Lechon ni Bb gurl

❣ Chile in a Photography ❣
One Nice Bug Per Day
Lint Roller? I Barely Know Her

blake kathryn
Interview Vampire Daily
Misplaced Lens Cap

PR's Tumblrdome
hello vonnie
official daine visual archive
h
NASA
tumblr dot com
cherry valley forever

No title available
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
Sade Olutola

roma★
Sweet Seals For You, Always

if i look back, i am lost
$LAYYYTER

seen from United States
seen from Saudi Arabia

seen from Spain
seen from United States
seen from Brazil
seen from Brazil

seen from Brazil

seen from Italy
seen from Poland
seen from Singapore
seen from United States
seen from Norway
seen from United States
seen from Singapore
seen from Tunisia
seen from Malaysia

seen from South Africa

seen from United States
seen from Panama
seen from Philippines
@encore-retrieval
Lechon ni Bb gurl
May napanaginipan ako.
Sabi ko gisingin ako pagkatapos ng trenta minuto... Nahulog na ko, malalim sa pagkakatulog, hindi namalayan ang oras... Nakahiga daw ako, ng biglang may marinig akong pamilyar na boses. Sabi niya "Joma" kumaripas ako ng takbo papunta sa pahabang lagusan papunta sa kabilang kwarto. Nakita ko siya, yung mukha niya, parang normal na araw lang, walang alinlangan niyakap ko siya. Yakap na hindi ko nagawa nung buhay pa siya. Sobrang higpit. Sobrang makatotohanan. SOBRANG SAKIT. Binuhat niya ko na para bang limang taong gulang na iniikot sa ere at ang saya saya. Ang saya ko, ang saya niya, nakangiti kami pareho pero bigla kong nagising, gusto ko nalang umiyak. Napanaginipan ko siya.
Anong ginagawa ko?
5 in the morning. I'm stressed, I can't sleep. Iniisip yung extended 1year ko sa "pagaaral" hindi ako masaya sa ginagawa ko. Ano bang ginagawa ko? Itutuloy ko nalang ba to for the sake na masabi kong may diploma ako? Isipin nalang na yung stay ko is for Quadro. Well goodluck! Hindi naman ako magago ng kupal na prof na yun so okay lang. Hindi lang naman ako, yung palagi kong iniisip. Yung iba extended ng 2-3 years? possible ba yun. Atleast kinaya nila. So bakit hindi ko kaya? may mga kasama pa naman ako na maiiwan din sa coc. "Okay lang yan" yan naman palagi kong sinabi so panindigan ko na. Bahala na kung anong sabihin ng mga kamaganak kong mga kupal. Ano bang ginagawa ko? Ano bang gusto ko? Gusto kong maging ano? Bahala na. Bahala na.
Things that people need to do when I die
1. I-burol ako then cremate then ihalo sa kape ng mga bisita yung abo. Jk. Then isaboy sa taas ng building. Yung iba ilagay sa ilalim ng lupa then taniman ng mahogany. 2. Iwan yung shoe lace nung Converse Seastar then iframe. 3. Lahat ng polo ko ibigay kay Draph. :) Camera? Iiwan kay Draph. Lahat ng lens and body. LAHAT. Sa kanya na yun. Wag kayong komontra 4. If ever may magtakeover sa kwarto ko, please keep it peaceful. Ayoko na ng magulo and maingay. If possible wag galawin. Ayusin lang then lock it. 5. All of my close friends will talk sa eulogy. Sabihin kung anong gustong sabihin, the hell I care kung ibuko niyo ko sa mga kamaganak ko. Patay na ko sa panahon na yun. People need to know the real me. Mga kamaganak (pinsan, pamangkin, PILING MGA TITA LANG.) Last speakers: Majo, Draph then my Mom. 6. Iiwan ko sila Majo and Mama, goodluck sa kanila. Wag na silang magaway if possible. Bahala kayo sa buhay niyo. 7. I'll be wearing my floral SHIRT na Dropdead or yung itim na floral then short/pants lang. Usual get up. Please maging kamukha ko padin yung bangkay ko. Ayokong di ako makikilala nung mga titingin. Wag gagalawin yung ilong and kilay ko and no redred lipstick. Pampabuhay lang ng onti. Kailangan simple lang. Pero pretty. 