It is beautiful to feel deeper than we can express.
sheepfilms
Xuebing Du
hello vonnie
Mike Driver
Cosimo Galluzzi
RMH
taylor price
occasionally subtle
noise dept.
No title available
cherry valley forever
todays bird
macklin celebrini has autism
No title available

JVL
Three Goblin Art

Origami Around
YOU ARE THE REASON

tannertan36
$LAYYYTER
seen from Brazil
seen from T1

seen from United States

seen from Malaysia

seen from Australia

seen from Switzerland
seen from Germany
seen from United States

seen from Türkiye
seen from T1

seen from Vietnam
seen from United States

seen from Singapore
seen from United States
seen from Italy
seen from China

seen from United States

seen from United States

seen from Singapore
seen from Türkiye
@cluelessyouthleader
It is beautiful to feel deeper than we can express.
Baka Sa Wala
Ibinigay mo nga ang lahat sa kaniya - puso, oras, isip, pagmamahal, pera, katawan. Lahat ng puwede mong ibigay, ibinigay mo. Ibinigay mo nang walang kapalit at ibinigay mo nang hindi niya pinaghihirapan. Ganiyan ka kasi magmahal. At ganiyan ka din katanga. Parang walang bukas. Parang walang ibang taong maapektuhan. Parang hindi mo na rin nirespeto ang sarili mo. Parang siya lang ang nabubuhay sa mundo. At pagkatapos nang lahat ng iyan, ano na? Ganoon pa din. Titingala ka pa rin sa kawalan at maghihintay kung luluobin ba talaga ng Diyos na maging kayo. Hahanapin mo pa ding paulit ulit ang mga bagay na gusto mong makuha sa kaniya habang ikaw naman, patuloy na nauubos kabibigay ng iyong sarili.
Kaya’t iiyak ka na lang nang tahimik. Dahil ayaw mong marinig niya. Ayaw mong isipin niya na pabigat ka. Kasi natatakot kang mawala siya. Na para bang bali-wala na lang na tumayo. Basta’t huwag na huwag lang siyang aalis. Nagtitiis ka diyan. Naghihintay. Naghihintay ng baka sa wala.
Para Kay Saturnina
Para Kay Saturnina Sinalo ka na naman ng kama mo pagkatapos mong ibigay ang buong bigat mo rito. Umiiyak at hindi maintindihan ang sarili. "Ang eng-eng eng-eng ko talaga!". Hindi mo alam kung bakit pinagbigay mo pa. Hindi mo alam kung bakit hindi ka masaya samanthalang sinunod mo naman ang puso mong sa pag-ibig ay nangungulila. Inisip mong muli ang mga naganap. Dati, nagugustuhan mo lang siya. Tapos unti-unti kang lumapit. "Wala namang masama kung makikipagkaibigan ako." Hanggang sa hindi mo namamalayan, unti-unti ka mo na palang binubuksan ang puso, ang isip at ang sarili mo sa kaniya. Ang pagkakaibigan na inisip mong wala namang masama ay lumalalim. Hindi na lang iyon ang nais mo. Hindi na lang iyon ang gusto mong maging turing niya sa iyo. At sa bawat paglapit mo sa kaniya, mas lalo mo siyang tinatanggap sa kabila ng lahat ng hindi mo magandang nakikita. Hindi mo alam kung mali bang ipinagdasal mo siya. 'Lord, eto na ba?'. Kahit hindi mo alam kung anong turing niya sa iyo o kung hanggang saan siya tatakbong kasama ka, nagbabakasakali ka. Nagbabakasakali na siya na nga iyong hinihintay mo. Nagbabakasakali na siya iyong kaloob sa iyo. Nagbabakasali na siya na iyong makakasama mo sa iyong pagtakbo. Pero sa isang banda, hindi mo naman alam kung hiningi ka ba niya. O niluhod ka ba niya sa panalangin. HIndi mo naman alam kung napansin ka man lang. O kung napansin ka man, hindi mo alam kung hanggang saan lang siya para sa iyo. Nakasteady lang ang electricfan sa kwarto mo. Katulad nang nakasteady niyang pagtingin sa iyo. Kahit lumapit ka. Kahit nageffort kang mapansin niya ay walang nangyari. Hangin lang, katulad ng electricfan, ang kaya niyang ibigay. Hindi niya kayang magbigay ng init, o apoy, o usok. Hindi niya kayang dagdagan pa kahit na lubos kang umaasa. Umiiyak ka dahil sa dalawang bagay. Una, dahil hindi