Political Dynasties
After ng term ni BBM sa 2028, malamang sa malamang tatakbo si Sara bilang pres.
After naman nya, pwede nang tumakbo si Sandro sa 2034 dahil eksaktong 40yrs old na sya nun. At base sa batas, ang edad na pwedeng maging presidente ay 40 pataas. Or kung hindi pa naman sya tatakbo, siguro si Baste.
2 pamilya lamang ang umiikot na namamahala sa ating bansa Nakakakabahala ba?
Oo kasi nagmumukha na itong negosyo.
Kapag may ginawang mali, hindi ito masusupil dahil pagtatakpan lamang nila. Sino ba ang may gustong makulong ang kamag-anak nila?
Kaya goods din yung hindi na pinush ni madam ang election result. Panahon siguro ito na kailangan nating tanggapin na mahirap kalabanin ang injustices lalo na't ang mga nasa posisyon ay sila-sila ring parte ng bulok na sistema. Masasayang lang ang effort at pera. Nasa panahon pa tayo na ang hustisya ay para lang sa mayayaman at may kapangyarihan.
Oks yung Angat Buhay Foundation. Kung magiging successful ito, baka sakaling handa na ang Pilipinas na bitawan ang mga politikong parte ng dinastiya at yakapin ang mga lider na may prinsipyo at hindi nagpapasilaw sa pera't kapangyarihan. Wag lang sanang ired tag ulit ng mga nasa posisyon at gawan ng kung ano-anong kwento.
Malaki ang responsibilidad ng mga guro ngayon sa pagtuturo ng tama sa mga estudyante. Dahil ang mga estudyante ngayon ang future voters.













