Aguinaldo ng mga Mago
Ang Maikling Kwentong Ito ay isinulat ni O. Henry mula sa Estados Unidos at sinalin sa Filipino ni Rufino Alejandro.
Tungkol ito sa mag-asawang nakatira sa abang tahanan, na buong talinong nagsakripisyo para sa isa't isa, kahit mawala ang mahalagang ari-ariang ipinagmamalaki ng kanilang tahanan.
Ipinakita dito ang kahulugan ng pagbibigayan sa Pasko, pagbibigay kasiyahan sa mga taong mahal mo at halaga ng kasiyahang maibibigay mo sa tao.
Natutunan ko na ang diwa ng Pasko ay pagmamahalan at pagbibigayan. hindi nasusukat sa regalong naibibigay ang kasiyahan ng tao. Sapat na na lagi kayong nariyan sa bawat isa.