ka naman niya talaga mahal. Kathang-isip lang ang mga ito sa pantasya mo. Binigyan mo lang ng kulay at kahulugan ang lahat ng pakikitungo niya. Panagalawa, dahil naisip mong tanga ka. Dahil feeling mo, hindi na ganoon kahabaan ang hair mo sa sakit nang naranasan at napagtanto mo. Imbis na nagtuon ka na lang ng pansin doon sa mga bagay na dapat mong binigyan ng pansin, ay nag-effort ka pa para sa wala. Ikaw iyong bigay nang bigay. Siya itong tanggap lang nang tanggap. Pero may panahon din na kailangan mo nang gumising sa katotohanan. Kailangan mo ding bumangon sa kama mong basa na ng luha para sa isang taong hindi naman alam kung anong nagaganap sa iyo o kung may pakialam ba kung nasasaktan at nadudurog ka nang dahil sa kaniya. Kailangan mo ding malaman na hindi palaging kasiyahan ang nagiging dulo ng pagsunod sa puso. Na kung magmamahal ka, dapat ginagamitan mo ng isip para hindi ka lubusang mapunit. O siya, tumayo ka na. Hindi ka man madaling makakalimot, pero tandaan mo, mas mabilis lang dapat iyan dahil hindi naman kayo. Patawarin mo nang sariili mo. Bumawi ka doon sa mga tao at mga bagay na naiwan mo. Pati sa sarili mong iniwanan mo din ng bait. At sa susunod hahayaan mong tumibok iyang puso mo, bantayan mo. Pangalagaan mo at huwag palabis labis. Dahil ang magmahal nang matulin, kung matinik ay mabilis lang rin.
Isa sa legacy na maipapamana mo sa kanila ay iyong pagiging GOOD FOLLOWER mo. Ang pagsusubmit sa mismong leader mo ay dapat mong minomodelo sa kanila. Whether Senior Pastor, Boss, o Si Lord pa iyan. Dahil kung anong ginagawa mo sa leader mo, iyon din ang gagawin nila sa iyo.
from Clueless Youth Leader
Dadating ka sa point, sa pagabot mo ng mga dreams mo, na hindi lang talaga ikaw ang pinakamagaling sa lahat. Kulelat. Burot. Pero ganon talaga e. Hindi naman tayo pinanganak na magaling agad. Sa wisdom ng Creator, binibigyan Niya tayo ng potential kung saan tayo mag-iistart. Tas iyon ang iwowork out natin. Naniniwala si Creator sa Hardwork, Perseverance at Patience. Dahil doon din Niya dinedevelop ang ating mga character. Para kapag nandoon ka na sa summit, maayos mong maihahandle ang sweet success. At hindi ka masisira sa mabahong ugali. Kaya kung hindi ikaw ang pinakamagaling, push lang. :))
from Clueless Youth Leader
Ang pagtupad ng mga Pangarap at assignment na ibinigay sa iyo ni Lord ay hindi paunahan. Kundi pahinugan. Binibuild muna ni Lord ang character natin. Hindi lang para sa atin. Kundi para sa mga taong mare-reach ng ipinapagawa Niya. Ilang beses ko na tong narinig sa mentor ko. Ginatungan pa ni Blackaby sa pagsabing, 'How pathetic is it for a person to have such a big assignment but have not character'. Sa bagay, si Abraham, pinaghintay. Si Moses, pinaghintay. Si Noah, pinaghintay. At yung paburito kong King David, pinaghintay. Kahit ang pagdating ni Jesus, hinintay. Pero hindi ibigsabhin ng paghihintay mo ay wala ka nang gagawin. Kailangan mo pa ring magpaka-faithful. Sa araw-araw. Sa bawat desisyon
from Clueless Youth Leader
Ang lahat ng FEAR, ay aalipinin ka. Pagnatatakot ka sa ipis, unconsciously alipin ka ng ipis. Pagnatatakot ka sa unknown o mga bagay na hindi mo alam, alipin ka ng unknown. Kapag natatakot ka sa boss mo, unconsciously alipin ka ng boss mo. Pero may isang FEAR na napakanda. Iyon ang TAKOT sa DIYOS. Dahil kapag takot ka sa Diyos, (1) Mas uunahin mo 'yung mga bagay na makakaplease sa kaniya, (2) Makakalaya ka sa iba mong takot at; (3) Wisdom. Iga-guide ka nito kung paano ang tamang approach sa paggawa ng isang bagay.
from Clueless Youth Leader
