Goodbye black hair.
Peter Solarz
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open

Andulka
noise dept.
we're not kids anymore.
cherry valley forever

@theartofmadeline
Cosimo Galluzzi
RMH
Stranger Things
DEAR READER
he wasn't even looking at me and he found me
trying on a metaphor
Alisa U Zemlji Chuda

titsay
No title available
Show & Tell
Three Goblin Art

JBB: An Artblog!
hello vonnie

seen from Maldives
seen from United States
seen from Vietnam

seen from Netherlands

seen from United States
seen from United States
seen from Japan
seen from Netherlands

seen from Ireland

seen from United States

seen from Russia

seen from United States

seen from Netherlands

seen from United States
seen from Philippines

seen from Malaysia

seen from Singapore
seen from United States
seen from China
seen from United States
@dreicabrera
Goodbye black hair.
Kasi pag tunay ang binibigay mong pagmamahal, masusuklian yan ng mas higit na pagmamahal. Kahit kailan, hindi yan magpapantay. #2months
Mas madaling makita ang wala.
Kapag kinuha mo ang krayola mo na nakalagay sa kahon, madali mong malalaman kung kumpleto ito o kulang kasi maluwag o may space para sa nawawalang pangkulay. Kapag nasa unahan ang teacher, madali niyang malalaman kung sino ang absent sa mga estudyante niya dahil kita niya kung sino ang wala sa upuan. Kapag ngumiti yung batang mahilig kumain ng candy, mas nakikita mo kung ilan ang bungi at bulok na ngipin niya.
Kapag andyan siya, parang normal na araw lang, minsan nga binabalewala mo pa. Hindi mo siya masyadong napapansin, hindi mo nakikita ang mga ginagawa niya para sa’yo. Hindi mo nakikita yung kahalagahan niya sa buhay mo. Pero kapag wala siya sa tabi mo, saka mo lang nakikita kung ano siya sa mundo mo. Na mahirap pala kapag wala siya, na kulang pala ang sarili mo dahil siya pala ang isa sa bumubuo sa pagkatao mo.
Mayaman VS Mahirap
1. Kung mayaman ka, meron kang “allergy”. Kung mahirap ka, ikaw ay may “galis” o “bakokang”.
2. Sa mayaman, “nervous breakdown”. Sa mahirap, “sira ang ulo”.
3. Sa mayamang malikot ang kamay, ang tawag ay “kleptomaniac”. Sa mahirap, “magnanakaw” o “kawatan”.
4. Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may “migraine”. Kung mahirap ka, ikaw ay “nalipasan ng gutom”.
5. Kung mayaman ka, you are referred to as someone who’s “scoliotic”. Pero kung mahirap ka, ikaw ay “kuba”.
6. Kapag mayaman ka, ikaw ay morena. Kapag mahirap negra.
7. Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa'yo ay “liberated”. Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa'yo “malandi”, “haliparot”, o “kiriray”.
Hindi sa lahat ng oras ay applicable ang ‘Silence means yes’ dahil minsan, sadyang slow ka lang.
Minsan, saka mo lang makikita kung anong meron ka kapag nakita mo ang kakulangan ng iba.
May mga bagay na maaaring pangit sa iyong paningin ngunit hindi ito nangangahulugan na yung kapangitan nito ang titingnan mo. Sadyang hindi ginawang perpekto ang lahat ng bagay dito sa mundo para ikaw mismo ang umalam kung anong kagandahan meron ang pagiging imperpekto nito at para lubusan mong maunawaan na yung mga bagay na hinahangad mo ay sobra na sa pangangailangan mo. Makuntento. At yun, magiging masaya ka.
Cuteness overload!
Minsan okay na rin yung may hinala. Para pag nalaman mo yung totoo, hindi ka na sobrang mabibigla,
Minsan, kailangan mo rin magpanggap na manhid para kahit harap harapan ka ng nasasaktan, kunwari di mo nalang nararamdaman.
Minsan, kailangan mong pumili kung ano, sino, saan, at paano ka liligaya. Pero hindi lahat ng pinili mo ay tama. Minsan kasi, kung ano pa yung ginive-up mo, yun pa pala yung totoong magpapasaya sayo.
Ang 'X' ng Math ay iba sa "Ex" mo, okay?
- Ang x sa Math, sakit sa ulo. Ang ex mo, sakit sa puso. - X In Math refers to a missing number. While your ex refers to someone na namimiss mo pa rin. - Ang x sa Math, problema. Ang ex mo, mas problema.
- Mas gugustuhin mo pang malaman ang mathematical value ng x kesa sa value ng ex mo. - X replaces the unknown number. While your ex, irreplaceable. - Ang x sa Math, di matapos-tapos. Kayo ng ex mo, matagal ng tapos.
