So umuwi nga si ate. Syempre ako nanaman napansin.
Ako: Oh bakit ikaw, mataba din naman tyan mo.
Ate 1: Ako ay nanganak. Kami ni ate mo ay nanganak. Ikaw anong excuse mo??
Ako: Masarap yung pagkain. Isang beses lang ako mabubuhay at ayaw ko mabuhay ng matagal.
Ate 2: Wow, may abs ka na kapag hindi ka nahinga.
Ate 1: Visceral fats na yan. Mag-exercise ka kasi.
Ako: Sige, mag-gym na lang ako.
Sila: Bakit ka mag-gym???
Ate 1: Bumili ka ng weights sa shopee.
Ate 2: Gamitin mo yung threadmill na binili mo.
Ako: Ayaw mo kasi itayo yung threadmill ko.
Ate 1: Bili ka nung 4kgs na weight. Malaking bagay na yun.
Hindi ko alam saan ba nila ako papuntahin at parang mas stress pa sila sakin sa katawan ko. Eh ano gagawin ko kung mabagal na talaga metabolism ko??