8. Floral shit sa paligid? Gusto ko parang yung kay papa. Yung mga grass thingy na matatangkad na ang cool tignan. Gusto ko ng ganun. Wala masyadong kulay. More on white lang. And rainbow gay shit flower sa ibabaw :) And yung mga ribbons sa casket kailangan rainbow colored shit din. 9. Pakiprint to and post it sa gilid. HIHIHI. 10. Dont erase my social media accounts. Especially tong tumblr ko. 11. It's okay to cry. And sorry sa kung ano mang nagawa ko. 12. May minimal soundtrip, indie playlist buong araw of course. (Tns, The jezabels, The drums, 1901, litzsomania sige na nga 1975, tsaka ed sheeran sam smith onti) Walang magsasaksak ng phone na hindi ko kaparehas ng music taste. No rap music. Ew no ew. 13. Si Alice? pakisunog nadin. Walang makikinabang kay Alice. I'll be fucking pissed off kung gagamitin siya tas magagalusan lang tas wala akong magawa kasi patay na ko. 14. Don't fucking read any journal ko or journal namin or i dont care kung anong journal na iniwan ko basta wag basahin. Kahit anong notebook shit dun. Ibigay kay draph. 15. Pakicomfort yung mga taong kailangan na kailangan icomfort. Kausapin sila ganun. Wag ng magpagod na magserve ng pagkain sa tao, kumuha nalang sa lamesa, and panatilihin ang linis. 16. Kung gusto ni Draph kumuha ng mga gamit ko, or magbackup ng photos from pc hayaan niyo lang. Let her have the first pick sa kahit anong bagay ko. If she wants to get my shirts edi go. I've been with my family and may enough time na sila with me. Mostly shitty times. Let her have what she wants. Pero kung nagrerehearse padin, yaan niyo na. 17. Kung balak niyong magbenta ng iniwan kong gamit, pakisunog nalang. Ayokong pagkakakitaan pa yung pagkawala ko. 18. I know people will eventually forget me, okay lang. Sa lahat ng taong nasaktan ko, sorry. Kung selfish ako, sorry. 19. Don't judge us. Wag kayong magchismisan sa kahit ano please. It's disgusting. "Omg anak ni ganito nagpakamatay/namatay/napatay, balita ko tibo daw yun, baka talaga may sakit sa isip BLAH BLAH BLAH." KADIRI KAYO. 20. Wag niyo kong iritahin, mumultuhin ko kayo gago. Pero makikitawa padin ako. :D 21. Lastly, paki iwasan yung mga shit niyo about sa religion niyo. If I'm gay I don't care. Ayokong makarinig ng shit about dun. I'm not going to hell because of that. Paki isip nalang kung anong bagay yung nashare ko while I'm still alive, hindi yung say ng religion niyo. Okay? *Pakisunod lahat to. AS IN PAKISUNOD LAHAT TO. Pakibigay alam tong post na to sa mga tao when I die. The End.
I hope I won't be able to find a building where I would jump off of it.
Come on Paps, help me.
Title
Lapit na birthday ko. And hindi ko alam anong gagawin ko. Gusto ko umalis magisa. Yes. Magisa. I mean wala namang ganap nun. Babati lang yung mga tao. It's my birthday ayun na yun. No anything. May ibang bagay pa kong iniisip related sa birthday shit na yan pero nvm. I'll buy myself a gift. Maybe sumaya ko kahit isang buong araw sa mabibili ko sa sarili ko. Gusto ko ng outline na tattoo nung kotse ni Papa dati. Okay na birthday gift siguro yun. Then may red line lang sa gilid ng kotse yung tipong kamukha talaga nung kotse dati. Iniisip ko palang medyo natutuwa na ko. Then get a bookmark tattoo. Then dates ng mga shitty or most memorable dates sa shitty life ko. Wow. Tattoos. Nakakatakot minsan, feeling ko di ako masaya. Di masaya sa kahit ano. Ewan ko. Pag may ibang tao okay naman. Pero pagnagisip nanaman ako ang weird lang. I feel suicidal sometimes (lately)
Tang INA.
