi rin niya balak seryosohin ang lahat kaya hindi rin niya mapapatay ang mga pinatatamaan niya ng bato.
Kinalabit ni Armida si Laby para tanungin. Tinanggal naman ni Laby ang isang earphone nya para pakinggan si Armida.
"Ano ba rule dito? Matira matibay?" tanong ni Armida.
Ibinalik na ni Laby ang earphone niya at pinanood ang mga naglalaban. "Matirang nakatayo, makakapasok sa Top 25. Kahit pa na-iisa ka na lang sa grupo ninyo. Ang placing? Paramihan ng napabagsak na placer ng Top 25s. Kapag napabagsak mo ang lahat ng member nila, grupo mo na ang papalit. Kapag tatlo o apat ang napabagsak mo na placer ng Top 25, nasa Top 5 ka na agad. Kapag natalo mo ang Top 2, ikaw na ang papalit sa kanila. Kapag napabagsak mo ang Dark King, grupo mo na ang bagong Top Gang ng lugar."
Tumango naman si Armida sa sinabi ni Laby.
"Bakit ba ang sadista ng mga bata ngayon? Ano bang nakakatuwa sa pakikipagbugbugan? Sinasaktan lang nila ang mga sarili nila," sabi ni Josef habang pinapanood ang mga nandoon na halos patayin na ang isa't isa.
Kung makakilos silang tatlo, akala mo sila ang promotor ng lahat. Chill lang habang pinapanood na magpatayan ang iba.
"Aba, may genius na naisipang magdala dito ng baril," sabi ni Armida habang tinuturo ang isang binatang bumunot na ng baril. "Mukhang tanga pa, hindi alam kung paano ang gagawin niya sa hawak."
Napatingin siya kay Josef nang tumayo na ito at nagpamulsa. "Where are you going?"
"I'll try to prevent the worst," sabi ni Josef.
Tinignan ni Armida yung binata na may hawak ng baril. "Worst, okay." Ibinalik niya ang tingin kay Josef. "O? T-teka..." At naglaho na naman ang asawa niya. Tinignan naman niya si Laby para itanong kung napansin nito si Josef.
"...I know that this is what I want, this is what I need, ima mo kurikaeshiteku zanzou..."
Kumunot lang ang noo nyia dahil busy sa pags-soundtrip si Laby with matching headbang pa. Napailing na lang siya at ibinalik ang tingin doon sa mga naglalaban.
"Sana sa ilong na lang niya pinatamaan," comment niya roon sa isang nagsusuntukan. "Kung ako 'yan, sinipa ko na lang sa sikmura." Umiling na lang si Armida dahil halatang labang kanto ang pinapanood niya. "Nasa ibaba lang niya yung kahoy, 'di pa niya pinulot para ipalo? Punyetang 'yan! Bobo! Sipain mo, tanga!" Napapalo sa hita si Armida dahil natatangahan siya roon sa napapanood niya "Ayun lang yung bat oh!" Itinuro pa niya yung baseball bat sa sahig. "Ampu-- Sa likod mo, engot!" Napakamot pa siya ng ulo dahil sa inis "Pakamatay ka na hayup ka! 'La kang kwenta!" Napahilamos siya sa pagkairita "Antanga! Nabuhay ka pa! Isang-isa na lang ako na papatay sa inyo!"
Napatingin si Armida kay Josef nang biglang sumulpot na naman sa tabi niya habang hawak ang ilang magasin.
"Andami niyang hawak mo ah."
"Madami rin silang may dala eh," sagot ni Josef.
"I think so, wala pa namang naglalabas ng shotgun at rifle sa kanila kaya malamang na ito lang." Itinapon na ni Josef ang mga magasin sa kung saan. "Teka, sino ba yung pinapagalitan mo ha?"
Inginuso ni Armida yung laban. Tumingin naman doon si Josef.
"No coaching, sabi sa rules," natatawang sinabi ni Josef habang tinitignan sa dulo ng mata niya si Armida.
"Tss, pauso mo," masungit na sagot ni Armida.
Para silang invisible na tatlo dahil walang lumalapit sa kanila at marami nang bumabagsak. Nakikita na nila kung sino-sino ang talagang matitibay ang dibdib at malalakas talaga.
Pagkalipas ng ilang bakbakan ng mga nandoon, parang biglang huminto ang mundo at pinakiramdaman ng lahat ng natitirang nakatayo ang isa't isa. Marami na ang hinihingal at tambak na ang mga nakahandusay sa sahig.
Pumulot ng ilang tipak ng bato si Armida at pinaikot-ikot 'yon sa kamay niya.
Mga natirang member ng mga nasa walong grupo ang natitirang nakatayo. At ang Legendary Superiors lang ang natitirang nakaupo.
