finally, an assurance

Jar Jar Binks Fan Club
todays bird
★

bliss lane
Show & Tell
Misplaced Lens Cap

❣ Chile in a Photography ❣

roma★
Cookie Run:Kingdom Official!
Noah Kahan
tumblr dot com

gracie abrams
🩵 avery cochrane 🩵
𓃗

pixel skylines

Game Changer & Make Some Noise
Not today Justin

Origami Around

tannertan36
Sweet Seals For You, Always

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Cambodia
seen from Türkiye

seen from Türkiye
seen from United States

seen from Argentina
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Canada
seen from Bangladesh
seen from United States

seen from Indonesia

seen from Italy
seen from United States
seen from Germany
@eridanai
finally, an assurance
If you want to tame the flesh, you fast.
If you want to tame the greed, you give.
If you want to tame something then do the opposite of it.
"I was looking for the answers in somebody else but I had all the answers. I just needed to stop being so scared." — Robin, Stranger Things S5
What is it about your presence that brings out my inner Neanderthal?
sharks sink when they need rest
sepanx is real at ito ay hindi na bago sa akin.
Bata pa lamang ako ay tila kaibigan na kami. Dahil madalas kaming umuwi ng Pampanga—para magbakasyon lalo na sa mga espesyal na pagkakataon, papunta at pauwi ay ramdam ko ito.
Bakit kaya ano? Anong mayroon sa akin at sa nararamdaman ko na nagpapalungkot kapag may aalis—ako man, ibang tao, aalis sa isang lugar, at kung anu-ano pa?
Ang hirap ma-attach sa isang bagay o tao dahil some point of your life, ikalulungkot po ito. The anxiety in separation (in any way or form) is real and could succumb you to the fullest.
Bakit kaya ano? Anong mayroon sa ating damdamin at ang dali-dali nating tumanggap at yumakap ng mga bagay na alam naman nating magpapalunglot sa atin?
Hindi ko rin alam. Dahil hanggang ngayon, ang paglisan at ang aspektong nagbibigay sakit nito ay parati pa ring bago sa akin.
There's really something in me that I've always wanted to see and find memoirs, either I was there or it's about other people. I can't explain this feeling (maybe I'll find a right word for this) but I'm pretty sure it's a mix of melancholy, relief and regret to reminisce what happened and was done in the past.
Oct 15 | 23:02
Ramdam ko pa rin JIL anniv fever. At sa mga puntong ito, I'm still scrolling all around social media about the celebration—from every post ng mga volunteers and ministers. Nakaka-bless makabasa ng mga posts about how God moved in their lives as they minister.
Gusto ko rin ng ganoon. Gusto ko ring magkaroon ng unforgettable testimony as a minister. Don't get me wrong but I had this desire since JIL37 mula nu'ng makita kong nagpa-practice sila ng prod before the anniv starts, may urge sa akin na gusto ko rin ng ganoon. Surprisingly, after that year when I told God, we were privileged to join and minister as one of 1k dancers sa JIL38.
And that urge, I know in my heart, that is the same urge I desired before. Kaya Niyang gawin ulit 'yun. I"ll update this post kapag niloob Niya na. #IgniteRevival
Huwag mo nang pagpalubagin pa ang loob ko. Sa kadahilanang hindi ito ang totoo—alam ko. At hangga't may pagkakataon pa'ng sa aki'y ikaw ay mahalaga.
Sa bawat panaka-nakang inuulit na hindi tayo magkaintindihan at mga panahong nakalulunod ang halos lahat ng sitwasyon, hindi ko makapa ang aking halaga.
Patunay lamang na hindi kakailanganing pagaanin pa ang simoy ng hangin. Sapagkat, kilala kitang lubusan at mukhang ito na ang nagbabadyang hutdyat ng aking pagpikit at muling pakiramdaman na ako rin na man ay mahalaga.
yow, it's me
