Hanggang sa Muli
Lupa't langit man ang pagitan pag-ibig ko'y hindi lilisan Malabo man na ika'y masilaya't mapagmasdan Kakapit sa pag-ibig na magpakailanman
Balang-araw ang mga balat nati'y magdadampi Kasiyahan sa piling ng isa't isa'y ating sukli Magdudulot ng mga ngiting hindi maikukubli
Maghihintay sa ating muling pagkikita Matagalan at maubusan man ng mga salita Pagmamahal sayo'y hindi maglalahong parang tinta
Lupa't langit man ang pagitan pag-ibig ko'y iyong tanaw Naghihitay akong matiyaga sa aking pagpanaw Upang sa langit ang mayroon lamang ay ako at ikaw