Kung ayaw mong i-iwan ka ng anak mo pagtanda mo, maging mabuti kang ina. Swerte ka't wala pang buntis sa mga anak mo, walang lulong sa bisyo, alak o sugal. Tatlo nalang kayo. Gugustuhin mo bang magisa pagmatanda ka na? Yung dalawang mong anak nasa ibang bansa habang ikaw magisa sa malaking bahay na pinatayo ng asawa mo bago siya mamatay? Hindi mo sila karibal, karamay mo sila. Wag mong sisihin yung mga bata kung dadating sa panahon na wala na silang pakealam sayo. Tang ina.
Garden feels. Walang Kainan sa Hardin kung wala siya. I wont be here without him. Palagi kong sinasabi na magpagaling siya so he can see me graduate. Then narealize ko na makikita padin naman niya ko grumaduate, hindi nga lang niya ko makakasama sa picture. :3 He raised me well with manners. He gave me what I want but did not spoil me. Kaya siguro hindi na ko nagboyfriend kasi siya na yun. What I regret the most is that hindi ko nasabi sa kanya gano ko siya kamahal, kahit nakikita ko na siyang nirerevive sa harap ko, or nung mga moment na kahit wala siya sa sarili niya naririnig niya ko. Di ko naamin yung mga bagay na dapat naamin ko kahit alam kong alam naman niya na. I know he's watching me and he's listening whenever nagsasalita ko magisa para kausapin siya. Hindi siya yung perfect dad. May mga bisyo siya. But I know that he loves us so much. Actually I'm happy to see him slip away. FOr the last few months, yung moment na kinuha siya, 10:50 am, yun yung moment na nakita ko siyang walang agony yung mukha. Sorry if nasigawan kita sa mga moments na naghihirap ka. Ayaw mo kasing inumin gamot mo and kumain. But it's okay. Kinuha ka niya peacefully as you wish. I know masaya ka na. Go forth paps, papi, papa. He did not die, he just traveled somewhere.
Eto nalang ba talaga yun?
It's shitty. Feeling na halos lahat ng kasama ko sa Roces sa photojourn eh angat na. Eh mas magaling pa ko sa kanila dati, or siguro mas maswerte lang talaga ko. Kasi kung mas magaling talaga ko nasa kung saan na ko ngayon. Pero kasi alam mo yun. Ang sakit lang. Feeling ng mga tao ang galing ko daw kumuha ng picture blah blah. Pero hindi talaga eh. Di umeepekto yung puri nila eh. Parang ang plastic ng lahat. Parang hindi talaga. Mali ba talaga ko ng napuntahan? Nasamahan? Nakilala? Hindi ako nagiimprove. Oo alam ko yung basics pero hanggang dun nalang ba? Apperture? Shutter speed? ISO? White balance? Ganun nalang ba talaga yun? Yan na nalang ba malalaman ko? Di ako magaling, di na ko gagaling. I'll quit soon. Ibebenta ko yung camera ko tas bibili nalang ako ng aso. Inggit, frustration, lahat na. Di makapagpractice kasi wala kong kasabay. Hindi makapagpicture kasi walang model. Fuck this shit. Tatlong lens at 2 body din yun. Tang ina lang. ./.
PusanggalaChronicles Eto na sana yung magiging last photo ko kay Snowhite/Elsa kung talagang di na siya bumalik kaninang umaga, July 20. After nung bagyo yan. Siya tester nung bagong lens ko. Gandang model. So ganito nagsimula yung araw namin... araw nung nawala tong Pusanggala.... Sabado, July 19. Ayoko talaga ng saturday classes. May tiangge sa parking lot ng restaurant namin, and bukas yung resto ng breakfast then pag tapos ng tiangge ng mga 12, magsasara nadin kami. Dahil nung nagising ako nung 6am ng umaga nung sabado na yun. Di na ko makatulog. Ginising ko na si Snowwhite (tabi kami natutulog) at nilabas para dun niya na gawin mga ritwales niya. Bumangon nadin ako dahil kahit anong pilit ko hindi na ko makatulog. Nahilamos tas lumabas na sa resto para magalmusal. Andun na si Snowwhite pusanggala. Friends kasi sila nung mga trabahador namin dun. Kilala din siya samin na pusa ko yun. So ayun. Nagalmusal na ko. Then after sinubukan