Tumblr has been my diary for more than seven years already. Hindi ko alam kung may nagbabasa ba ng mga pinopost ko pero it doesn’t matter naman. May nagbabasa man o wala, yung mismong thought lang na nailalabas ko ang mga nararamdaman ko is comforting enough na. Marami sa mga kaibigan ko na dating active dito ay mga inactive na. Siguro nakahanap na sila ng taong handang makinig sa lahat ng mga kwento nila. Siguro wala na yung mga thoughts na dating bumabagabag sa kanila. Siguro okay na sila. Hangga’t di ko pa nahahanap ang taong yon, hangga’t marami pa ring bumabagabag sa akin, hangga’t di pa ako okay, sayo na lang muna ako magkkwento. Ang hirap din pala maging sigurado??? Kaya ako laging nasasaktan kasi lagi akong sigurado. Dati sabi ko sigurado akong sa UP ako mag-aaral, whatever it takes. Pumasa man sa upcat, magrecon man o magtransfer man mula sa ibang school pero saan ako ngayon nag-aaral? Sigurado ako sa pagdodoctor kahit na di naman kami mayaman pero pre-med pa lang hirap na sa gastusin. Sigurado ako sa pagpili ko sa mga tao pero hindi naman nila ako pinipili. Wala naman sigurong masama sa pagiging sigurado pero napansin ko lang na kadalasang dahilan ng mga pain na nararanasan ko ay ang pagiging sigurado ko. I don’t want to do things halfheartedly and I also don’t want to love or be loved in half measures. Kahit na alam kong possible ulit akong masaktan sa mindset kong ito, I want it all.