PLEASE KILL ME
wallacepolsom

No title available
Stranger Things

izzy's playlists!

No title available
sheepfilms

★
Jules of Nature

shark vs the universe
Mike Driver
Xuebing Du

JVL

PR's Tumblrdome
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
No title available

Janaina Medeiros
No title available
🪼
will byers stan first human second
I'd rather be in outer space 🛸

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from France
seen from Malaysia

seen from Australia

seen from United States
seen from Malaysia
seen from Japan

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Slovenia
seen from United States
seen from Slovenia
seen from Germany
@gewgle
PLEASE KILL ME
And as I influence people indirectly, I hope they see positivity in every negativity I do. I hope they don’t get shittier than I did. And I hope that I am doing the right things to make their lives better.
Okay, tama na sa english. Baka mabigyan ng award. Wala lang, change topic. So ayon, alam niyo ba na narealize ko na ang tipid ko magbigay ng compliments. As in, sobra. Parang kung ijajudge ko ng 1-10 ang isang bagay, highest lang na maibibigay ko e 8, or 9 sige na. Mahirap para sa akin magbigay ng perfect score bilang sobrang taas ng standard ko sa mga bagay-bagay. But that doesn’t mean I look forward to being perfect and all. It’s just that I reserve the perfect 10 to someone really special or something objectively perfect.
Kaya ngayon, I’ll tell everyone who aren’t satisfied of their superb work that they are doing a good job and they should keep it up. Doesn’t matter if it has a lot of rooms for improvement, it’s still something.
Hey there, beautiful! :)
undaaas
So yeah, engineer na akong tunay but medyo may ilalabas pa din akong hinanakits because you know naman na hindi pagkapasa lang ang habol ko. But unfortunately, hindi ako umabot sa top 10. Pero okay lang, they deserved it better, I believe. Who am I to ask for more when I did nothing to earn it. But then again, no regrets!
Kagabi, ayun nga. Sobrang kabado habang papalapit nang papalapit ‘yung paglitaw ng results sa internet. Hindi ako mapakali at gusto ko magsisisigaw para lang mailabas ‘yung stress. But then, ayun, lumitaw na nga ‘yung results. Pasado sa parehong board exam, oks. Then a wild list of topnotchers appeared. What a shuffle. Didn’t expect the list but I guess gano’n talaga kapag board exam na, no? Wala ang pangalan ko, at ‘yung isa kong tropa na prospect din sa listahan. 1st stage, denial. Di nagtagal, naiyak na ako. Buti nalang kasama ko ang mga kaibigan ko at ayun, medyo nakapaglabas naman agad ng hinanakit. Buong gabi na ayaw kong may nagbabanggit sa akin ng tungkol sa board dahil naiiyak talaga ako. Kahit sa byahe maluha-luha pa din ako, buti nalang din at may tissue ako hehee. Noong makita ko na ‘yung magulang ko, gusto ko pang umiyak dahil alam ko nag-expect din sila at hindi ko naibigay ‘yung last achievement sa aking academic life. Sabi naman nila na okay lang daw ‘yun, engineer naman na daw ako e. But I still feel underachieved, back to the old batugan na Yugel, na walang ginawa kung hindi magpasarap nalang. Like I wasted the last chance of redeeming myself. Aminado naman ako na nakakainggit maging topnotcher pero tanggapin ko nalang siguro talaga. Congratulations sa tropa kong nagtop at siyempre pati na rin sa pumasa lalong-lalo na sa mga bataan ko! At sa mga hindi pinalad, hindi pa naman tapos ang buhay, kayang-kaya niyo pa ‘yan mga kapatid. ‘Wag niyong isipin na tamarin kayo dahil wala na kayong kasangga dahil nauna na kami pero hindi naman namin kayo iiwan. Basta, next board exam galingan niyo!
Balik sa kwento, ade ayun, mabuti nalang at mabilis ko ding natanggap. Ang hindi ko nalang matanggap e engineer na ako. May karugtong na ‘yung pangalan ko. I realized that it doesn’t really matter after (take note, hindi after all). Nakakakaba before and during, pero balang araw wakekeke nalang. Paggising ko sa umaga e iba ‘yung pakiramdam ko. Hindi na talaga ako estudyante. Magtatrabaho na ako. Hindi na ako magrereview. Ngayon palang namimiss ko na ‘yun lahat. Hindi na ako papasok sa eskwelahan. Hindi na din ako babalik pa gaano sa Maynila. Ang tirahan ko sa loob ng lagpas 5 taon. Bagong yugto na talaga ito. Bagong-bago.
