“Diretsahin na kita… nasasaktan at nagtampo ako. Hindi kasi okay sa’kin na kaya mo akong hindi kausapin, tapos bigla kang magbibigay ng ilang minuto lang, then mawawala ulit. Oo, naa-appreciate ko yung oras mo, pero sana maramdaman ko rin na gusto mo talaga akong kausap, hindi yung parang napilitan lang o naka-schedule.
Alam mo, namimiss kita… kaya mas masakit kasi parang ako pa yung nag-aadjust at naghihintay ng attention mo. Ayoko namang umabot sa point na pakiramdam ko kailangan kitang habulin para lang maramdaman ko na may pake ka.
Kung may konting care ka pa sa’kin, sana mag-backread ka ng messages mo. Baka doon mo makita kung bakit ako ganito ngayon. Hindi ko hinihingi lahat ng oras mo—gusto ko lang yung totoo, consistent, at galing sa puso mo.
Gusto pa rin naman kitang kausap… pero sana hindi ako yung laging naghihintay.”