uling matulog. Naiwan na si snowwhite sa resto. Nung papasok na ko, di ko na siya napansin kung asan siya. Pero ok lang. Normal lang namin sakin na di na makita yun sa pagmamadali ko. Paguwi ko ng galing school. Biglang sinabi sakin nila papa na... Papa: "Anak di ko pa nakikita yung pusa simula tanghali" Ate: "Kanina pa wala yun" Edi nagalala na ko. Edi hinanap ko. Sa laki ng lugar namin at dilim sinigaw ko yung "Ming mingggg!!! Ming ming!!! Pssswww psssswww!!!" Pero walang sumagot. HUHUHU. Bumalik ako sa bahay, sabi ng tatay ko "Baka nakulong sa resto" Pumunta ko ng resto tas pumasok sa kitchen. Wala din. Bumaba ko sa bunk house (Lugar nung mga hardinero) tas kumatok dun sa kapitbahay kong may 15 na pusa. Tinanong ko kung nakita niya ba yung alaga ko, kasi di ko makita. Sinabi niya sakin yung kinakatakutan ko... "Baka pinulot... May tiangge pa naman kanina." Mangiyak ngiyak na ko. Tas bumalik na ko sa bahay. Wala na eh. Baka di ko na makita eh. Sabi ko "Sana mabaog yung pumulot dun o di kaya magkakanser." ang sama ko. Pero kasi dapat di sila namumulot ng pusa. Eh may necklase yun duhhhh. So ayun sabi ko nalang nung katext ko si D: "Gusto ko ng matulog. Baka bukas paggising ko, andito na siya..." then nakatulog na ko. Naiiyak padin ako... Pagdating ng umaga... Kuya Kintin: "Joma... Joma...." Joma: (bagong gising) "Oh?" K: Yung pusa mo oh. J: *dali daling lumabas* K: *Hawak yung pusanggala* "Nakarating ng BULACAN yan" Putang ina. BULACAN???? PUSANGGALA!!!! Ayun pala. Ewan ko pano siya nakapasok sa sasakyan nung breeder nang mga panabong na manok. Ayun nadala siya sa bulacan. Buti sinoli pa. PUSANGGALA!!!!
...
Gawd. Parang ang tagal kong di nagtumblr. Shitty mood I have today simula nung di ako nakapagresearch nung tuesday. Still pissed dahil dun. And nasisira nun yung mood ko. So ayun. Daming ganap. Simula nung nalaman na may sakit si papa. Parang ang tamlay. Minsan pag nasa school gusto ko na umuwi kagad. Kahit paguwi ko. Wala naman akong gagawin sa bahay. Pero atleast panatag ka. Kung may uutos si Papa magagawa ko. Ok pa naman siya. Although sabi "20%" nalang ng kidney niya yung gumagana ng maayos. Napaisip ako na willing talaga ko idonate yung isang kidney ko if possible. Kaso di na kaya for operation kasi mahina narin puso niya. Saklap. It's a shitty feeling. Na makita silang tumanda. Selfish na pero mas gugustuhin ko pang mauna. Para di ko na sila makitang maghirap. Nireready na nga nila ko eh. The only reason na blinog ko to eh sa kadahilanan na nagiging iba kong tao pag sinosolo ko. Bwisit ako sa mundo. Nadadamay ko pa sa badmood yung girlfriend ko. MInsan nga nawawala yung paniniwala kong may Diyos eh. Alam mo yun. Sa galit. Shitty Shitty life. Kung kelan ok tsaka naman hindi. Ayoko na ng extra stress sa buhay. Bat di nalang maging masaya. Kung ano man mangyari. Bathala na.
After all the shits we've been through. Ang masasabi ko lang. Masaya ko. Dumating ako sa punto na hindi ko alam kung masaya pa ba ko, sa relasyon namin, sa sarili ko, sa mga bagay na nangyayari. Pero ganun pala yun. Na hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Maswerte nalang ako kasi kaming dalawa yung sumubok ayusin yung relasyon namin. At ngayon nararamdaman ko na umaayos na uli. Ganyan pala talaga silbi ng mga problema. Kung mahina ka/kayo, eventually magiging talunan ka. Pagsubok nga eh, susubukin eh. Eh pano kung hindi ka pa nasubok ng sobra, tas sumuko ka na. Naisip ko na lahat ng pagiisip ko about sa future na negative nawawala every time naiisip ko na masaya ko ngayon. Pero hindi ko alam kung masaya din ba siya, itatanong ko mamaya :) Yung mga tanong ko dati kung masaya pa ba ko o kung magwoworkout pa ba to, bumabalik na sa dati. Sinubok lang talaga siguro ko ng pagsubok para magtignan yung kaya ko. Tinanong ko sa sarili ko ano ba yung mga dahilan ng pagaaway namin, and ayun mostly mabababang dahilan na as usual pinalaki ko lang. Maswerte talaga ko kasi anjan padin siya. Every time she plants kisses on my face, or pag kinikiss niya yung kamay ko, or pag may binubulong siya sakin, yung pag ngiti habang kinikiss siya, holding hands, yung pagakbay niya sakin, at yung mga simpleng "Hug baby" kahit nasa bus. Yang mga bagay na yan. Alam ko mahal niya ko, and mahal ko siya kasi di naman ako iiyak habang nagtatype kung wala lang to. Yang mga yan at marami pang iba yung dahilan bakit kahit makailang away kami naiinlove padin ako sa kanya. Sobra.
Mashed potato brain.
What? Ang gulo. May post ako sa phone. Wait nasa phone yung dapat ipopost ko, pero di ko na mapost kasi iba na mood ko. Ano ba naman yan. Nagooverthink nanaman ako. CONGRATS JAI! YOU'RE BACK SA PAGOOVERTHINK! Ice yan. Ice yan. -__-" Pero ipopost ko padin anyway. Laters :)
○
May point naman sa buhay ng tao na halos lahat ng bagay kekwestunin mo eh. Or i ooverthink mo. Siguro lang, sa iba sumusobra, kasi hindi na ko nagooverthink lately pero eto nanaman ako, nakakafuck up talaga ng andar pag nagiisip. I mean, ako naman talaga yung tao na normal nalang na kung ano ano yung iniisip, random na bagay, mga nababasa sa tabi tabi, itsura ng ibang tao, kilos nila. 4 na bagay lang naman yung sobrang nakakaapekto sa andar ng pagiisip ko. Pamilya Pagibig Kaibigan at Sarili ko. Una sa pamilya, nagsisimula nanaman akong kwestunin kung ano ba tong trip na binibigay samin, ok naman tatay ko eh, biglang nagkasakit. Ayoko talaga nakikitang nahihirapan siya, to the point na kung ano ano ng naiisip ko. Isa din kasing pasaway yun eh, nagpapaalam na, eh buhay pa naman siya, pero di ko padin matatanggal sa isip ko yun. Everytime nakikita ko siya nahihirapan, or naririnig na umuubo habang ako nakahiga, hindi makatulog. Tas maaalala mo pa gano ko kawalanghiyang anak, na palagi nilang sinasabihan ng walang silbi, alam ko naman talagang wala kong silbi dito sa bahay. Ok lang naman. Alam ko naman bat nila nasasabi yun. Nagiging bastos nga talaga siguro ko minsan, kasi hindi ko nadin maramdaman na anak nila ko, maliban sa tatay ko. Ewan ko nalang sa nanay ko na ginigising ako sa mga salitang "BUMANGON KA NA, WALA KANG SILBI." Tas pag si manang gigising sakin "Joma, bangon ka na, may pasok ka pa. May agahan ka na sa lamesa." Mas malambing pa si manang. Kaya di ko din masisi sarili ko kung bakit ang gaspang ng ugali ko sa nanay at kapatid ko. Blah blah. Pangalawa, pagibig, masaya naman ako, minsan, palagi. May punto nalang siguro na tatanungin mo yung sarili mo kung masaya ka pa. Oo naman sagot ko palagi pero natatanong ko padin, ewan ko bakit. Ayoko lang naman yung moodswitch kasi nakakapagisip ako ng mga kung ano anong bagay. Mahal ko siya, oo, sobra, pero minsan gusto ko palagi kaming masaya, tas biglang ayun. Moodswitch, tas kung ano ano nanaman maiisip ko. Kung tama pa ba ginagawa ko, may nagawa ba ko, masaya pa ba siya? At kung ano ano pa. Di din naman maiiwasan magtanong ng magtanong or maparanoid sa ganitong relasyon. Pangatlo, sa mga kaibigan, madalang naman to na problemahin ko, kasi kahit anong gawin ko, kung masaktan man ako, alam ko kanino ko tatakbo, siguro kahit walang contact at minsan nalang magkita, ok padin kami, alam ko kung sino totoo, mga bilang lang sa mga daliri ko, paa't kamay. Pero kahit na onti alam ko sinong