Nais ko nga palang magpasalamat sa mga tao sa likod ng aking tagumpay. Sa aking mga magulang at pamilya na hindi nagsawang sumuporta sa kung ano mang gawin ko sa buhay, na nagbigay ng baon na alam naman nating gasolina talaga ng bawat estudyante para mag-aral hahahaha, na nagturo kung paano mamuhay sa tunay na buhay, at siyempre ni kailanman hindi ako iniwan sa ere. Mahal na mahal ko kayo, hindi lang po ako showy. Hehehee.
Sa mga kaibigan kong hindi rin nagsawa at patuloy na sumusuporta sa pagtahak ko sa buhay. Sa mga naniniwala sa kakayahan ko. Pati na rin siyempre sa hindi, dahil alam niyong masaya ako kapag may binabadtrip akong tao hahaha (biro lang). Sa aking bataan na ni kailanman hindi ako nagsawa turuan dahil alam ko na gustong-gusto nilang pumasa at doon palang ganado na ako magturo. Sa mga kaibigan ko nakilala ko lang nitong review season pero akala mo matagal na kaming magkakakilala. Sa mga taong umakay sa akin noong namomroblema ako. Sa mga taong nagpalapit ulit sa akin sa Panginoon. At siyempre na aking mga propesor magmula pa undergrad, hanggang sa review. Maraming maraming salamat po!
Sorry sa mga taong nasaktan ko, emotionally lang. Sa mga taong hindi ko naambunan ng, omahgah, ehem, ~*t4Lin0*~ at hindi pinalad, sorry. Pag-igihan niyo nalang next time! Tagapitik lang naman ako ng mga utak niyo para magising at kayang-kaya niyo naman talaga ‘yan kahit kayo lang mag-isa, promise! At siyempre, sa mga taong nag-expect na magtop ako, patawad dahil hindi ko kinaya. Nahihiya na ako magpakita sa inyo sa totoo lang hahaha. Pinaasa ko kayong maigi but I did not deliver. Hayaan niyong makabawi ako in other ways I know.
So ayon, hanggang sa uulitin! Update nga pala, lumabas na ‘yung grades hahaha medyo malapit na pota lang talaga ‘yung ESAT ko okayyyyyyyyy bye! Real world, here I come :)
Man, it was a long and rough ride and I still can’t get enough of it. Ngayon na talaga mag-eend ‘yung academic/aral life huehuehue or not since I’m considering to take up masters.
Gusto ko magkwento tungkol sa boards pero tangina shit talaga ‘yung kaba kakaloka! Hindi pa rin talaga nagsisink-in sa akin na tapos na ‘yung boards e. I mean, alam mo ‘yon, feeling ko evaluation exam lang ‘yun sa review center na inaattendan ko? Tapos alam niyo ba ‘yung feeling na gusto ko pa magreview hahahaha maygahd. Feeling ko hindi ko naibigay ‘yung best shot ko sa board exam na ‘yun. Pagpalain pa rin nawa.
Tapos na ang boards, pero ‘yung kaba namin hindi pa hahahahahahaha!
Go Yugel! aabangan kita sa listahan ng topnotchers . You can do it! ^__^
Aaaay! Sino po sila? Salamat po sa suporta anyway hahahahahahahahaha!
“P’re, isipan mo nga ako ng pang-creative! Malapit na ako kuhaan o!” “Ano ba dala mong props diyan ha?” “Wala nga e. Camera lang dala ko tsaka mga damit.” “’Yung camera!” “Magpophotographer talaga ako sa creative ko?! Push ko na talaga?!” “E wala kang magagawa hahahaha!” “Rak na ituuu!”
Konting-konti nalang puta
Isang problema ko pa pala e dahil sa matagal kong paglaylow sa photography bilang nagconcentrate muna ako sa pagiging quizzer, e parang nawala ‘yung mata ko sa pagpipicture amputa. Di bale, eto na nga e! Babalik na nga e! Para may magawa naman ako sa leisure time ko habang nagrereview ano po.
Midnight Shenanigans
Another ‘end’ is coming; graduation season na. Panahon na ng mga pagwawalay ng mga magkakaklase pagkatapos ng ilang taong samahan. For sure maraming iyakan ‘yan sa dami ba naman ng pinagsamahan e. Siguro lalo na sa akin, sa sentimental side ko. Ayaw ko talaga ‘yung titigil sa mga bagay na nakasanayan ko na e. Alam niyo naman siguro ‘yung pakiramdam na ‘yun di ba? Lagi nalang akong ganito hahaha. Medyo natatawa na ako sa sarili ko kasi para akong ewan kapag mga ganitong end of something na. Andiyan ‘yung end of the year, end of the sem, end of finals, end of fieldtrip. Sobrang sentimental ko na talaga na nakakairita na din. Gusto ko bumalik minsan sa nakaraan para i-relive nanaman ‘yung mga kinanginang mga pangyayari para maramdaman ko ulit ‘yung saya pero alam kong may darating pa naman na masaya e. Ayoko lang talaga maglet go sa nakaraan. Nakakamove on naman ako pero parang medyo matagal. Abnormal.
