Thursday after Ash Wednesday 2026
Magandang gabi po sa inyong lahat! Pakibati naman po ang inyong mga katabi ng GOOD EVENING!
Ang pangit ang lasa, madalas masustansya; at ang masasarap, madalas, nakasasama.
Mga kapatid, admittedly po, itong Season of Lent or Panahon ng Kwaresma ang pinakamahirap na panahon sa ating Simbahan. Bakit?
Dahil maraming ipinagbabawal!
Halimbawana na lang po: every Friday of Lent, alam niyo po na kailangang mag-abstain or umiwas sa tatlong M: Manok, Mamoy, at Maka. Kaialangan ay gulay lang o ‘di kaya ay isda.
Ngayong Kwaresma rin po, bawal rin o pinapaiwas rin tayo sa sobrang pagkain – fasting. Sana daw may mga araw na one full meal lang tayo kakain.
Ang hirap-hirap at ang higpit-higpit ng Simbahan sa mga araw na ito. Napatanong po ako kung bakit?
Well, for one, pwede po nating kuhanin ang sagot mula sa Ebanghelyo or Gospel natin sa araw na ito: inamin naman talaga ni Hesus na may kahirapan ang pagsunod sa kanya.
Ano po ang sabi Niya: “If anyone wishes to come after me, he must deny himself and take up his cross daily and follow me.”
Emphasize po nating yung mga salitang “deny himself” at “take up his cross daily.”
Deny himself – talikuran ang sarili, iwasan ang mga sariling layaw o kagustuhan.
Take up his cross daily – mabigat ang krus at parang sinasabi ni Hesus, ang pagsunod sa kanya ay araw-araw na krus, ang pagsunod sa kanya ay araw-araw na mabigat.
Kaya nga po pwede nating itanong, bakit ba mahirap sumunod kay Hesus – ang daming bawal, iwas, at bigat? Bakit hindi na lang laging MASARAP at MAGINGAWA?
Tanong ko po kayo: ano po ang favorite food or comfort food po Ninyo ngayon?
May isa pong Kabataan tayo, samgyeoupsal kahit mag-isa lang siya; may isa po tayong Kabataan, bili ng bili ng iced coffee kapag stressed siya; may isa po tayong Kabataan, paborito yung bagnetsilog. Masasarap, hindi po ba.
Pero, kapag inaraw-araw itong masasarap na ito, ano pong mangyayari? Nasarapan pero tatas ang cholesterol, tataas ang sugar. Anong sinasabi sa atin nito? Ang masasarap, madalas nakasasama.
Kapag naman kain ka ng kain ng gulay, kamote, saging na saba, oatmeal – anong lasa ng mga ito po? Mapakla, matabang, pangit ang lasa – pero ano naman pong nangyayari sa katawan natin – nagiging malakas at masigla. Ano naman pong sinasabi sa atin nito? Ang pangit ang lasa, madalas masustansya.
Kung si Hesus, iniimbitahan po tayong talikuran ang ating sarili at ang ating mga layaw o kagustuhan, hindi po ito isang uri ng parusa. Kung pinapabuhat niya po sa atin ang ating mga Krus, hindi niya po tayo pinahihirapan.
Bagkus, pinagdadahan-dahan niya po tayo sa ating mga saya sa buhay – kasi mamaya, itong mga saya na ito, dinadala pala tayo sa kapahamakan.
Kaya nga po, sabi sa ating First Reading: “If you obey the commandments of the LORD, your God, you will live and grow numerous, and the LORD, your God, will bless you.”
“If, however, you turn away your hearts and will not listen, I tell you now that you will certainly perish; you will not have a long life.”
Kaya nga po, ngayong kakapasok lang po natin sa Panahon ng Kwaresma, Maganda rin siguro balikan, ano ba yung mga bagay na nagpapasaya sa atin?
Kilatisin natin kung itong mga bagay na nagpapasaya sa atin ay nilalapit tayo kay Hesus – kung oo, ipagpatuloy! Pero, kung ang nagpapasaya sa atin ay inilalayo tayo kay Hesus, baka panahon na para bitawan, ialay kay Hesus, at magbagong buhay.
Tandaan po: Ang pangit ang lasa, madalas masustansya; at ang masasarap, madalas, nakasasama.
Amen.
Deuteronomy 30:15-20 Psalm 1:1-2, 3, 4 and 6 Luke 9:22-25














