I'm not saying that i love you now, but.. I can see myself loving you. I can picture us together.. and years after

Kiana Khansmith
sheepfilms
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Alisa U Zemlji Chuda
I'd rather be in outer space 🛸
"I'm Dorothy Gale from Kansas"

oozey mess
hello vonnie

izzy's playlists!
One Nice Bug Per Day
RMH

@theartofmadeline
almost home
Cosimo Galluzzi
AnasAbdin
Peter Solarz

if i look back, i am lost
Show & Tell

#extradirty

Kaledo Art
seen from India
seen from United States

seen from United States

seen from Singapore
seen from United States
seen from Canada

seen from Malaysia

seen from United States

seen from Guatemala

seen from United States

seen from India

seen from Canada
seen from Australia
seen from United States
seen from Malaysia
seen from United States

seen from Singapore
seen from Malaysia
seen from United States

seen from Germany
@embracing-pen
I'm not saying that i love you now, but.. I can see myself loving you. I can picture us together.. and years after
How can I possibly know you yet remain as strangers?
You asked me if I'm okay whenever I'm not. As if you can sense it through my voice. The deal was to have someone you could talk to. Have someone to ice up the loneliness. But after talking to you, my loneliness screams more wanting to be fixed.
Just by talking to you I get the side effect of caffeine
The rush makes me dizzy
The way my chest aches
I can't help but to palpitate
Exciting... yet so scary
A dose of you is enough to push me through anything, yet is it greedy to have more?
Kaya mo bang lumayo o bumalik sa dating ayos ng mundo mo nung wala pa ako?
Like coffee, I can't go on a day without a dose of you
Like coffee, strong and appealing
Who am I to resist?
Like coffee, you're sweet; addictive
And I guess I'm weak for the cup of coffee
That was served to me unexpectedly
Upon meeting you
We doubt
Wondering if we deserve this
Cautious of what's ahead
If we met each other first, would it feel more right?
Would we doubt this hard
We both fear of being left alone
Both have no idea how to deal with their absence
Questioning ourselves if we deserve this
We find ways to fill the gap
And in between solitary, we found each other
Both so broken, confused and lost
We clicked
Naaalala ko pa nung tinanong mo ko kung okay lang ba ako
Kung may problema ba at kung anong mali
At ang parati kong isinasagot ay wala
Na walang problema habang tatawa tawa
Naaalala ko ang duda sayong mga mata
Pilit pinaniniwalaan ang aking mga salita
Naaalala ko pa nung di natuloy ang ating pag gala
Ang usapang magkikita sana pero kinailangan kong ikansela
At kahit di ako nagsasabi ng dahilan,
Ngumiti ka at sinabing iyo'y naiintindihan
Naaalala ko pa ang araw na nakatayo ka sa malayo
Yung araw na nahuli mo ako
Nakamasid habang hawak ko ang kamay ng iba
Wala kang ginawa at tumalikod ka
Naaalala ko pa ilang buwan ang nakalipas
Tinawagan mo ko at muling tinanong kung anong mali,
Kung anong nangyare
At kung saan ka nagkulang
Di alam anong sasabihin, pinakinggan lang kita buong gabi
Sa iyong pag-iyak at di mapigilang hikbi
Pinipiga ang aking puso
Di alam paano umabot sa ganito
Minahal kita
Sa paraang alam ko
Kahit ang sarili ko'y di pa buo
Inintindi at inalagaan mo
Kahit minsan di ko na masuklian
Ang mga bagay na binibigay mo
Kahit sa oras nagkukulang ako
Pero ni minsan hindi ka nagreklamo
Nangako ako sayo, pero sa ibang tao ko tinupad ito
Napaka-gago
Pinipigilan ang sarili magtanong sa mga kaibigan natin kung kamusta ka na
Inisip kong para saan pa
Ngayong nasaktan na kita
Buwan at taon ang lumipas
Ngayong nakita kitang muli
Pwede bang wag kang umiwas?
humihingi ng kunting oras mo
sana bigyan ng pagkakataon na makapag usap tayo
At nang masabi ko sayo gaano ako nagbago
Aking ikkwento ang storya ng binatang mali ang akala
Sa definisyon ng saya
Dahil ang tunay na saya nya ay yung panahong kasama ka pa
Pero sinayang nya
Sinayang ka nya
Ikwekwento sayo mga bagay na naaalala ko
Na sana'y dumalaw din sa isipan mo
Dahil ni minsan hindi ko nakalimutan to
Mga bagay na ipadama
Saka lang pinahalagahan nung nawala ka na
If you dont start appreciating what's right in front of you, you might lose it.
Make your girl happy.
When she’s happy, she talks a lot. She smiles a lot.
No make up can compare to her genuine smile.
When she’s happy, she looks a hundred times better.
How you treat her is a reflection of you.
Treat her like how you want a man treat your future daughter.
so today i became like my father, a cheater.
To give
And not receive anything in return
And boy i gave u a lot
Bits of me and also all of me
My soul, thoughts and body
But what did you get me?
Nothing
Oh how bad it is to be the one who loves more
Napabayaan (12.21.19)
Ilang "i miss you" pa ba ang kailangang bitawan bago ka tuluyang masilayan?
Binibilang ang mga araw na lumilipas
Mga alaala unti unti nang kumukupas
Mga araw na naging buwan
Hindi ko na maintindihan
Kung ano nalang ang iyong pinagkaka abalahan
At kung anong nangyare
Dahil pagod na akong magkunware
Dati apektado ako
Pero ngayon hindi na determinado
Ewan ko ba kung busy ka
O busy lang pag ako ang nagyaya?
Laging may dahilan
At sa totoo lang malapit na akong mawalan
Mawalan ng gana
Ngiti ko'y hilaw na
Nakakapagod din pala
Maghintay sa wala
Nakakapagod umasa
Habang ikaw ay tulog na
Hinihintay kita
Para sa usapan natin na iyong nakalimutan
Hindi mo ba nararamdaman?
Ang tamlay ng boses ko tuwing kausap ka?
O ang ikli ng usapan dahil pinipili kong ibaba ang telepono
Dahil napipikon na ako
Kung bakit ako lang ang apektado dito?
Bakit ang himbing ng tulog mo?
Samantalang ako'y nilalamon na ng tampo
Tampo na nagiging dahilan ng pagbabago
Pagbabago ng nararamdaman sayo
Hanggang kailan pababayaan?
Hanggang kailan pilit iiwasan?
Nakakapagod umintindi
Ipapagpatuloy pa ba o hindi
Uhaw sa atensyon
Sana di mo ko masisi
Kinikimkim ko to parati
Walang salitang nakakatakas sa labi
Pero kung may makikinig man
At gumawa ng mga bagay na ginagawa mo
Tulad ng mahalin ako
Sana love, wag mo kong masisisi
Kung lilingon ako sa kanilang gawi
a fort!! lol