- Yung X sa Math, nag-eexist. Yung ex mo, not existing. - Yung X, mathematical symbol. Yung ex mo, simbolo ng kasamaan. - Yung X sa Math, variable. Yung ex mo, wala kang pakielam! - Yung x sa Math sinosolve at binabalikan dahil sayang ang score. Yung ex mo, hindi na dapat binabalikan. Madami pang letters sa alphabet.
P.S. For fun only. No bitterness, don't take it seriously.
Pangarap ko kasi maging speaker.
Hindi biro ang mag aral at gugulin ang ilang taon ng buhay mo sa elementary, high-school, at college. At mas lalong hindi biro ang ipasa ang lahat ng subjects, projects, thesis, at exams. Mahirap naman talagang pumasok sa eskwelahan, ang gumising ng maaga, ang mamroblema sa baon at assignments, at problemahin kung bagsak ang grades. Pero lahat ng yan ay nagiging madali at magaan dahil alam mong palagi silang anjan sa tabi mo. Mga kaibigan mo na kasama mo sa lahat ng bagay, sa lungkot at saya, sa puyatan, gimikan at kung anu-anong kalokohan. Hindi naman talaga pagpasok at ang mismong eskwelahan ang mamimiss mo, kundi sila na naging malaking parte ng buhay estudyante mo.
Congrats Graduates of 2014. ;)
May dalawang klase ng kaibigan, yung totoo, at yung peke. Parehas lang sila sa simula, pero patagal ng patagal, magiging magkaiba rin sila.
Kung nahihirapan kang maghintay ng tamang tao para sa'yo. Mas mahirap naman magsisi ng dahil lang sa kalandian at kamamadali mo.
Kung yung mundo nga nagbabago, tayo pa kaya na nakatungtong lang dito.
But the second mouse gets the cheese.
Hindi nangangahulugan na kung sino lagi ang maagap, siya ang palaging unang nagtatagumpay. Nasa tao pa rin yan kung paano siya didiskarte. Sa lahat ng laban, hindi mo kailangang magmadali kung gusto mong manalo. Hindi dahil sa napag iwanan ka na ng mga tao sa paligid mo ay hindi mo na kayang makisabay at hindi mo na sila kayang abutan. Kailangan mo lang magtiyaga para makuha mo ang gusto mo.
Huwag kang gumaya sa naunang daga na dahil sa kagustuhan niyang makauna sa keso, nagmadali niya itong kinuha nang hindi iniintindi ang mga patibong na nakaabang sa kanya na lalong naging dahilan para lalo siyang mahuli sa bitag. Kaya sa halip na makuha niya ang gusto niya, sa pangalawang bubwit pa napunta ang pinapangarap niyang keso.
Kaya wag kang mag alala kung hindi ka man makagraduate ngayong sem, o mahulog ka man sa napakarami mong subject, o puro kwatro ang marka mo sa class card, o kung tumigil ka man ngayon sa pag aaral. Hindi pa yan ang sukatan ng tagumpay sa ngayon, marami pang pwedeng mangyari. E ano kung mauna sila? Hindi naman yan karera. Malay mo mas magandang opurtunidad yung nag aabang sa’yo kumpara sa kanila. Si Albert Einstein nga, laging bagsak sa mga college entrance exams niya dati. Si Bill gates, nadrop out sa Harvard University. Pero kita mo naman kung gaano kalayo ang narating nila. Kaya ikaw, kaya mo rin yan.
That perfect timing.
Darating yung oras na pwede kang mauna at pwede ka ring mahuli. Maaari kang maiwan, maaari ka ring makalimutan. May kasalukuyang nagmamahal, may patuloy ding nasasaktan. May tuluyang nakakalimot at merong hanggang ngayon ay hindi makamove on. May inilaan sa’yo para mahalin ka at meron ding ibinigay para lokohin at paasahin ka. Merong darating para pahalagahan ka at meron din namang putang inang eepal para gaguhin ka.
Ganyan talaga, mararamdaman mo na lang na parang pinaglalaruan ka ng mundo. At kahit gustong gusto mong sakyan na lang ang lahat, hindi pwede dahil mahirap turuan ang nararamdaman at lalong mas mahirap diktahan kung paano mo gustong pakitunguhan ang lahat ng yan. Kahit anong pagpapahalaga ang gawin mo, sasaktan ka lang din nila. Kahit gaano ka katapang, ikaw pa rin ang lalabas na mangmang. Kahit anong gawin mong laban, parang laging kulang. Minsan, wala ka na talagang magagawa kundi tanggapin ang mga bagay bagay. Hindi mo man gusto ang daloy ng mga pangyayari sa ngayon, maghintay ka lang, may tamang oras sa mga tamang pangyayari.