Reasons Kung Bakit Ang Pagpaparinig sa Facebook ay Hindi Dapat Ginagawa ng Isang Leader (At ng Isang Kaibigan) 1. Ipinakita mo lang na hindi ka marunong magsolve ng issue. Hindi mo directly sinolve iyong issue with that person. 2. Isiniwalat mo lang sa mga tao na may member (o friend) kang ganito, ganiyan. Ang liit ng chance na malalaman niyang siya iyon. 3.Binahiran mo lang ng putik yung member (or friend) na iyon sa harap ng mga tao. 4. Kung sakaling mabasa iyon ng member (or friend) mo, like you wished, sa tingin mo ba, ikaaayos iyon ng tinginan niyo? Hindi. Magagalit lang siya sa iyo. 5. Imbis na protektahan mo iyong kaibigan mo, pinahiya mo lang. We should protect what we govern as leaders. Concern ba iyong pagpapahayag sa FB ng kamalian ng ibang tao? Hindi. Anong Gagawin Mo Kapag Pinariringgan Ka ng Kaibigan o Leader? 1. Huwag gumanti sa Facebook. Manahimik lang. Kumalma. Huwag mong gagayahin iyong ginawa niya saiyo dahil hindi kayo magka-level. 2. Depende sa pagpapahalaga mo doon sa tao. 2.a. Kung konti lang, huwag mo nang kausapin. Tignan mo na lang yung points niya. From there, i-check mo din yung sarili mo kung may point ba siya. Atleast, nagbago ka for the better. 2.b Kung madami kang pagpapahalaga don sa friend/leader mo, kausapin mo. Ideal mo yung issue. Awayin mo for the sake na magkaayos kayo at malaman mo yung point niya para sa ikakaimprove mo. 3. Magpatawad at huwag istress-in ang sarili. #rantNiCluelessYouthLeader
from Clueless Youth Leader
Confession Shared by Al Bayhon There was a churchmate na nagsabi sa akin ng ugali ko na ayaw nila sa akin. Syempre masakit na tanggapin pero nagpasalamat pa rin ako sa kanya dahil naglakas-loob syang sabihin yun sa akin. After that, I prayed and consulted some of the close people I know. Then there was this old churchmate na nakausap ko. Noong una, nagbabala sya sa akin kung gusto ko nga bang malaman ang totoo. Malamang ang sabi ko ay oo, kaya nga ako nagtanong sa kanya eh. Then kinwento nya na yung bagay na iyon. Napaisip ako and I assessed myself. Maganda yung usapan namin na iyon at nag end ang conversation namin na nakangiti ako. Kung iisipin ng iba, para akong sira. Ako na nga ung nasaktan kasi inaassess ko yung sarili kong masamang ugali tapos sa huli ako pa yung natutuwa. Hindi ko sinasabi na hindi ko babaguhin ang ugali kong iyon dahil iyon yung priority ko sa lahat. Pero as of that moment na nagtatanong ako sa dati kong ka churchmate eh natutuwa ako. Yung feeling na nakapagfellowship kaming dalawa ulit for a long time. Yung feeling na may tiwala ka sa kapatid mong iyon na ilantad kung anong meron sayo. Masarap pala yung feeling na ang pinag-uusapan namin ay yung kahinaan ko sa halip na yung sa ibang tao. Sabi nga sa bible na iconfess lang natin yung mga kamalian natin sa ating kapatid at ipanalangin ito (James 5:16). Nung time na yun ay medyo mentally down ako kasi iniisip ko kung ano ang solusyon ko dun sa problema ko sa ugali. May mga nagsabi din naman sa akin na hindi ko kelangang magbago dahil si Lord ang pinaglilingkuran ko at hindi ang tao at hindi tao ang dapat kong iplease kundi ang Diyos. Pero maganda rin sa pakiramdam na magtanong kung anong ugali ang meron ako na ayaw ng tao. Minsan kasi nahihiya lang sila o natatakot na magsabi sayo. Minsan baka natitisod na rin sila sayo. I strongly recommend this sa mga leaders sa church na magtanong tayo minsan sa iba kung anong ugali natin ang ayaw nila, pero dapat sa pinagkakatiwalaan nating tao. Ngunit dapat handa ang sarili natin na tanggapin anuman ang sabihin nila. Hindi lang kasi dapat magagandang katangian ang alam natin, dapat may bad side din tayong inaassess. May mga ugali rin kasi tayong hindi natin alam na ganun pala tayo. Ang leader kasi ang nakikita ng lahat kaya medyo hard din ang responsibility na meron sila. Minsan may nasasaktan pala tayong tao dahil sa pagpupursigi natin sa ministry natin. At kung may nakikita rin tayo sa ibang tao, tingnan natin kung handa ba silang tanggapin iyon, iapproach natin sila ng sarilinan at kausapin natin sila in a nice way, in a loving way sabi nga nung isang nagpayo sa akin. Pero higit sa lahat, dapat din nating iassess ang sarili natin. God Bless Everyone!
