THE DECODING OF “I NEED SPACE” MONG GASGAS
10,000 B.C pa ang nakakaraan, malimit ng gamiting excuse ng mga Woolly Mammoth ang “I need space” para bigyan ng sign ang mga jowa nilang Woolly Mammoth din na “there’s something wrong.’ ( Kaya hindi nakapagtatakang naextinct din ang lahi nila.) Naadapt naman ito agad ng mga Homo Sapiens noong panahong iyon kaya ang ending, gamit-gamit pa rin natin ito magpa-hanggang ngayon. Sad ‘nu?
Ganun ka na ba talaga kataba at kelangan na niyang manghingi ng space dahil nasisikipan? Kung gusto niya ng space eh di sana nag Aeronautics na lang siya at naglakabay sa buwan. Dinaig pa ang hieroglyphics na kelangan mo pang i-decode kung ano ang mahiwagang mensaheng bumabalot.
Kung yung “I need space” ba niya is directly proportional to,
A. “Palagi ka kasing andiyan. Nakakasakal na.”
“Natural palagi akong andiyan para sa’yo kasi jowa mo ‘ko. Tapos kapag hindi naman ako mahagilap, ano naman ang sasabihin mo? “Lagi ka na lang kaseng wala.” Maling-mali.
B. “It’s not you, it’s me.”
Wala naman talagang problema sa’yo o sa relasyon niyo. Siya talaga yung may problema. Pero dahil ilang araw ka ng hindi kinakausap naapektuhan tuloy pati yung relasyon niyo. Kaya ang ending, ikaw pa yung naging problema. Napaka-ilogical.
C. “BRB. May titikman lang akong iba.”
Kasi, ang pinangako lang naman niya sa’yo, "Ikaw lang ang una’t huli kong mamahalin.” Wala naman siyang sinabing ikaw pa din pati sa kalagitnaan ng relasyon niyo. Pero babalikan ka pa rin niya para ikaw pa din ang #huli.
D. “I fell out out of love na.”
Tipong, naghananap lang siya ng lucky date sa kalendaryo kung kelan magandang makipagbreak pero mas maganda kung ikaw na lang yung kusang makikipagbreak para lumabas na ikaw yung sumuko sa inyong dalawa. So for now, okay na yung “I need space” muna para kunware nag-iisip siya.”
Minsan, “I need space” is a prelude to a “break-up” lalo na’t hindi malinaw sa’yo yung dahilan kung bakit niya hiningi ‘yon. Lakas makadry-run para lang subukan kung kaya na bang igive-up ang relasyon niyo o hindi. Well atleast, andun pa rin yung ‘pilit niya pa ring sinusubukan.’
Pero ang pinakamahirap na parte nun, ni hindi mo alam kung gaano kalawak yung sakop ng “space” na hinihigi niya. Kung gaano kalayo ang dapat niyang ilayo para marealize niya kung ikaw pa rin ba yung kelangan niya sa buhay niya o wala na talaga. Siguro kaya related ang ‘space at time’ sa Theory of Relativity ni Einstein kasi espasyo lang naman yung hinihingi pero damay pati ang oras dahil hindi mo alam kung hanggang kelan ka maghihintay. Para kang biglang naiwang mag-isa sa kawalan na naghihintay kung kelan ka niya sasagipin. Kung sasagipin ka pa ba talaga niya o hindi na?
Ang demanding din naman kasi nila eh no? Binigay mo na nga yung buong mundo mo sa kanya, “buong space” pa yung hinihingi. Kaya ang ending, ubos na ubos ka.
Pero sabi nga, “Kung talagang mahal ka, babalikan ka.” Hindi ba pwedeng “Kung talagang mahal ka, sa simula pa lang hindi ka na magagawang iwan?”