Katapusan ng Linggo
Ang Estancia Hotel ay matatagpuan sa pinakasikat na lugar - sa Tagaytay. Ito ay isang oras at kalahati na byahe mula sa Maynila.Â
Ito ay isa sa pinakamagandang hotel sa Tagaytay dahil ang disenyo ay maihahantulad sa Santorini sa may Greece. Ang ginamit nilang kulay sa hotel ay kadalasang asul at puti. Puwede kang sumakay sakanilang shuttle at maiikot mo ang buong Estancia.
May ibang parte na gumamit sila ng kulay kahel na isa din sa mga kulay ng Greece. Mararamdaman mo ang pagiging klasiko ng lugar at mararamdaman mong ikaw ay nasa ibang bansa.
Kasama ko ang aking kapatid, pinsan at tiyahin noong kami ay nagpunta dito. Kadalasan ito ang aming ginagawa kapag katapusan ng linggo.Â
Ito ang tanawin kapag binuksan ang bintana sa aming kwarto. Makakalimutan mo ang lahat ng iyong problema kapag ito ang iyong makikita. Para kang nakapagpahinga nang isang buong araw.
Pagkatapos namin mag tsek-in sa Estancia kami ay nagpuntang Cafe Voila para maghapunan. Ito ay sampung minutong byahe mula sa Estancia. Ang lokasyon nito ay sa may Crosswinds, Tagaytay.Â
Mayroon silang iba’t-ibang pagkain na inihanda.Â
Sa unang litrato ay Adobo. Sa pangalawa naman ay binibigay nila bilang appetizer, ito ay tinapay. Sa pangatlo ay Margarita Pizza. At sa huling litrato ay spare ribs.Â
Ito ang aking pamilya, sila ang aking kasama kapag katapusan ng linggo. Madalas kaming umaalis at nag a-out of town.Â
Minsan hindi ako nakakasama sa mga alis ng aking pamilya dahil sa mga kaganapan tuwing Sabado at Linggo. Minsan ako ay uma-attend ng blogger’s event. Minsan mayroon akong raket sa iba’t-ibang lugar. Minsan naman nasa bahay lang ako at gumagawa ng mga kailangan para sa akademiko. Minsan naman ako ay nasa isang pagpupulong kasama ng student council ng ating kolehiyo.Â
Marami man akong kaganapan sa buhay, lagi kong sinisiguradong hindi ko dapat napapabayaan ang aking pag-aaral dahil paniguradong magagalit ang aking mga magulang dahil sila din ay mga propesor.
Ayan ako, tuwing katapusan ng linggo.Â















