share#1
sa aming devotion nung nakaraan kasama ko ang mga kaYouth ko sa church namin at ang aming tagapagturo na si Bro.jong kasama si Pastora Radena. natuwa lang ako doon sa ilang mga pinag usapan namin, natuwa din ako sa mga WOW (WordsOfWisdom)ni pastora na tumatak talaga sa isip ko .
sabi niya "pangalagaan niyo o bigyan niyo ng importansya yung mga taong laging andiyan sayo , yung mga taong KAYANG tiisin yung kahit na maliit mong PANGIT na ugali , yung taong ang habaaa ng pasensya sayo , at lalo na yung taong nagcacare talaga sayo, Magpasalamat ka kay God , kasi malaking blessing na ito para sa iyo. Ganunpaman , wag kang maging kampante dahil mabait sila sayo, wag mong hayaan na magsawa siya/sila sayo , kasi baka paggising mo isang araw , hindi mo namamalayan .. unti-unti nang nababawasan yung mga taong nagmamahal sayo at laging andiyan sayo ... "
nakakatuwang isipin na may mga taong andiyan lagi sa atin , pero hindi natin nabibigyan ng pansin , hindi natin nabibigyan ng importansya katulad ng pagbibigay nila ng importansya sa aten , ang mundo talaga ay UNFAIR . hehhe , ang dami kong narealize or ang dming mga bagay na pumasok sa isip ko nung araw na ito :">



















