Bring me back to life
Ang artikulong “minsan may isang puta” ay nagpaantig sa aking puso. Dahil pinapakita nito na ang Pilipinas ay isang bansa na binabastos ng dayuhan miski ang mga mamamayan nito. Ang mga pilipino dapat ang bumangon sa ating nalulubog na bansa ngunit imbis na ayusin nila ay lalo pa nilang pinalalala. oo mayroong mga taong gumagalaw ngunit hindi ito tuluyang maaayos kung hindi tutulong ang bawat isa sa atin. Ang Pilipinas ay isang napakagandang bansa, puno ng yaman at binigay para sa atin. Huwag sana natin sayangin ang biyaya ng Diyos na ito. Huwag din sana nating hayaan na makielam at gamitin ng mga dayuhan ang ating bansa pero hayaan natin na hangaan nila tayo dahil sa natatangi nating ganda. :D