totoo. :) Kahit mukhang B.I. yung iba, or gago, or kung ano pa, kilala ko yung totoo. Ewan ko. May mga ilang taong pumapasok sa isip ko. Pero iilan lang sila. Makakasigurado ba ko na kapag nagkatrabaho na kami at naging busy lalo, andyan padin sila? Pangapat, sarili ko. Eto lang naman talaga may kasalanan sa lahat ng pagiisip at kabadtripan na naranasan, nararanasan at mararanasan. Yung isip ko kasi parang may sariling utak na tipong nagiisip siya kusa tas hindi ko mapigilan. Minsan nga mas gugustuhin ko nalang, tumakbo ng tumakbo. Or wag tumambay sa bahay. Wala na nga kong pake kung di sila naniniwala sa pupuntahan ko. Bahala sila basta ayoko sa bahay. Kung may choice lang ako, aalis ako dito sa bahay, tas isasama ko yung pusa ko, kasi kami naman dalawa yung palaging pinapagalitan sa bahay. HAHAHA. Naiisip ko din minsan na umamin na, para di ko na sila kailangan tawanan pag sinasabi nila or tinatanong kung "Tibo" ba ko or kung may "Boyfriend" or may "Nanliligaw" ba sakin or ako ba yung nanliligawa tas isasagot ko "HAHA wala po eh" Gusto ko silang murahin at sabihin "Tang ina, may girlfriend ako, and masaya ko. Pwede bang tanggapin niyo nalang ako. At maging masaya kayo kasi masaya naman ako." Pero syempre di ko masabi at di ako makaamin. Kasi baka mamaya umamin ako tas bigla kaming maghiwalay? Oo pumapasok sa isip ko yan na baka nga magbreak kami, siya nadin naman nagsabi eh. Ayoko isipin, di ko iniisip pero sinabi niya eh. So pumapasok sa isip niya, at pumasok nadin sa isip ko. So ayun na nga. Nagtake risk na ko dati, pero bakit eto, yung pagamin ko, hindi ko magawa. Hindi ko kaya magtakerisk. Ewan. Di ko na nga alam minsan kung ako pa ba to eh. Buti may tumblr akong napagkekwentuhan ng walang kwentang mga laman ng isip ko. Ang mahal kasi nung journal na gusto ko sa nbs, 1299. -__- So ayun. Nvm.
Ano kayang naiisip niya?
Dumating na ba sa punto na gusto mo ng maging mind reader para lang alam mo kung ano yung totoong magpapasaya sa kanya? Nararamdam ko kasi na masaya siya, pero hindi niya padin nakukuha yung totoong saya na deserve niya dahil sakin. Nahoholdback ko nga ba talaga siya? Na dapat kesa wala na siyang isipin after niya sumayaw o magrehearse, may iintindihin pa siya? Totoong saya pa kaya talaga to? Masaya naman ako pero parang may mali. Simula nung Dec17 parang may mali. Parang may kulang, parang may nawala. Hindi ko alam kung ano. Hindi ko mahanap. Parang nung sinabi niya na mahal niya ko pero hindi na healthy to samin. Minsan naiisip ko, na siguro nga tama siya. Mahirap nga talaga siguro magmahal ng mas bata. Kasi madalas immature. At eto ko, mas bata sa kanya. Nananahimik naman siya eh. Bat ginulo ko pa. Gusto ko lang naman na sumaya siya eh. Yun lang naman gusto ko eh.
Si Draphnuy.
Si Draphny. Ewan ko pano sisimulan tong post na to. Isang gabi natutulog na ko, then naalimpungatan ako, and hindi na 'ko makatulog. Naisip ko lang siya biglang, tas parang gigil na gigil ako magpost ng photo niya sa instagram. Weird. Siya yung pinaka magandang babae para sakin. Tsaka siya lang yung nagparamdam sakin na ganito. Na, importante talaga ko, na mahal niya talaga ko. Iba talaga yung tama ko sa kanya. Mahal na mahal ko siya kahit maka-ilang away na kami, and muntikan magbreak 2 weeks ago. Pero eto padin kami. Masarap sa pakiramdam pag kasama ko siya. Pag katabi ko siya, especially pag bumabyahe
or katabi siya matulog. Sobrang sarap niya katabi matulog. :3 And nalaman ko na ayaw niyang matutulog ako na nakatalikod sa kanya. Hihihi. Gusto face to face. :) Ewan ko. Basta mahal na mahal ko talaga siya. :) SOBRA.
Love love baby :*