from Clueless Youth Leader
My other reason to keep going is my youth Minsan talaga darating sa point na parang manghihina ka madidiscourage at parang gusto ng mag give up. pero sabi nga nila pag may nilelead ka kailangan mong isipin ang kapakanan nila, anu bang magiging resulta sa sakanila? Kaya pag leader ka hindi pwedeng sarili mo lang, iisipin mo din kung makakabuti ito sakanila at kung aalis ka ba ay tuluyan pa silang magpapatuloy? kaya tandaan natin na bilang isang leader malaki ang responsibilidad natin sa kanila at hindi dapat natin sila hayaan, kung nadidiscourage tayo sa ibang tao sa church, ieencourage natin ang sarili natin para sa mga youth natin... Shared by: Jessica Pamplona
from Clueless Youth Leader
Sa Bible, sinabihan ni Jesus ang mga Pariseo na sila ay mapagpaimbabaw. Sila yung tipo ng mga tao na may spirit na nagpapakita lamang ng kabutihan kapag nasa harapan ng marami pero hindi ito nakikita sa kanilang puso. Nawa, hindi tayo tumulad sa kanilang mga spirit na mapagpaimbabaw, mapanira sa kapwa, icocondemn ang tao na hindi nila alam ang purpose sa paggawa ng isang bagay o sa pagpunta sa isang lugar at higit sa lahat ang pagiging pakitang tao. Alam natin na ang Diyos ay right judge. Alam Niya ang laman ng ating mga puso. Kung naloloko man natin ang ibang tao at ang ating sarili, ang Diyos ay kailaman ay hindi maloloko. :) Shared by Lei Anne Mallari Baguio
from Clueless Youth Leader
⚜We have three responsibilities in becoming like Christ.⚜ Shared by: οπαδός του Χριστού ⚜⚜ First, we must choose to let go of old ways of acting. 📜 Everything—and I do mean everything—connected with [your] old way of life has to go. It’s rotten through and through. Get rid of it! EPHESIANS 4:22 THE MESSAGE ⚜⚜ Second, we must change the way we think. 📜 Let the Spirit change your way of thinking. EPHESIANS 4:23 CEV ⚜⚜ Third, we must “put on” the character of Christ by developing new godly habits. 📜Put on the new self, created to be like God in true righteousness and holiness. EPHESIANS 4:24 NIV Spiritual maturity is neither instant nor automatic; it is a gradual, progressive development that will take the rest of your life. Becoming like Christ is a long, slow process of growth. 📜 [This process of becoming Christlike] will continue until we are united by our faith and by our understanding of the Son of God. Then we will be mature, just as Christ is, and we will be completely like him. EPHESIANS 4:13 CEV The Purpose Driven Life
from Clueless Youth Leader
YOU CAN NEVER OVERCOME SIN ON YOUR OWN. Shared by: RJ Magno Ang mahirap kasi sa ating mga Kristiano minsan, we condemn ourselves too much. What usually happens is that we commit something we KNOW that is wrong then feel guilty about it and stop serving our purpose. It's like this, may nagawa kang mali and leader ka sa church. Alam na alam mo sa sarili mo na mali un ginawa mo, so what comes into your mind? Nandyan na ung thought na "Mali to, ang plastik ko naman, nagseserve ako sa church tapos ginagawa ko tong mga bagay na to, siguro, balik na lang ako kapag natigil ko na to or na-overcome ko na". EH MALI, mas lalo ka lang mapapalayo sa Diyos if you try to take things on your own. ALAM NG DIYOS NA HINDI KA PERPEKTO. Kilalang kilala ka niya. Alam niya kung san ka nagkamali, nagkakamali at magkakamali pa, AND HE WANTS TO HELP YOU. If you've done something wrong, just keep on serving Him. Ask forgiveness. Kung naulit ulit, lapit ulit sa Diyos. Naulit na naman, hingi ulit ng tawad, lapit lang sa Kanya. Di Siya magsasawang tanggapin ka. AS LONG AS YOU DON'T LOSE YOUR CONNECTION WITH HIM, YOU WILL EVENTUALLY FIND THE RIGHT PATH AGAIN. This is better than trying to figure things out on your own. Remember, Romans 8:31-39. Nothing can separate us from the LOVE OF GOD. © Alemie Calica Lopez