Lahat sila napatingin sa LSG na sitting pretty at mukhang walang pinoproblema sa buhay.
"Revenge, Silver Outlaw Fox, Deity Genesis, Dark Orion Cards, Lavander Rose, Night Archs, CrowHeart, Sweet Viper," sabi ni Laby habang tinitignan ang lahat ng member na natitira.
"Are we gonna fight now?" tanong ni Josef.
"Base sa mga natira... I don't think we will," sabi ni Armida sabay tayo. "Hindi ako nakapasok kanina sa school. Gusto niyong dito ko kayo turuan ng lesson?" naka-smirk niyang tanong sa mga natira na karamihan ay estudyante niya.
Kumunot lang ang noo ng iba at nagtaka kung bakit naroon ang teacher nila.
"Nobody's gonna fight you!" sigaw ni Ran sa kanya.
Tumaas lang ang kilay ng iba sa sinabi ni Ran.
Si Yoshi, King at Sunny, tiningnan lang si Armida. Wala rin silang nakikitang dahilan para labanan ito. Una, wala silang mapapala dahil 7th placer lang ang Legendary Superiors. Pangalawa, assassin siya at nasaksihan na nila ang kakayahan niya.
Yung ibang hindi kilala si Armida, sumugod na habang hawak ang ilang bat at kahoy.
Umiling si Armida at ibinato ang hawak dun sa mga susugod.
Hindi pa man nakakalapit yung mga sumugod, bumagsak na agad.
Binaling ni Armida ang tingin dun sa iba pang natitira "Kapag ako ang sumugod. Mauubos ang mga nasa Top 25. Wala kayong mapapala kung susugurin ninyo kami. Pero kami may mapapala kapag sinugod namin kayo."
Naglakad na paalis ng pwesto nila si Armida. Sumunod naman sa kanya si Josef at Laby.
"Patayin n'yo man ang isa't isa. Wala kaming pakialam. Doon sa pinanggalingan namin, hindi titulo ng kasikatan ang mahalaga sa ganitong laban kundi ang pakinabang ng makukuhang posisyon sa takbo ng trabaho," sabi ni Armida habang nakatingin nang diretso sa dinadaanan. "King." Huminto siya sa paglalakad at nilingon ang estudyante niya. "Ano ang gagawin mo kapag nawala na ang father mo? Ano na ang purpose ng lahat ng paghihirap mo pagkatapos no'n? Pag-isipan mo 'yan bago mo tanggapin ang posisyon bilang Superior."
Tumalikod na si Armida upang umalis. Nakakailang hakbang pa lang siya nang mapahinto dahil sa isang lumilipad na bagay ang naramdaman niyang papalapit. Tumalikod ulit siya para saluhin iyon kaso naunahan na siya ni Josef.
"Nagsisimula na akong mainis sa mga batang 'to," sabi ni Armida habang nakatingin sa kamay ni Josef na dumudugo na dahil sa pagkakasalo nito sa talim ng butterfly knife na mukhang kilala na niya kung sino ang may-ari.
Isang masamang tingin lang ang ipinukol nilang tatlo sa mga natitira doon na mga gang members na hihigit sa trenta ang bilang. Pinalilibutan na sila ng mga ito at handa na ang ilan para sugurin silang tatlo.
"Do I have to fight?" iritang tanong ni Laby at itinago na sa bulsa ang gamit niya.
At umalingawngaw na naman sa loob ng XZQ ang sigaw ng mga kabataang susugod kila Armida.
Hinintay lang ni Josef na makalapit sa kanya ang mga kalaban nila at walang kahirap-hirap niya itong pinatumba gamit lang ang simpleng pagsuntok, pagsipa at pagbato sa mga batang talo pa ang laruan kung hawakan niya.
"Armida! Ano nang--" Natigilan siya nang makita sa kabilang gilid ang asawa niyang hinapuras sa leeg ang isang miyembro ng Deity Genesis gamit ang isang napakanipis na pisi at wala pang isang iglap ay isang gumugulong na ulo na ang nakapagpatahimik sa kanilang lahat na magtatangka pang sugurin ang Legendary Superiors Gang.
"Uh-oh..." Agad na kinabahan si Laby at umatras na sa kinatatayuan niya. "Josef...!" malakas niyang tawag. "I smell bad news here!" Agad niyang pinuntahan ang kaninang pwesto nila at kinuhaan doon ang ilang magasin. Pumulot din siya ng baril na pinili niya ayon sa mga napulot niya para magamit. Agad niyang itinutok ang armas kay Armida.
"Labyrinth! Nababaliw ka na ba?" takang tanong ni Josef.
"Naninigurado lang ako! Alam mo naman 'yang asawa mo! Kapag nawala 'yan sa sarili, kahit sino pinapatay niyan!"
