Okay, so sobrang nakakabadtrip kaya hindi ko mapigilang mag isip at mag analyze ng mga bagay-bagay. Tungkol na naman ito sa mga bagong patakaran ng bwisit na pamantasan na pinatunayan lang ang katangahan nila.
Gusto ko munang mag umpisa sa walang kwentang issue tungkol sa learning loss. Ang shungang issue, sobrang daming naging deanâs lister, bakit raw nangyari yon e may learning loss nga raw, so pinoint out nila na sobrang mataas magbigay ng grades ang mga teachers. Kaya bago matapos ang semester, nag pa meeting na wag raw mataas magbigay (WTF). As usual hindi ako sumunod kasi ano ba naman yung bigyan ng uno ang student kung kumpleto naman sa mga pinasa at nakita ko naman ang effort diba. Ang ending dinelay nila ang release ng grades ko kahit naka usap ko na mga deans tungkol sa aking grading process (power trip yern? lol).
Second sem na ngayon at nagpa meeting, at inulit na naman ang learning loss. Gumawa na sila ng paraan para hindi tumaas grades ng mga students. Ang naisip nilang katangahan, âbawal nang magpasa ng lateâ meaning lahat ng prelim tasks dapat tapusin 10 days raw after ng prelim exam, kapag na upload na ng teacher ang grades ng prelim, ilo lock ng dean ang grading sheet. Ganun din sa Midterm at Finals. Katangahan.
Ang isa pa sa kinukunot ng noo ko, wala naman silang definition ng âlearning lossâ sa pagkakaintindi ko sa mga foreign journals na nabasa ko, ang learning loss nagaganap kapag may discontinuity sa learning progress or growth ng bata. Dahil sa discontinuity na yun, nahihirapan ang student na maka catch up (Btw ang context dito is all grade levels sa mga educational institutions.) Nahihirapang maka catch up dahil nalimutan na nya ang mga previously learned skills na importante para maka move sa next grade level lalo paât spiral ang curriculum at nag iincrease ang difficulties every grade level. Major reason dati ng learning loss ay matagal na school break, kasi ang nangyayari, pagbalik ng bata sa school, nalimutan na ang mga pinag aralan last term. Isa pang uri ng learning loss ay yung hindi natapos ang syllabus for the term, may mga topics at learning goals na hindi na nacover, ito talaga literal rin na learning loss.
Nitong pandemic, naging matunog ang learning loss dahil sobrang daming nangyaring suspension ng classes, umikli ang school year at âmaraming lessons ang hindi na nataposâ in short, may learning loss nga. This is very crucial para sa primary and secondary level kasi foundational knowledge/ skills ang pinag aaralan nila.
Going back to bwisit na pamantasan, nasa college level kami at iba na syempre ang definition ng learning loss. Mas applicable na to sa mga may pre-requisite na subjects at mga courses na kailangan ng practical skills na hindi matuturo ng online. Of course sa ibang program tulad ng Nursing na may practicals dapat may separate policy na sila dyan. Pero overall, ang pinagtataka ko, nasan ang discontinuity sa learning progress e never nga silang nagbigay ng academic break sa mga students. Never umikli ang school year kasi maintain pa rin ang 18 weeks per term. So ano yung pinaglalaban nilang learning loss daw?
Ito ba yung personal reflection ng student na kapag tinanong mo kung may natutunan o wala, ang isasagot ay wala? Hindi ito yung learning loss! Ito ay systemic problem na naka ugat sa bulok na sistema ng edukasyon! Hindi yan maaayos hanggat hindi nababago ang sistema! Dyusme!
Going back dun sa pag lock ng grades, hindi ba mas makakatulong pa nga sa mga students na makapag catch up kapag papayagan silang magpasa ng late? Walang pressure, own pace ang learning as long as pasok sa required number of hours.
Ito pa ang isang katangahan, ang solusyon daw nila sa problema ng learning loss (dyusme sumasakit na ang ulo ko), synchronous meeting for the whole term, wala nang asynchronous. NKKLK! Ito pa! Meron pang pa pie chart para i-justify ang katangahan, nag conduct raw ng all-synchronous classes ang CBAA para sa kanilang professional courses at pinasagot ng survey mga students after. Ang exact question, âDoes the all-out-synchronous implementation to board courses helpful in minimizing your learning loss?â tapos ang options: YES or NO! Dyusme! Nkklk! Ang kinuha lang nila is personal bias ng student! Yes or no tapos ano? May nakuha bang meaningful information dun sa yes or no? Dyusko naman basic research! 58.1% ang nag-yes, majority nga pero skeptical kasi mali ang methodology, subjective pa ang tanong. Ano ba yan!
Ang irony pa dito, at higit sa lahat, public school kami! Tapos ifoforce mo mga mahihirap naming students na magbayad ng internet at dagdag kuryente buwan buwan, tapos bukod pa yung kailangan ng matinong gadget kasi nga araw araw nang synchronous ang klase? Nasan na ang inclusive education/ education for all don? Dyusme! Bulok!