from Clueless Youth Leader
Endurance Shared by: <i-anonymous ko na lang daw siya> I know a person na mainit dati sa Panginoon. Marami kaming kabataan noon at masigasig siyang mag evangelize and he encourages us kasi sya yung president namin. Dumating yung time na kumonti yung bilang ng aming youth at dumating din ung time na sinabi nya sa pastora namin na gusto na nyang umalis as our leader. Masakit pong isipin na dahil masaya yung grupo nyo ngayon eh masaya ka din pero pag kumonti na at malungkot na ang grupo, aayaw ka na rin. God gave us the message to run the race with endurance. Sa haba ng takbuhin natin ay hindi tayo laging may kasama. Minsan siguro dapat mapag-isa tayo para ma-realize natin na si Jesus Christ pa rin yung dapat na maging center of our lives. Dapat si Jesus Christ pa rin yung maging dahilan ng pagsimba natin sa ating mga churches kasi Sya ang Diyos natin at hindi lang tayo sumasamba dahil may kasama tayo. Our true worship is alone with God. Even David worshiped God alone at wala syang kasamang naghubad at nagsasayaw sa palasyo nya. Kung gusto nating mag worship, Hindi natin dapat tingnan sa dami. Tinitingnan dapat natin sa sacrifice ni Jesus Christ para sa atin. God bless everyone!
from Clueless Youth Leader
WE'RE IN PROCESS by: Genesis Dela Cruz Dumadaan tayo sa panahon kung kailan inaakala nating we're equipped enough to be leaders na. At may mga oras na tayo ay nadi-disappoint when we encounter our failure along the way. When we conclude na di tayo OK, Pwede mong i-consider ito: • YOU'RE COMMITTED TO THE PROCESS. Nasa PROCESS ka padin kagaya ng mga nili-lead mo. • GOD IS NEVER DISAPPOINTED OF YOUR FAILURE. When you fail, thank God for making room for your improvement. • THIS LIFE IS THE UNDOING. You're just human and you're allowed to be. It's ok to not be ok sometimes. —————————————————————— May gusto ka bang i-share sa ibang mga Clueless Youth Leaders? i-PM na 'yan! :)
from Clueless Youth Leader
Dear Newly Elected/Appointed/Volunteered Youth Leader, You do not need to compare yourself sa mga nagawa ng leaders mo at ng mga dati pang leaders. You are uniquely created by God. Meron kang ibang set of talents, giftings ang personality. As Joshua is different from Moses and Elisha is different from Elijah, you are different from the previous leader. Key is, ask God what's in it for this season? Ano yung gusto Niyang mangyari na babangga sa character, heart and giftings mo. Be fully dependent on Him not on the past.
from Clueless Youth Leader
OVERCOMER AKO!!! by: Honey Chavez Temptations are made for us to overcome. Test yan para masubok ang tibay ng Faith mo, ng kaalaman mo sa Scriptures, at ng pagkakakilala mo kay Lord. Kasi kung yang tatlo ay matibay sa buhay mo, hindi ka magpapatalo sa tukso! Mas pipiliin mong mapatunayang yung tibay mo kay Lord. Three points on how to overcome temptations: ✔Be filled with the HOLY SPIRIT ✔Study the Scriptures ✔Know your God more (Luke 4:1-13) #devotion #OVERCOMER #EXCITEDalways #daWOWfact ----------------------------------------------------------------------- May gusto ka bang ishare sa ibang Clueless Youth Leaders? P.M. na yan! :)
from Clueless Youth Leader