Napuno naman ng pagtataka ang mga natitirang nakatayo doon dahil mismong leader na ng LSG ang kumakalaban sa miyembro nito.
"She's gonna kill us," bulong ni Riggs kila King. Agad siyang naghanap ng magagamit panlaban kay Armida.
Maya-maya pa, isang masamang tingin ang nanggaling kay Armida para sa kanilang lahat.
Sa mga oras na iyon, nakaramdam na sila ng takot para sa mga sarili nila. Tinignan nila ang lahat ng pwedeng labasan at wala silang makitang bukas na pintuan dahil kusang isinara ng namamahala ang XZQ ang buong lugar para sa All-Star Gang Battle.
"RYJO is made to kill," sabi ni Ran sa kanilang lahat. Nakita niya ang isang nakakalat na baril at agad 'yong pinulot. Swerte niya dahil may laman ito. "And, I don't wanna die."
"What's happening here?" takang tanong ni Lexi na isa sa mga myembro ng Silver Outlaw Fox.
"This is stupid!" Walang pagdadalawang-isip na sumugod si Sunny, ang dating Dark Queen ng Dark Orion Cards at ngayo'y si Hime Vhanthara ng Lavander Rose. Dala-dala niya ang isang baseball bat at ipinalo iyon kay Armida. Kaso walang kahirap-hirap nitong sinalo ang bat.
"Jean!" sigaw ni King sa kanya.
Hinaltak ni Armida ang bat at ibinato iyon sa gilid. Agad niyang sinakal si Sunny at halos iangat na niya sa sahig.
"You're giving yourself a problem, kid," mahinang sinabi ni Armida. Sapat na para itago kila Josef na hindi pa naman siya nawawala sa sarili.
"Bitiwan mo 'ko!" Sinipa niya si Armida sa tiyan kaya nabitawan siya nito.
Sumugod na si King para tulungan si Sunny. Nadampot niya ang isang baril na kargado ng bala at itinutok kay Armida. Madali namang lumapit si Josef at inilayo agad si Sunny sa asawa niya.
Wala namang kamalay-malay ang ilan na dumampot na rin si Yoshi ng baril at balak nang gawin ang talagang plano niya sa umpisa pa lang.
Kailangang talunin si King.
Nabasa agad ni Ran ang plano ni Yoshi kaya gumawa siya ng paraan para pigilan ito. "Yoshikawa!" Sinipa niya agad ang baril na hawak nito na napunta sa direksyon ni Armida.
Nalipat ang lahat ng atensyon sa pwesto ni Ran at Yoshi. Doon nagbalik ang lahat na hindi talaga si Armida ang tunay nilang kalaban kundi si King at ang Dark Orion Cards.
"Tsk!" Kumilos na agad si Laby at agad na dumiretso sa pinto ng XZQ. Doon niya ginamit ang hawak na baril at pinaputukan agad ang pinaka-lock.
"Damn you, Li Xiao Ran!" galit na sigaw ni Yoshikawa at agad na hinabol ang baril na gagamitin niya kay King.
"Havenstein!" sigaw ni Ran.
"King!" sigaw ng mga miyembro ng Dark Orion Cards na nagmamadaling lumapit sa leader nila para protektahan ito.
Kumunot agad ang noo ni King at nalipat ang tingin kay Yoshi at sa baril na habol nito. Agad niyang itinutok dito ang baril.
Napakabilis ng mga pangyayari at ang tanging pumasok na lang sa isipan ni Yoshikawa ay ang paligid. Si Josef na agad inilayo si Armida sa kanilang lahat. Si Sunny Jean Soliman na nasa gilid lang niya at kakatayo lang mula sa pagkakasubsob sa sahig.
At umalingawngaw ang tunog ng baril sa buong XZQ.
"Sunny!" sigaw ni Josef habang nakatingin sa gitna ng mga batang naglalaban-laban.
"Sunny!" hindi makapaniwalang tawag ni King.
Bumagsak ang katawan ni Sunny sa sahig. Nagtamo siya ng tama ng bala sa dibdib na para sana kay Yoshikawa.
Napalunok na lang si Yoshikawa dahil sa ginawa niyang paggamit kay Sunny para maging panangga niya.
"Josef! Tara na!" Hinatak na lang ni Laby si Josef palabas ng XZQ para makaiwas pa sila sa lalong mas malaking problema.
Halos manlumo si Josef sa huling nakita. Hindi niya inaasahan na aabot ang lahat sa puntong iyon.
“Uh-oh...” Napahinto sila nang makita ang napakaraming Guardian na tinututukan sila ng mga baril.
“Lady Armida, Lord Ricardo, Labyrinth... Kailangan na ninyong sumama sa amin pabalik ng Citadel.”