"kinakaya nga ng iba, ikaw pa"
Narinig kong tugon ng isa
Napangiti ako, ngunit sagot ng isip
"Hindi ako binuhay para lang ikumpara"
Siya iyon, ako ito
Iisa mang personalidad ngunit magkaibang tao
Iisa mang lugar ang kinatatayuan namin sa mundo
Di maipagkakailang magkaiba kami ng pagkatao
Magkapareho man kami ng pinagdaanan
Hindi pa rin masasabing pareho naming masosolusyunan
Magkaiba kami ng pamamaraan
Magkaiba kami ng nararamdaman
Hindi siya ako, magkaiba kami ng pag-iisip, desisyon, at pagkatao
Kung kinaya niya ang pagkatalo ko
May kahinaan din siya na pagkapanalo ko
Magkaiba kami, di nararapat na maihambing, sana'y maintindihan mo
04|10|24
7:02 pm

















