Mag aalas dose na ng gabi pero hindi na talaga ako inaantok. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Parang masaya ako na hindi. Kanina pa ako nakaupo sa labas ng bahay namin at sya naman, kanina pa rin sa tabi ko. Pareho kaming hindi nagsasalita. May tinanong ako na parang hindi ko sadyang matanong.
“Akala ko ba hindi tayo nagmamadali?”
( flashback )
“Beng bilisan mo. Malapit na daw sila”,
pagmamadali ko sa pinsan ko habang palabas na ako ng bahay. 11:00 pm na. Kanina inaantok ako pero syempre, swimming din to kaya talaga namang excited ako. Buti nalang hindi halata na excited ako. Pano ba naman kasi, naturingang swimming ang pupuntahan ko, nakajogging pants na nga lang ako, suot ko pa ang t-shirt ng nanay ko. Tapos ang suot ng pinsan ko, short at sando. Oha. Haha. Di bale, may baon naman akong ‘napaka iksing’ short at ‘napaka sexy na sando. Haha. Adik lungs :D
“Tara na te Des.”
Hay salamat. Natapos din mag ayos ang napakaganda kong pinsan. Ahm. Magkamukha nga pala kami. Ehem. So napakaganda ko din?! Hahaha.
Ayan naglalakad na kami papunta sa kanto kasi susunduin naman daw kami.
“Des pinapabigay nga pala ni Onyok. Andun sya sa bahay nila.”
Wow red rose.
“Asige salamat”
Baliw talaga to si Carlo. Sa tapat pa ng kompyuteran binigay. At si Johnelle naman, anong oras na may mga paganto pa. Nakakahiya. Haha.
“Des pinapabigay nga pala ni Onyok. Andun sya sa kanila.”
Haaaanoooong triiiip toooo!! Nasa bungad na kaya kami ng court. Nakakahiya >.<
Pero syempre kinuha ko pa din. Haha.
Sige lang. Tuloy lang sa paglakad. Kunwari walang nangyari. Madilim naman eh. Haha.
Aray…
Sino ba to. Bat hindi natingin sa dinadaanan. Tsk. Tsaka April na diba? Bat parang late na yung prom neto? Naka long sleeve, naka sapatos, at naka neck tie pa!! Pormadong pormado ah! Haha.
Biglang bumukas yung mga ilaw. Ang liwanag -_- bigla kong inikot ang paningin ko.
Nasa gitna pala ako! Amp.
“Pwede ba kitang isayaw?”
Binalik ko ang paningin ko sa lalaking nakabunggo ko.
o.O
O.o
O.O
Oh my!!!!!!!!!!!!!!!!
Si Johnelle!!!!!!!!!!!
“Ayoko! Ayoko!”
With matching padyak pa yan. Haha. Nakakahiya na to. Swear. Huhu.
At … may natugtog. Ang lakas. Amp. Baka magising yung mga tao. I mean, nagigising na pala. -____-
Bat ang lakas ng tilian? San galing yun?
Pero di ko titignan. Haha. Nahihiya na talaga ako eh. Nasa gitna na pala kami. Di ko na namalayan. Haay.
“Diba marunong ka naman sumayaw? Sasayaw lang eh.”
Lah sya pa galet? Astig. Haha. Kinuha nya yung mga kamay ko tapos nilagay nya sa balikat nya. Sapilitan? Hahaha. Pero ano … ahm … Kinikilig nako. Haha XD
Tatlong rosas na pala ang hawak ko. Pati sya, may inabot kanina.
Ayan na. nasayaw na kami.
Bakit ganito? Sabay kong nararamdaman yung fast forward at slow motion. XD
Fast forward kasi ang bilis ng tibok ng puso ko. Yung feeling na parang kagagaling ko lang sa marathon. Haha.
Slow motion naman kase, parang kanina pa yung tugtog.
“#You are the only exception. You are the only exception.”
Lalala.
Parang gusto ko tuloy sabayan yung tugtog. Haha. Oh diba. Ang dami nang pumasok sa isip ko pero wala pa ata sa kalahati yung kanta. Bumalik lang ako sa ulirat nung parang sumenyas si Johnelle na ihinto yung tugtog.
Tapos ano …
Dahan dahan syang lumuhod.
Hala. Di ko na alam ang gagawin. Pagkaluhod pa nya, pumunta si Carlo sa likod nya. May hawak na banner.
“Can you be my princess?”
Enebeeeeee. Hahaha. Ang arti ko XD
Grabe! Babaeng babae na ko. Haha
Halata naman ata na kinikilig ako eh. Tumango lang ako.
Pero gusto ko pa sanang mag ‘I do’ para feel na feel talaga. Haha.
Ayun niyakap nya ko ng sobrang higpit. Pagkatapos, namatay na yung mga ilaw.
( end of flashback )
Parang panaginip lang ang lahat. Yung mga napapanuod ko sa Barbie noon, parang nagkatotoo. Kaso panira yung jogging pants at t-shirt ni mama. XD Di man lang din ako nakapaghikaw. Haha. Seryoso na nga.
Naiinis ako. Nasira yung plano ko. Ayoko muna sana icommit yung sarili ko sa kahit na sinong lalaki. Nag eenjoy ako maging free. Tsaka feeling ko, kailangan kong ibigay lahat ng oras ko ngayon sa pag aaral.
Pero may narealize ako .
Kung gaano kahirap humanap ng taong karapat dapat na mahalin, ganun din pala kahirap ang makahanap ng taong kaya tayong mahalin.
I’ve been taken for granted for so many times, in different ways, by different persons. And from that, I learned not to expect anything.
At masasabi ko na dun ako naging mas masaya.
I used to believe in fairy tales, happily ever after, Prince charming.
.
.
.
Then I suddenly stopped believing.
But here I am again, starting to be that same girl I was before.
Thanks Hon :) Masaya talaga ko. Di bale nang iadjust ang mga plano ko, kesa naman hayaan ko pa na mapagod ka kakasuyo saken.
Iloveyou <3
At yung swimming?
WALA. Hahaha. Sabwatan lang pala yun. XD
Sayang yung baon kong ‘napaka iksing’ short at ‘napaka sexy na sando. Haha.