Gusto ko lang talaga ipahayag dito ‘yung kalungkutan ko sa pagkatapos ng paghihirap ko na maiayos ‘yung estado ko sa eskwelahan e wala pa din. Naging quizzer na ako, nagchampion (o di naman kaya mga runner-up) sa mga quiz bee na national level. Nagbigay ako ng parangal sa school ko sa kagustuhang maiderecho ko ‘yung gusot ko noong younger years ko. Pero parang hindi pa din sapat amputa. Nakakaloka. Oo alam kong barumbado ako noong bagito palang ako sa kolehiyo. Panay tulog sa klase, cutting para magdota, bisyo at kung ano pang di naman ginagawa ng GC na tao. Pero sana naman ‘wag na ako hantingin no’n ngayong nagbago na ako. Medyo pinagsisisihan ko na din ‘yung mga kaputanginahan ko noon. Puta. Hanggang ngayon hindi pa din ako mapatahan dahil hindi ako makakamartsa ngayong Marso. Sarap niyo sampalin ng trophy mga ma’am ser! Ayoko na bumalik doon sa mga pinaghingian ko ng tulong at pinakiusapan dahil wala na ata akong mukhang maihaharap doon e. Iniyakan ko na para lang pakuhain ako ng last 2.5 units ko ngayong 2nd semester na OJT tapos di daw pwede kasi sabay sa thesis. Puta, e di wow! Gusto ko sana i-brag ‘yung pagiging quizzer ko, “Ma’am! Kayang-kaya ko naman ‘yan. Puta, quizzer ako e! Eto trophy o!” e kaso baka ma-major offense pa. Minsan talaga hindi na sapat ‘yung “Don’t think of what your school can do for you but what you can do for your school.” Dapat kung ano na din magagawa ng school mo para sa’yo bilang kapalit ng mga dinadala mong parangal. Di sapat ‘yung premyong pera e. Nagpapakasasa nga ako sa pera pero hindi naman ako makakamartsa kasabay ang mga kaibigan kong kasama kahit saan, lalo na sa thesis. Mula noong araw na malaman ko ‘yung masamang balitang ‘yun, parang tinamad na ako pumasok. Parang sobrang napagod ako. Balik sa dating ako. Banjing-banjing, kung saan nalang dalhin ng agos ng buhay. Hindi ko na alam kung ano mangyayari sa akin pagkatapos nitong semestre. Malamang sa hindi, mag-OJT pa ako pero parang tinatamad na din ako mag-asikaso. Haixt, kapag tinamaan ka nga naman talaga ng lintik. Pamartsahin na kasi ako kahit di pa ako tapos sa OJT ko. Ayun nalang naman kulang ko e huhuhu. Kahit i-hold niyo na TOR at Diploma ko muna pls. Too close talaga ‘yung summer grad e. Martsa na, nagluksa pa.
Hindi ko din alam kung ano gagawin ko sa March 30, ‘yung araw ng graduation rites. Nangangasim ako sa bawat post na makikita kong tungkol sa graduation. Kasama pala ako sa paparangalan sa recognition day pero parang wala nang bilang sa akin. Nahihiya din ako sa magulang ko na ito nalang ‘yung bagay na alam kong ikasisiya nila na makakaakyat ako ng stage on time. E anak ng, next year pa ako makakamartsa kung ipupush ko pa. Mukhang delayed ako no’n pero parang masaya isipin na engineer na ako pagkamartsa ko. Kaso parang ang sakit pa din. Hindi mo kasabay ‘yung mga tropa mo umakyat ng stage. Awts talaga. Ngayon nga e medyo lumalayo-layo na ako sa mga tropa ko para medyo wala nang attachment kasi gano’n din naman, mag-iiwanan pa din. Minsan, masama din loob ko sa kanila kapag feeling ko ako nalang ‘yung gumagawa sa thesis group namin. The fact na 10 kami sa grupo, at hindi ako superman para matapos agad lahat ‘yung tokang gawain sa akin e nakakaligtaan ko na din ‘yung academics ko. Pero kalimutan na nga ‘yon, pasado na ko e, clearance nalang. Nangangasim din ako sa mga tropa ko na nagpopost ng grad pic nila. Feeling ko di sila aware na nasasaktan din kaming medyo delayed.
Ayoko nalang talaga magsalita kasi naluluha talaga ako tuwing maiisip ko ‘yun. Congratulations nalang mga tropa! ‘yung congratulations ko, hilaw pa e. Dami nga achievements e puta di naman mamartsa.
Haixt! Pero sige na, last na sana ‘tong pagdadrama kong ‘to. Babalik muna ako sa mga hobby ko para makalimot sa sakit. Kailangan ko na din mag-unwind sa sobrang stress.
Sinusumpa ko talaga sa boards kapag ako nag-top, hu u kayo sa akin.
UKI
FIELD TRIP PA MORE! November 24-28, 2014