OFW
Dito sa ating bansa, marami tayong kababayan o kapwa pinoy ang ninanais na pumunta o magtrabaho sa ibang bansa.
Mas ginugusto nilang magtrabaho sa ibang bansa dahil mas malaki ang pasahod o kita doon. Hindi katulad dito sa Pilipinas na sobrang hirap na ng iyong trabaho ngunit hindi sapat para tustusan ang inyong pangaraw-araw na pangangailangan. Mas maraming oportunidad sa ibang bansa, napaka-raming magagaling at propesyonal na ang nakilala sa ibang bansa na mga pinoy.
Hindi ba’t sila ay dapat hinahangaan, dahil nagagawa nilang magsakripisyo upang mabigyan lamang ng magandang buhay ang kanilang pamilya. Ilang araw, buwan, taon ang tinitiis nila na hindi nila kasama ang kanilang pamilya para lamang kumita ng pera. Minsan ay gusto na nilang sumuko at umuwi nalang sa ating bansa ngunit naiisip nila na wala silang maibibigay kung dito sila mananatili, siguro ay meron. Ngunit hindi sasapat. Hindi nila ginusto na mawalay sa kanilang pamilya at umalis sa ating bansa ngunit ito nalang ang maaari nilang gawin upang mataguyod ang kanilang pamilya.
Karamihan sa mga tao sa ibang bansa ay mababaw o mababa ang tingin sa ating mga kapwa pilipino na nagtatrabaho doon. Pinagsasamantalahan, pinapahirapan at minamata dahil nga pilipino. Hindi ba nila alam na kung hindi dahil sa mga pilipinong nagtatrabaho sakanila ay mapapadali ang kanilang gawain? Oo binabayaran sila, ngunit buong puso ang binibigay nila sa bawat serbisyong ginagawa nila.











