It was late afternoon and sobrang gutom na ako for lunch time.
And dahil nga nanood ako NBA Finals nakalimutan ko ng magsaing.
Then after watching NBA i went to carinderia to buy foods for my lunch. But then mukhang hindi masasarap ang pagkain nila. (Hahahaha)
While i was walking home dahil napagdesisyunan ko ng di mag lunch at mag bread and juice na lang muna, nakita ako bigla nila lolo at lola.
Daan daw muna ako sa bahay nila at doon na daw ako kumain.
They served me “lugaw” na nilalagyan ng asin.
Sabi ng lola ko hindi daw yun basta basta lugaw.
Ang sabi ko ang init init nag lugaw kayo.
And nakita ko yung lungkot sa mukha ng lolo at lola ko.
Yun lang daw nakayanan nila mag-asawa.
At feeling ko nasaktan ko sila sa salitang yun pero pabiro naman yun sabi ko at sa isip ko baka isipin nila na di masarap luto nila at di ko tanggapin yung alok nila kasi nga desabog lang ng asin..
Ang sabi ko sa kanila dagdagan nila at sa bahay na ako kakain at imemeryenda ko ang matitira at masarap yon kapag isinawsaw sa tinapay.
Then i saw my lolo’s face, smiling.
Nung umuwi ako para kainin na.
Grabe akala ko simpleng lugaw lang na kanin.
Yun pala malagkit na kanin ang ginamit talaga nila at di ko alam kung anong rekados ang nilagay nila.
The “lugaw” was simple pero masaraaaaap talaga sya.
Bumalik ulit ako sa kanila para humingi ng isa pa kasi naubos ko talaga sya. 😋
Maituturing kong napakasarap talaga nilang magluto kahit noong bata pa ako.
Sa simpleng ingredients napapasarap nila ng sobra ng may kasamang pagmamahal.