oo, ako ulit matapos ang halos isang taong lumipas nang ako'y magtapon ng mga toxic thoughte ko dito sa marami kong solitude at coping mechanism.
at oo, nagbabalik ako kahit na ang totoo ay kinain talaga ako ng reyalidad at mga priorities ko sa buhay; pero pinilit ko namang bumalik ngunit lugi kasi talaga ako kapag dating sa time management.
talagang napapaisip nga ako kung pa'no ko nagagawa dati nu'ng HS na pagsabay-sabayin ang kung anu-ano pero totoo 'yung saya ko; 'di tulad ngayon wala pang 1 oras nang pag-upo ko sa drawing table ay inaayawan ko na.
bakit ba kasi ako napunta sa sitwasyong ito?
simple lang, kasi wala akong choice. at rin akong ganoon ka-grabeng confidence to take risk. play-safe kasi akong tao—kung ano 'yung nandiyan, aarte pa ba ako?
pero seriously, gusto ko lang ng kahit 2 buwan na pahinga at kapayapaan; baka last ko na 'to sa pagiging mediocre ko since 5th yr na ako this next A.Y.—thesis year tapos sunod apprenticeship pa. sinong hindi susulitin 'yung bakasyon kung may paparating na mas malalaki pang responsibilidad.
gusto ko lang sigurong maging handa mga posibleng mangyari. lahat naman tayo gusto ng maayos na buhay lalo na kapag sawa ka na sa kung ano ka ngayon. ito 'yung reyalidad.
ayun na lang muna. actually, I still have 1 week to comply and take all my final exams so onti na lang naman 'yun so gg na
tara, sumabay tayo sa buhos ng ulan. kung saan bitbit natin lahat. patuloy nating bigatan ang bawat pakiramdam habang sumusuong at hindi naghahanap ng masisilungan.
nang baka sakaling panandaliang mahimasmasan magmanhid at makalimutan ang konseptong nagbabalik sa atin sa pait ng mundo.
lagnatin man ay paniguradong hindi pagsisisihang sinamahan tayo ng bawat patak sa mga panahong hindi natin panahon.
Baka siguro traydor ang mga alaala—nang-iiwan, nag-iiwan ng mga bakas kung saan nagmula at natapos ang lahat. Sa mga lugar at panahong nagkaroon ng malalim na saysay. At kahit saan man lumingon ay mapapansin ang mga inukit na pinagsaluhang sandali.
Kahit anong gawin ay hindi naman din maiiwasan bumalik at maglakad sa daang nagsilbing tulay upang makaabot tayo sa kung ano tayo ngayon. Halo-halong emosyon—ni hindi maipipinta o maisusulat kung ano ang tunay na pakiramdan.
Paano naging traydor ang mga alaala? Baka rin siguro hindi. Baka siguro ang traydor ay kung saan nananahan ang mga ito. Sa damdaming hindi alam kung ano ang tama, mali, totoo at huwad. Sa inaakalang hanggang doon na lang o baka mayroon pang puwang. Ang nagbibigay ng takot, pangamba at pwede ring nagbabaka-sakaling madagdagan pa ang mga alaala. Traydor ang damdaming walang kasiguraduhan.
Let it bury you away
In all your blame, in all your pain
I will carry you always
ctto.
Bigyan mo naman ng kapayapaan 'yang sarili mo. Sa mga ingay na nakadantay sa iyong tainga. Sa mga sumisigaw na halimaw sa iyong isip. At sa mga pagkakataong hindi ka nito pinapatulog sa gabi.
Maawa ka naman sa sarili mo. Napapagod rin 'yan. Sa lahat ng mga sugat na hindi maghilom-hilom dahil pilit mong pinapagaling.
Ipahinga mo ang iyong sarili sa mundong sinubsob ka. Hindi mo kailangang parating lumuhod at magmakaawa dahil ikaw rin ang magtatayo sa iyong pinagsadlakan.
Mayroon pang puwang upang ika'y makalaya. Humakbang ka dahil ang mumunti mong mga paa ang magdadala sa'yo sa inaasam mong kaginhawahan.
Piliin, parating subukang piliin ang sarili.
An Open Letter To My Younger Self
Kumusta? Kilala mo pa ba ako? Tayo?
Naaalala mo pa ba kung sino tayo?
Alam kong masaya ka. Alam ko kung gaano ka kasiyahin sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan mo. Bilib nga ako sa'yo dahil kinaya mo. Sa kabila ng kamusmusan ay napasan mo 'yung daigdig ng ikaw lang. Turuan mo naman ako. Turuan mo naman ulit tayo.