May 20, 2022
Dear Sha from Switzerland,
Thanks for this letter. Actually I am in pain right now. It's been 11 days since the election ended. I already accepted the results even there were anomalies. BBM still got a vote more than VP because of his propagandas.
I also think na it is okay na lang na hindi nanalo si VP. Malaki ang pwersa ng kadiliman ang naghahari sa Malacañang. Hindi mga tao kundi mga espiritu. I remember a passage na ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi ang dyablo. Hindi rin nya deserve ang pambabash dahil sa mga fake news.
What sadden me ay ang truth na marami pa ring kapwa ko Pilipino ang nagbubulag-bulagan. Mas pinipili pa rin ang mga may kaso at kriminal kesa sa malinis ang track record. Chance na sana natin yun eh. Chance na natin mabago ang sistema, kaso nawala lang din. Lalo na yung pilit iniiba ang kasaysayan ng martial law.
Nadidissapoint din ako sa iba kong kapwa Kristyano.
Laging sinasabi ng iba na, "Wag masyadong mainit sa usaping politika. Baka makatisod ka."
Hindi ko alam kung mali ba na sabihin ang tama dahil makakatisod ako ng mga taong ayaw tanggapin ang katotohanan o talagang mali lang ako?
Hindi ba naiisip ng mga kapatid kong ito na nakakatisod ang pagiging neutral nila?
Ang tatapang mangaral ng christian living sa mga indibidwal. Pero kapag usaping politika, para bang exempted ang mga politiko
Ang sakit sa puso.
Alam kong nakahula sa bibliya na darating ang panahon na magiging masama ang mundo. Pero ang sakit lang na nagiging contributor ang maraming kristyano na maganap ito. Sa pamamagitan ng walang pakialam at sa pagboto sa mga tiwali.
Tapos sasabihin si Lord na ang bahala, after bomoto ng mga tiwali. Para bang gagawa ka ng mali tapos ipapasa mo ang burden kay Lord after.
"Ipagpray na lang." What if ito na yung sagot sa prayer nila dati pa?
Ang sakit sa puso.
Hindi ibig sabihin nito ay ang perfect ko na. Hindi. I am trying to be better each day.
Pero salamat sa iyong letter. This is very timely and comforting. Thanks. May our Lord bless you always.
Love,
GL












